Trigger Warning: Suicide!!!
Her POV
Wala sa sariling naglakad ako pauwi ng bahay namin. Mukhang nakikisama ang panahon sa nararamdaman ko dahil kanina pa pala umuulan. Sobrang dilim ng langit. Hindi na 'rin ako nagkaroon ng pakealam sa mga taong tumitingin sa akin.
Pagod nalang ang nararamdaman ko.
Hindi ko na nakita pa si Kenn, Pam, Kel at Wendy simula kanina. Tinalikuran nila akong lahat. At unti-unti ko ng tinatanggap 'yun sa sarili ko.
Unti-unti ko ng tinatanggap na wala na talagang maniniwala sa akin.
Wala na akong aasahan ngayon.
Tutal unti-unti naman na akong nasisira....
Unti-unti na akong nawawasak..
Alam kong konti nalang, susuko na ako.
"I-iha.....jusko po, umuulan. Kunin mo itong payong." nag-aalala na tawag sa akin ni Lola na nagtitinda sa gilid nitong Maryland. Sa kaniya ako palaging bumibili ng mga kakanin kasi namimiss ko si Lola sa kaniya. Si Lola ko na nasa probinsiya. Mukhang pauwi na 'rin siya ngayon dahil dala dala na niya ang bayong niya.
"Nako hindi na po." Nahihiyang sabi ko nang ibigay niya sa akin ang payong. "Baka po madumihan kayo."
"Mas kailangan mo ito." Nakangiti niyang sabi at kinuha pa ang panyo niya para punasan ang mukha ko. Nakagat ko tuloy ang pang ibabang labi ko kaya napatigil siya sa pagpunas sa akin. "Wala kang kasalanan, iha. Hindi ko man alam ang nangyari sa iyo pero alam kong wala kang kasalanan doon. Naniniwala ako sayo." Nakangiti niyang sabi kaya sunod-sunod ang pagtango ko habang umiiyak. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin kaya mas lalo lang akong naiyak doon.
Ibinigay niya lang ang payong sa akin bago siya nagpaalam na aalis na dahil susunduin niya pa daw ang apo niya na elementary students. Medyo gumaan ang dibdib ko kay lola.
Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong agad ako ng masamang tingin ni Mama. Sobrang dumi ng damit ko. Basang-basa pa ako dahil kanina. Hindi ko na alam ang itsura ko kaya talagang mapapagalitan ako ni Mama.
"M-ma...may na——" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang agad akong sampalin ni Mama. Nanatiling nakatingin sa akin ang mga kapatid ko samantalang si Papa naman ay nananahimik lang sa gilid.
Alam na nila.
"Wala ka talagang kwentang bata ka! Dumagdag ka pa sa problema namin ngayon! Pabigat ka!!! Pabigat ka sa pamilyang 'to!!!" Hinila niya ang buhok ko kaya napapikit ako sa sakit. Agad naman na umawat si Papa at ang mga kapatid ko.
"Ma, tama na!"
"Wag mong saktan ang bata!"
"Ma, tama na po." Umiiyak na sabi ko dahil patuloy niya pa 'rin akong sinasampal.
"Ngayon! Sabihin mo sa akin! Ano ng gagawin ko sayong bata ka! Napakatigas ng ulo mo! Hindi ko akalain na nakapagpalaki ako ng isang katulad mo! Napakademonyo mo! Wala kang utang na loob!!!! Wala kang utang na loob dahil nakuha mo pang gumawa ng masama!!!! Mabulok ka sana sa kulungan!!!" Galit na galit na sabi niya sa akin.
Hindi na tumigil sa pag-iyak ang mga mata ko.
Naaawa na ako sa sarili ko...
Hanggang kelan ba ganito? Ayoko na.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...