Chapter 29

1.7K 34 7
                                    

Kenneth Gaze POV


Kinabukasan, naisipan ko na tulungan si Mommy sa Maryland since wala naman akong classes and kailangan ko lang bumisita sa law firm ng hapon.


Pero bago ako dumiretso sa office, hinanap ko muna ang mga kaibigan ko na iisa daw ang subjects ngayon. Kahit si Timothy ay nandoon. Pare-pareho daw sila ng subject pero isa lang naman daw 'yun kaya kukunin ko na ang chance para makita sila ng sama-sama.



May mga bumati pa sa akin dahil siguro naging pamilyar sila sa akin. Mostly naman mga students. Natanaw ko pa si Lay na tiningnan lang ako ng diretso bago naglakad papaalis.


"Gaze!" Agad akong napatingin sa tumawag sa akin at napangiti nang makita sila Kel na nagmamadaling naglalakad palapit sa pwesto ko. Magkakasama pa 'rin sila hanggang ngayon.


"Hey. Pupuntahan ko sana kayo sa room niyo. Nabalitaan ko kasi na iisa ang subjects niyo ngayon. Extra classes, right?" Nakangiti kong sabi nang makalapit sila sa akin. Agad pang napataas ang kilay ko nang makita ko na may kasama silang isang lalaki. I don't even know this guy. Well, it's been 2 weeks since huli ko silang nakita kaya siguro may bago silang kasama na hindi ko kilala.


Nahalata naman ni Pam ang pagtingin ko kaya natawa siya at hinila 'yung lalaki papalapit sa kaniya.


Aba...


"Gaze, this is Peter. Boyfriend ko. I met him a month ago nung pumunta ako sa korea." Nahihiya niyang sabi na ikinangiti ko. Wow! "Uhm, common friends."


"Hi. You can call me Gaze." Pakilala ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin pabalik.


"Nice to meet you." Bahagya pa siyang tumango bago tiningnan ang girlfriend niya. "Uhm babe, I need to get my books sa locker. Mauna na kayo." Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Peter. Hindi ko alam kung bakit.


Parang kilala niya ako.


Pero bahala na.


Nakakatuwa nalang na isipin na may kaniya-kaniya na talaga kaming buhay ngayon. Kulang man, pero nakuha pa 'rin naman naming maging masaya.


"Tara na sa room." Nakangiting yaya ni Jaica. Jaica, Pam and Kel are taking medicine kagaya ni Timothy. They are also in residency. While Wendy and Mika are both taking architecture. Actually, may degree na si Wendy as a teacher kaso gusto niya daw mag-archi kaya nag-aral ulit siya.


Marami na 'rin ang umalis at nag-ibang bansa para ipursue ang mga dream career nila. Athena is working now in Spain. Pero madalas nangangamusta. Kagaya kasi ni Timothy, wala 'rin siya nung nangyari ang incident dahil pinauwi siya nung morning ng fieldtrip dahil sa biglaang pagkamatay ng kamag-anak nila sa Spain.



We all have our own life right now.


Sa mga lumipas na taon, mas naging malapit pa kami sa isa't-isa. Hindi ko inaasahan ang bagay na 'yun.


"May transferee daw, Gaze?"


"Ah yeah." Napapatangong sabi ko sa tanong ni Wendy. "Galing daw sa South Korea. I don't know if that's correct."


"Ang weird naman nun." Nakangiwing sabi ni Kel at bahagyang kinawayan ang kaibigan niya na si Joyce nang makita na nandito na sa room. "Business itatake niya hindi ba? So, bata pa?"


"No." Sagot ko. "She's taking business now after finishing her pilot degree."


"She's a Pilot???" Napapamaang na tanong nila na ikinatawa ko. Hindi ko alam kung pwede ba ipagkalat 'to pero bahala na. Hindi naman siguro nila sasabihin kahit kanino.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon