Cloe's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ni Lay sa akin at bahagya pang pinagpagan ang damit niya. Nandidiri ata siya kasi hinawakan siya nung mga lalaking nagtakbuhan.
"Bawal ba ako dito?"
"Hindi. Pero dapat ay hindi mo nalang kami pinansin dito." Masungit na sabi niya kaya walang pagdadalawang isip na hinila ko ang buhok niya na ikinamaang niya naman agad. Ewan ko ba pero ang komportable niya kasama. "Ang sakit! Ano ba??!"
"Mas sasakit pa 'yan kapag nagsungit ka pa sa harapan ko. Tss. Anong ginagawa mo dito? Alam ba 'to ni Ate Ses? Alam ba niya na nakikipag-away ka dito sa mall pa talaga?" Nakangiwing tanong ko. Ano ba kasing ginagawa niya dito sa mall? Huwag niya sabihin na nagsha-shopping din siya?
"Hindi niya alam. Wala naman silang pakialam sa akin kaya gayahin mo sila at huwag mo na akong kausapin." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ipinapakita niya na hindi siya masaya na nakikita niya ako dito pero iba naman ang sinasabi ng katawan niya. Kasi kung ayaw niya akong makita, dapat ay kanina pa siya wala sa harapan ko. Hindi ko naman siya pipigilan pero nandito pa 'rin siya. Nakatayo pa 'rin siya dito na parang hinihintay na yayain ko siya kung saan man ako pupunta.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko na nakakuha ng atensiyon niya. Napansin ko pa ang palihim niyang pagngiti kaya napangiti na 'rin ako. Sabi ko na nga ba at gustong sumama sa akin nito eh.
"Libre mo ba? Kung oo, halika na." Yaya niya at hinawakan na ako sa braso pero agad ko 'rin siyang pinigilan. Yaya ng yaya hindi niya pa nga alam 'yung plano ko ngayong araw na 'to. "Ano na naman?"
"Actually, may kailangan kasi muna akong bilhin. Sasama ka ba?" Tanong ko na ikinatango niya kaya isinama ko na siya papasok. Gusto ko pang matawa dahil siya ang nagtutulak ng trolley ko samantalang ako naman ay lagay lang ng lagay.
Iba ang saya ko nang makita ang dami ng gummy bears sa harapan ko matapos kumuha ng sweet and spicy pancit canton. Masarap kasi sila kapag pinagsama. Ewan ko kung ako lang ba ang nasasarapan doon.
"Gummy bears? Seriously? 7 years old ka lang ba?" Nakangiwing tanong niya kaya sinamaan ko kaagad siya ng tingin.
"Bakit ba? Wala sa edad ang gummy bears, okay?"
"Sabi mo eh."
"Tss. Ikaw ba ilang taon ka na?" Taas-kilay na tanong ko. Naghahamon ng away.
"24."
"24? Tapos hindi ka man lang gumagalang sa akin? Eh kung binabatukan kaya kita???" Tama naman ako hindi ba? Mas matanda ako ng dalawang taon sa kaniya pero kung kausapin niya ako ay parang magkaedad lang kami.
"A-ano bang gusto mong itawag ko sayo?" Naiilang na tanong niya na agad kong ikinangiti. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Bakit ba siya nahihiya? Pfft.
"Ate. Mas matanda ako ng dalawang taon sayo." Natural na sabi ko na nakakuha ng atensiyon niya.
"2 years ang gap natin?"
"Oo. Bakit? Anong problema?" Kunot-noong tanong ko dahil napaiwas agad siya ng tingin.
"Dalawang taon din ang agwat ni Ate Kyla sa akin." That made me think about something. Bahala na nga. Kung gagaan ang dibdib niya sa gagawin ko kahit mali, bahala na.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
Literatura FemininaWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...