Chapter 21

1.1K 32 0
                                    

Her POV


Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niyang 'yun. Bigla 'ring bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.


Nawala lang sa kaniya ang atensiyon ko nang may mga dumating na rescue para sa amin. Isa-isa nila kaming inilagay sa panibagong bangka. Napansin ko pa doon ang mga kaibigan ko na pare-parehong natatawa sa mga kalokohan nila samantalang si Kel naman ay maputla. Natakot din dahil isa siya sa hindi marunong lumangoy dito.


Inabutan kami ng mga staff ng lugar na 'to ng towel dahil kahit tanghali na ay malakas pa 'rin ang simoy ng hangin. Kaya medyo malakas din ang wave sa dagat.


Nang makabalik kami ay balak ko na sanang magpalit ng damit nang agad na lumapit sa akin si Pam at hinila ako papaalis doon.


"Sabay na us at may chika din ako." Bulong niya na ikinabuntong-hininga ko nalang. Kumuha lang ako ng damit ko bago ako pumila sa labas para doon sa cr. Marami naman ang cr pero pumila pa 'rin ako dahil may mga nag-aayos ng sarili nila sa loob. "Ang tagal. Jusko." Reklamo ni Pam nang lumabas na ang mga babae na nag-ayos sa loob. Inirapan pa nga siya nito pero knowing Pam? Mas masungit siya sa mga taong 'to.


Naligo na ako ng mabilis at hinintay pa si Pam bago kami bumalik sa tent namin. 


"Takot na takot si Kel, amp."


"Sino ba namang hindi?" Nakangiwing tanong ko. "Hindi ko kaya naabot 'yung buhangin. Sabi ko na malalim talaga ang parte na 'yun eh."


"Ano ka ba! May life vest naman. Hindi ka lulubog diyan. Depende nalang kung may hihila ng paa mo mula sa ilalim." Sinamaan ko agad siya ng tingin na ikinatawa niya.


"Siraulo ka."


"Just sayin' tho." Pagbalik namin ay lunch na 'rin pala kaso 'yung mga gusto lang din maglunch ang kumakain since 'yung iba ay nage-enjoy pa. Unlimited kasi ang pagkain. Lahat talaga libre. May donation kasi ata si Mayor at Vice Mayor. Hindi ba obvious?


Kami ni Pam ang nagluto ng panibagong karne kasi nga naubos eh ang sarap pa naman nun. Nahiya naman kami magpa-ihaw kaya kami nalang talaga.


Ang dami pa namang ginagawa nung iba. Aside sa nagmomonitor ng mga students, may mga literal na naghahanap dahil nawawala daw 'yung group of students. Tss. Sabi na nga ba at susulitin talaga nila itong fieldtrip na 'to eh.


"Ano pala 'yung sasabihin mo dapat sa akin kanina Pam?" Tanong ko habang pinapaypayan 'yung iniihaw ko. Napapanood ko palang, natatakam na ako. Parang ang sarap ng pagkakamarinate nila dito. Paano kaya 'to?


"Ahh 'yung ano....." mahinang sabi niya at tiningnan 'yung mga taong nakapalibot sa amin na kaniya-kaniya namang nagluluto ng mga pagkain. Mukhang wala naman silang pakialam. Ewan ko ba dito kay Pam dahil talagang lumapit pa siya sa akin na para bang kapag may nakarinig ng sasabihin niya ay mapuputulan siya ng ulo o kaya papatayin siya.


Normal pa naman siguro si Pam, hindi ba?


"Ano ba 'yun? Para kang tanga." Nakangiwi kong sabi na sinamaan niya naman agad ng tingin


"Eh diba kanina nahulog tayong lahat sa bangka tapos syempre may mga hindi marunong lumangoy." Umirap pa siya sa akin na para bang sinasabi niya na ang tanga tanga ko. Minsan talaga hindi na 'rin ako natutuwa sa kaniya eh.


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon