Ses POV
Nasa punto ako ng buhay ko na hindi ko na alam kung ano pa ba ang tamang gawin matapos malaman ang katotohanan. Ang sabi nila magiging maayos na daw ang lahat once na malaman mo na ang katotohanan pero parang iba naman ang nangyari. Mas mahirap.
"Mauna na ako, Gaze. Hinihintay na 'rin ako nila Lay sa bahay since kakauwi lang nila." Lahat kami ay nanahimik matapos umalis ni Jacob. Lahat nagkaroon ng realization lalong-lalo na ako.
Kung naging matapang ba ako dati, mangyayari ba ang lahat ng ito? Kung hindi ko lang inisip ang mga susunod na mangyayari, magiging maayos kaya ang lahat?
Hindi ko na 'rin talaga alam.
"I'm really sorry, Ate Ses." Emosyonal pa 'rin na sabi niya kaya agad ko siyang niyakap. I understand him. Nasasaktan si Gaze at mas lumala lang ang pagsisisi niya sa nalaman ngayon.
"It's fine, Gaze."
"No, Ate." Seryoso niyang sabi nang bumitaw ako sa pagkakayakap. "I'm really sorry."
Hindi na talaga siya tumigil kakahingi ng sorry sa akin.
"Alam mo bang dahil sa ginawa mo ngayon, may saya akong naramdaman sa dibdib ko?"
"Ate,"
"Kasi narealize ko na hindi mo sinukuan ang kapatid ko. So thank you so much, Gaze. Thank you sa pagmamahal at pag-aalaga mo sa kapatid ko. And don't worry, I'm sure darating ang araw na you will be heard." Napatango siya sa sinabi ko at bahagyang ngumiti sa akin.
"Thank you, Ate Ses."
"Magpahinga ka na 'rin. Kailangan mo 'yun. Kailangan nating lahat 'yun. Thank you, Gaze." Paalam ko at tuluyan ng sumakay sa isang taxi dahil may kaniya kaniya ata silang pupuntahan pagkatapos doon sa sementeryo. Ako ay uuwi na dahil nakatanggap na ako ng message galing kay Papa na nakauwi na daw sila ni Lay. Kumuha kasi sila ng sasakyan para kay Lay. Nakakapagtaka din dahil ang dami ng pera ni Lay ngayon. I mean, he has his allowance but I doubt na gagastusin niya 'yun.
Wala sa sariling naalala ko na naman ang mga nangyari kanina. Lahat kami ay nasasaktan. Lahat nahihirapan at lahat itinatago ang totoo nilang nararamdaman.
Pero kahit gano'n, narealize ko 'rin na tama ang mga sinabi ni Jacob. Naging masaya ang kapatid ko sa kanila, naging mas maganda ang buhay niya. Ngayon ay buo na ang pamilya niya at successful na 'rin siya.
Pero may gusto akong gawin.
Gusto kong yakapin ng mahigpit si Cloe na sana pala ay ginawa ko na noong nakita ko siya. Nung araw na 'yun kasi ay akala ko talaga siya si Kyla kaya lumapit na ako. May pakiramdam kasi ako na siya talaga ang kapatid ko. Pero tama naman talaga ako. Siya ang kapatid ko. Buhay pa si Kyla.
Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko. Sila Gaze na 'rin siguro ang bahala doon sa tomb kung saan nakalagay ang isang katawan na hindi naman namin alam kung may laman ba. Manghihingi nalang ako ng update kay Gaze. Sa ngayon, nakakapagod nalang.
Nagmadali na akong umuwi sa bahay namin dahil may gusto din akong malaman at 'yun ay patungkol sa naging burol ni Kyla dati. Si Papa kasi ang nakausap ng mga tao nun at siya din ang nag-asikaso talaga. Kailangan ko lang makumpirma kung tama ba ang hinala ko na may kinalaman siya sa mga nangyayari ngayon o kung alam niya bang buhay si Kyla.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...