Her POV
"Ma, aalis na po ako." paalam ko kay Mama na kasalukuyang nanonood ng tv. Maaga akong aalis sa bahay ngayon dahil bukas din naman ng hapon ang uwi namin galing sa fieldtrip. Nandoon sa form 'yung mga paalala na kailangan naming tandaan. Ang dami ngang rules kaso duda akong susundin ng mga students 'yun.
For sure gagawin nila 'yung mga bagay na gusto nilang gawin.
"Siguraduhin mo lang na may makukuha ka diyan sa kaartehan na 'yan. Hindi 'yung kung ano-ano lang na kalokohan na wala namang naitutulong para magbago ka kahit konti." mapait na sabi ni Mama na ikinatahimik ko.
Palagi namang ganito.
Dapat ay masanay na ako.
Hindi nalang ako nagsalita kagaya ng nakasanayan at kinuha ko na ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko.
Napangiti pa ako ng mapait dahil hanggang ngayon ay hindi pa 'rin napapansin ni Mama ang sugat ko. Nagtatampo ako doon. Mababaw man kung tawagin pero hindi ba't normal sa magulang na mag-alala kapag nakakita sila ng sugat sa katawan ng mga anak nila? Normal sa magulang ang gano'n. Kahit magtanong man lang kung anong nangyari sa akin. Kaso wala talaga. Kahit isa wala.
"Aalis ka na, Ate?" Nag-angat agad ako ng tingin kay Lay nang kunin niya ang bag na dala ko at siya na ang nagbuhat nito. Galing ata siya sa bahay ng kaklase niya. Nag-sleep over dahil may project daw sila. "Kelan ang balik mo?"
"Hindi mo ba nabalitaan? Bukas ng gabi lang din. Bakit? May problema ba?" Bahagya pa akong tumango sa mga nakasalubong kong kaibigan ni Mama habang naglalakad kami ni Lay papalabas ng eskinita namin. Hanggang doon sa labas ay ihahatid niya ako.
"Wala naman. Ang boring lang kapag umalis ka kahit isang gabi lang." Lihim akong napangiti sa sinabi niya. "May tanong pala ako."
"Ano?"
"Kapag ba naging naging senior high na 'rin ako, magkakaroon na kami ng fieldtrip? Kasi bawal pala sa highschool ang gano'n. Puro museum lang kami eh." Nakasimangot na sabi niya sa akin. Hindi kasi pinapayagan ang junior high na magfieldtrip sa malayong lugar. Unang-una sa dahilan, masiyado silang magulo. Last time na nagkaroon daw ng outdoor activities ang juniors, may mga accident daw na nangyari.
"Siguro since every senior high naman ay meron kaso napaaga lang talaga 'yung amin ngayon."
"Ah kasi doon sa anak ni Mayor at Vice Mayor?" Napatango agad ako sa sinabi niya. "Alam mo ba, ate, halos araw-araw topic ng mga kaklase kong babae 'yung Gaze at Timothy na 'yan. Nakakaumay!"
"Oh ikalma ang puso. Kamusta pala groupings niyo?"
"Nako, Ate! Sabi ko sa kanila magpancit canton at movie nalang kami kaya 'yun ang ginawa n——aray!! Bakit ka nananakit?????" Reklamo niya nang bahagya kong hilahin ang buhok niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin at inagaw ang bag ko dahil nandito na kami sa labas.
"Ikaw talaga! Nasa tamang landas na nga ang mga kagrupo mo, niligaw mo pa!"
"Anong magagawa ko? Hindi ko 'rin naman inakala na susunod sila sa suggestion ko. Tsaka, hoy! Kung sasabihin naman nila na gumawa kami nung activity, kikilos talaga ako. Kaso ayaw din nila." Pinanliitan ko pa siya ng mata na ikinatawa niya naman agad at bahagya pang ginulo ang buhok ko. Palibhasa mas matangkad siya sa akin. "Baka maligaw ka doon ha. 'Yung bandage mo, palitan mo 'yan kasi baka ma-infect 'yung sugat and please, mind your environment."
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...