Cloe's POV
Kasalukuyan na akong nag-aayos ng gamit ko para pumasok sa Maryland University. It's been 2 weeks simula nung maaksidente ako at so far ay maayos naman na ako ngayon kaya napag-desisyunan ko ng pumasok.
Nauumay na 'rin ako sa mga kaibigan ko sa Korea dahil nang malaman nila na naaksidente ako, gusto nilang umuwi dito. But then, they have a tight schedule. Sino ba naman kasi ang nagsabi na magkaroon ako ng mga kaibigan na kung hindi artista, mga successful businessman and businesswoman naman.
"Papasok ka na?" Napatingin ako sa pintuan at nakitang nandoon si Kuya. Nakasandal siya sa pintuan habang nakalagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pants na suot niya. Siguro ay naghahanda na 'rin siya papunta sa company.
Sila mommy naman ay bumalik na 'rin kahapon sa Korea. Dapat nga ay last week pa kaso ayaw ni mommy dahil tinulungan din nila si Kuya na ayusin ang problema dito sa Pilipinas na mukhang nagiging maayos na 'rin naman. Ang laki talaga ng takot ng mga tao sa company kay Daddy. Well, some people says na nakakatakot daw si Daddy but I find it weird kasi ibang daddy ko ata ang tinutukoy nila because my dad is calm and jolly. He makes corny jokes at nagtatampo din siya kapag hindi kami nagkakaroon ni Kuya ng time para sa kanila ni mommy.
"Kuya, do you trust me?" Diretso kong tanong na ikinabuntong hininga niya. Hindi na kasi ulit namin napag-usapan 'yung sinabi ko sa kaniya na babawi ako. Hindi na niya sinabi sa akin at hindi na 'rin naman ako nag-abala na sabihin sa kaniya. Sa mga nakalipas na araw, walang ibang nangyari sa araw ko kundi ang maging masaya."Masasaktan ka lang, Cloe. Inilayo nga kita doon pero ngayon naman, hindi man lang kita mapigilan sa nabuo mong plano." I know my brother. Alam kong gusto niya lang akong maprotektahan pero totoo nga ata talaga 'yung mga napapanood natin sa mga palabas na once na makaramdam ka ng galit sa mga taong minsan ng naging malapit sayo, magbabago talaga ang ikot ng mundo. Halos wala na akong gustong sundin.
Kinuha ko na ang bag ko sa kama at naglakad papalapit sa kaniya. "Nakalimutan mo na ba? Sila ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Kung bakit nangyari sa akin ang mga bagay na 'yun." May diin na sabi ko.
"Pero Cloe,"
"I'm sorry, Kuya. Pero nakabuo na ako ng plano at wala akong ibang gustong gawin kundi ang sundin 'yun. I still know my limits, Kuya. Hindi pa naman siguro ako dadating sa punto na mananakit ako physically." Natatawa kong sabi na ikinabuntong hininga niya. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at tumingin ng diretso sa akin.
"Fine. Basta tandaan mo, kapag hindi mo na alam kung ano ang dapat mong gawin o kaya naman ay naguguluhan ka na sa paligid mo, don't forget to call me. Kahit nasaan ako ay pupuntahan kita." Wala sa sarili akong napangiti. Those words. I need that. At knowing na sa kaniya galing 'yun, mas dumagdag ang gaan sa dibdib ko.
"Thank you, Kuya. You are so amazing."
"Halika na. Breakfast na tayo then ihahatid na kita sa Maryland University."
Kumain na kami ng breakfast na niluto ni manang. Ilang gamot din ang ininom ko bago kami tuluyang umalis ni Kuya. Kinuha na 'rin kasi ni Kuya ang susi ng sasakyan ko. Hindi na niya ako hahayaan magdrive lalo na ngayon na ganito ako. Hindi stable ang mind ko.
Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang main building nang tuluyan akong makadaan doon. Umalis na 'rin si Kuya dahil ihahatid niya lang pala talaga ako at pupunta na siya sa company.
Dito ang araw na 'yun. Dito 'yung araw na pinagkaguluhan ako ng mga students sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa. Wala akong kinalaman doon pero ako ang nasaktan ng ganito.
![](https://img.wattpad.com/cover/164764966-288-k432162.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...