Chapter 35

1.4K 23 1
                                    

Gaze POV


Pinanood ko nalang na umalis si Cloe dito sa room matapos sabihin ang mga salitang 'yun.


"Hanggang kailan tayo magiging ganito sa tuwing napag-uusapan si Kyla?" Madiin na tanong ko at tiningnan pa ng masama si Timothy. "I told you. Huwag na natin idamay si Cloe dito dahil hindi siya ang hinahanap natin."


"I also told you, Gaze. Wala na akong pakialam sa paligid ko."


"You're not a fucking child, Timothy. Hindi ko na kailangan isa-isahin ang mga bagay na 'to sayo." Madiin na sabi ko. Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Akala ko napag-usapan na namin na hindi kami magiging ganito sa harapan ni Cloe but it turns out worst.


"Ano bang mali sa sinabi ko?" Sarkastikong tanong niya sa akin. "Kahit itanong mo pa kila Pam, alam kong naisip din nila na si Kyla si Cloe."



Napunta ang atensiyon ko kila Pam na napaiwas agad ng tingin. "Tama siya." Sagot ni Wendy. "Akala ko talaga si Kyla si Cloe nung nakita ko siyang pumasok kanina. Alam ko na kinausap mo na kami but I can't help it, Gaze. Paano kami mananahimik kung makikita namin sa harapan ang babaeng kamukhang kamukha ng kaibigan namin?"


"Kung buhay pa si Kyla ngayon, gano'n na gano'n ang magiging itsura niya, Gaze. Hindi ko makakalimutan ang kaibigan ko." Sagot na ni Pam sa akin.


"Yeah, funny, right? Dahil habang tayo ay naguguluhan dito, nawe-weirduhan naman sa atin si Cloe." Natatawang sabi ni Kel at kinuha na ang mga gamit niya para umalis dito. "Tama si Gaze. She is not Kyla. Hindi natin pwedeng ipilit na buhay ang taong alam naman natin na matagal ng wala. Mababaliw lang tayo."


"Yeah. Kaya as much as possible, kailangan nating pigilan ang mga sarili natin. Kausapin natin si Cloe nang hindi nakikita si Kyla sa kaniya." Sabi ko na sinang-ayunan nila.


Nauna ng umalis si Timothy nang hindi pa 'rin kami kinakausap. Masama ang loob niya alam ko 'yun at hindi ko 'rin siya pwedeng pilitin sa mga bagay na hindi niya naman gustong gawin.


Dumiretso na 'rin ako sa professor ko dahil may kailangan daw siyang sabihin sa akin at bumisita na 'rin ako sa law firm. Ang dami kong gagawin ngayon pero nakuha ko pang maki-sit in sa class na 'yun. Well, mukhang araw-araw ko na siyang gagawin dahil I have her schedule.


Funny, right? Sinabi ko sa mga kaibigan ko na 'wag nilang ituring na si Kyla si Cloe but I'm doing that out of curiosity. I don't know. Ang dami ko lang kailangan malaman.


Lunch na ng maisipan kong bumalik sa Maryland para sabayan si Mommy kumain. Babalik ulit ako sa Law Firm mamaya dahil ang dami talagang kailangan gawin.


"Son, kailangan mo pang itour si Miss Lim. Balita ko ay nalate siya kanina." Nakasimangot na sabi ni mommy matapos niyang ikwento sa akin na aalis daw siya mamayang dinner dahil niyaya daw siya ng mga friends niya.


"Sige, mommy. I'll try later." Ang sabi ko pa naman ang dami kong gagawin pero mukhang mas gusto kong itour si Cloe dito.


"About the classroom, son."


"Classroom?"


"Yeah. Doon sa abandoned building. Kinausap kasi ako ng mga executives na ipaayos siya kasi dangerous na 'rin 'yung puno. Uhm, what do you think?" Nag-aalangan na tanong niya sa akin.


"Is it really necessary?"


"Yes, son."


"Alright. We'll see. Pupuntahan ko mamaya." Natural lang na sagot ko na ikinangiti na niya. "Anong oras ka makakauwi mamaya, mom?"


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon