Cloe's POV
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Peter sa sinabi ko at bahagya ding napatingin kay Pam na diretso nalang na nakatingin sa pagkain niya ngayon.
Cloe, stop this.
"Huwag mo ng sagutin. I'm just kidding. Anyway, pumunta ka daw pala sa bahay according to my brother. Bring Cy with you para naman hindi ako maboring kausap ka." Natatawa kong sabi kaso nanatili na siyang tahimik. Ano bang ginawa mo, Cloe? "Mauuna na pala ako. Enjoy your foods, guys." aalis na sana ako nang hawakan ni Peter ang braso ko na ikinatigil ko.
"Teka lang,"
"Why?" Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko nang tumingin siya ng diretso sa akin.
"Remember what I told you years ago?" Natural na sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Those people."
"What?"
"Yung mga taong naging dahilan ng aksidente mo." Right. I told him na nacoconfuse ako at sinabi ko 'rin sa kaniya na pakiramdam ko ay may cause kung bakit nangyari sa akin 'yun. Pero hindi ito ang tamang panahon para sabihin 'yun. Hindi sa harapan nila Pam.
"Peter, don——"
"I told you. Babawi tayo sa mga taong 'yun. We'll make sure na mararanasan din nila kung ano ang naranasan mo dati." Seryoso niyang sabi at nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao niya.
"Peter,"
"I saw you suffer from those things Clo kaya hindi din ako naniniwala na car accident 'yun. At sa tuwing naalala ko ang mga naranasan mo after mo kong makilala dahil until then ay iba pa 'rin ang epekto ng nangyari sa health mo, nagagalit ako." Totoo ang sinabi ni Peter. After talaga nung accident, akala ko ayos na but even after years, sumasakit pa 'rin ang ulo ko to the point na ilang beses akong naitatakbo sa emergency room. Pero nawala na 'rin 'yun nung maging college students ako that's why I tried being a Pilot.
"Thanks, Peter." Bahagya ko pang tiningnan sila Pam bago ako nagpaalam kay Peter na aalis na ako. Tama na ang mga narinig nila dahil nakita ko na ang reaksiyon nila Pam. Naiiyak sila sa narinig lalong lalo na si Pam.
Naglakad na ako papalabas ng cafeteria para dumiretso sa library nang biglang may kamay na humila sa akin papunta sa daanan na wala namang tao.
"What the hell is wrong with you???!" Inis na sabi ko kay Kenn at bahagyang hinawakan ang braso ko. Anong ginagawa niya dito?? Bakit siya nandito? Dapat ay hindi ko siya nakita kasi nasasaktan ako.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya.
"Really, Cloe? Kailangan mo bang gawin sa harapan ng taong importante sa kanila ang mga bagay na 'yun?" Napamaang ako sa sinabi niya at ramdam ko kaagad ang pamamasa ng mga mata ko. Gusto kong umiyak.
"How dare you?" Madiin na tanong ko sa kaniya.
ANG KAPAL KAPAL NG MUKHA NIYA.
"Pinagmukha mong tanga sila Pam kanina. Hindi ba pwedeng pag-usapan 'yun?" Inis akong lumapit sa kaniya at tumingin ng diretso sa mga mata niya na nagulat pa ata nang makita ang naluluha kong mga mata.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...