Her POV
Isang araw na naman para makipagsapalaran sa mga kaklase ko. Nakakatamad na. Paulit-ulit nalang. Hindi ko naman pwedeng sukuan dahil future ko 'rin ang nakasalalay dito.
Papasok na sana ako ng gate dito sa Maryland University nang biglang may humarang na tatlong babae sa akin. Literal na napakunot ang noo ko dahil wala pa namang gumawa sa akin nun sa tagal ko dito sa Maryland.
Pero ewan ko 'rin ba kung bakit napaatras ako. Siguro dahil naisip ko na baka saktan nila ako sa nangyari kahapon. Alam kong nakarating na sa marami ang nangyari na pagtatalo ni Kenn at Andrei kahapon.
"Uhm, Ate." Napunta ang atensiyon ko sa babaeng nahihiyang tumawag sa akin.
"Diba po kaklase niyo po si Gaze?" Napakunot agad ang noo ko at medyo itinagilid ang ulo ko para makita ang hawak nila at bulaklak na naman 'yun at chocolate. Nagsasayang lang talaga ng pera ang mga ito."Ano bang gagawin ko?"
"Pakibigay lang po sana nito, Ate. Nahihiya po kasi kami. Pasensiya na po talaga sa abala at maraming salamat po!" Nakangiti nilang sabi at tumakbo na paalis matapos ibigay sa akin ang mga dala nila.
Okay lang naman sa akin 'yun kaso after kong malaman 'yung sinabi ni Pam sa akin kahapon, medyo naiilang na akong kausapin si Kenn. Ewan ko ba. Ang sabi ko sa sarili ko dapat ay hindi ako magpaapekto doon pero ngayong naiisip ko na lalapitan ko siya, kinakabahan na ako.
Hindi ko 'rin alam kung saan nanggagaling ang ka——"Hala! Ang bango naman nito????!" Nagugulat na sabi ko nang hindi sinasadyang maamoy ang papel.
Hindi ko alam kung anong tawag dito sa papel na ito pero ang bango niya talaga! Nakaka-amaze naman! Hindi ko pa halos alam kung ilang beses ko siyang inamoy habang naglalakad ako papaakyat sa room namin.
Tinanguan ko pa ang ilang kilala ko dahil naging classmate ko sila before o kaya naman ay nakasama ko sa exam.
Pagkarating ko sa room namin ay nakita ko na 'rin naman si Kenn na nakaupo sa upuan niya habang nakacrossed-arm at nakakunot ang noo. Hindi na ako pinahirapan maghanap. Ang problema ko nalang ngayon ay kung paano ko siya kakausapin.
Siguro ibigay ko nalang sa kaniya itong mga 'to. Hindi naman na siguro siya magtatanong since obvious naman na sa mga admirers niya galing 'to. Tsaka may pangalan naman sa note.
Naglakad na ako papasok kaya napunta ang tingin niya sa akin. Hindi lang ang atensyon niya kundi ang atensiyon ng lahat dahil sa mga dala-dala ko.
Inilapag ko lang ang mga dala ko sa table niya na ikinataas pa ng kilay niya kaya itinuro ko agad ang letter bago dali-daling umupo sa upuan ko na agad niyang napigilan.
"Ano 'to?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Hindi ba obvious??? Nananadya nalang ata 'tong si Kenn.
"May nagpapabigay sayo."
"Sino?" Oh, god! Bakit hindi niya nalang tingnan doon???
"Bakit ba ako ang tinatanong mo? Nandiyan ang pangalan at reason kung bakit ka binigyan. Basahin mo nalang diyan. Isa pa, wala akong alam, okay? Bigla nalang iniabot sa akin 'yan tapos umalis na 'yung nagpapabigay." Pikon na sagot ko dahil kailangan ko pa pala mag-explain talaga. Nakakainis.
Nang makaupo ako ay napansin ko pa ang pag-amoy niya doon sa papel. Siguro ay naamoy niya 'rin na mabango dahil napangiti siya doon.
"Did you smell it?" Napunta agad ang atensiyon ko sa kaniya nang itanong niya 'yun. Nakangisi pa siya na lalo lang ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...