Chapter 17

1.1K 30 0
                                    

Her POV


Alam mo 'yung masarap sa pakiramdam bukod sa makahiga ka after a very long tiring day?


'Yun ay ang may yayakap sayo kapag may problema ka or kapag nasasaktan ka. 'Yung nandiyan palagi kapag may pinagdadaanan ka at kailangan mo talaga ng taong nandiyan lang. 'Yun alam mong hindi ka iiwanan.


"S-salamat." nahihiya kong sabi kay Kenn at dahan-dahan bumitaw sa kaniya. Bigla akong nahiya. Dahil sa kaniya talaga ako umiyak. Doon ko ibinuhos lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon. Lahat ng nalaman ko.


Pero at the same time, sobrang thankful din naman ako sa presence niya. Kung hindi dahil sa kaniya, baka wala na. Hindi ko na kinaya.


Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Nakakahiya talaga! Hindi naman ako nagsisisi na ginawa ko 'yun pero nakakahiya talaga.



"Shy, huh?" Natatawang ginulo ni Kenn ang buhok ko at ipinantay ng bahagya ang ulo niya sa ulo ko. Mas matangkad kasi siya sa akin. Kinailangan niya pa talagang gawin 'yun para lang makita niya ang mukha ko.


"A-ano? Bakit ganiyan ka makatingin?"


"Why are you so shy?" Natatawang tanong niya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ang lapit-lapit naman kasi ng mukha niya sa mukha ko! Sinong hindi maiilang doon??!


Malamang hindi ako!


"H-hindi ako nahihiya, okay? Tss. T-tabi nga! Babalik na ako sa room dahil malapit na 'rin mag-uwian. Palibhasa hindi mo 'yun alam dahil hindi ka naman pumasok." Masungit na sabi ko. Medyo nawala na ang hiya dahil nakuha ko na siyang sungitan. Kaso papaalis palang ako nang pigilan niya ang braso ko kaya kunot-noo akong nagbalik ng tingin sa kaniya.


"Bakit?" 


"Hindi mo na kailangan bumalik pa doon."


"Bakit?"


"Can you stop asking me why?" Kunot-noong tanong niya kaya mas lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin.


"Eh paano ako maniniwala sayo kung hindi mo naman sinasabi ang reason? Mamaya ay made-up mo lang 'yan para bawian ako."


"As if." Nakangiwing sabi niya pero napabuntong hininga din agad at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Pinauwi na daw 'yung mga students dahil sa nangyari kanina. Masyadong nag-alala 'yung mga professors and even the dean sa nangyari. Nagkaroon pa nga sila ng urgent meeting eh." Nahiya naman ako agad. Baka hindi pa matuloy ang fieldtrip dahil sa nangyari which is parang medyo okay naman sa akin.


May hindi kasi akong magandang kutob doon. Hindi ko 'rin alam kung bakit.


Pero bahala na.


"Saan ka pupunta?" Naguguluhan na tanong ni Kenn nang makita niya akong pabalik sa building namin.


"Hindi ba obvious? Malamang kukunin ko ang gamit ko sa room." Natawa naman siya agad sa sinabi ko.


"Hindi na kailangan."


"At bakit na naman?" Ano bang problema ng isang 'to? At paano niya nalalaman ang news sa loob kung kasama ko siya dito?


"Nasa kotse ko na."


HALA???


"Bakit nandoon 'yun? The last time I checked, wala namang paa 'yung bag ko para pumunta sa sasakyan mo."


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon