Gaze POV
Pinanood ko lang na maglakad paalis si Cloe dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Parang wala akong karapatan na pigilan siya sa pag-alis dahil may kasalanan ako sa kaniya. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na ituring nilang si Cloe si Cloe at hindi si Kyla pero 'yun ang ginawa ko.
May konting pag-asa pa 'rin talaga sa isipan ko na baka nga si Kyla ang babaeng nasa harapan ko kahit may kaibahan ang ugali nila sa isa't-isa. Baka nga mali ako. Baka mali kami.
Tama na siguro 'yun. Hindi ko na kailangan pilitin si Cloe sa taong gusto kong makita sa kaniya. Sa kaniya na 'rin mismo nanggaling, hindi siya ang taong 'yun. Siguro ay dapat na kaming maniwala doon dahil alam kong nasasaktan namin si Cloe sa tuwing iniisip namin na siya ang taong matagal na naming hinahanap.
Dumiretso na ako sa office ni mommy para yayain siya mag-lunch nang mapatigil din agad sa paglalakad dahil napansin ko sila Pam na nakaupo sa main building. Halatang may hinihintay.
"Anong ginagawa niyo dito? Hindi pa ba kayo uuwi?" Kunot-noong tanong ko na nakakuha ng atensiyon nila. Actually late na nga ang lunch ngayon kasi 2pm na pero halos kakatapos lang namin ni Cloe doon sa inutos ni mommy kaya ayun.
"Nakakatamad umuwi eh. Isa pa, hinintay ka 'rin kasi namin."
Napakunot agad ang noo ko. "Ako? Bakit? May problema ba?"
"May kailangan kasi kaming sabihin sayo." Seryosong sabi ni Kel at tumingin kay Pam kaya napunta na 'rin kay Pam ang atensiyon ko na kanina pa ata ako pinagmamasdan.
"Saan ka galing?"
"May inutos lang si Mommy."
"Kasama mo si Cloe?" Gusto ko pang magulat kung paano nila nalaman 'yun pero nasagot na 'rin naman nang sabihin ni Pam ang dahilan. "Dahil pansin ko ang lungkot sa mga mata mo ngayon."
"H-ha?"
"Anong napag-usapan ninyo?"
"Wala." Napaiwas agad ako ng tingin at muling naisip ang mga sinabi ni Cloe kanina. Tama talaga siya. Tama na, Gaze. Tumigil ka na. "Ano ulit 'yung sasabihin niyo?"
"Naalala mo 'yung sinabi ko na pinagseselosan kong bestfriend ng boyfriend ko?" Tanong niya sa akin na ikinatango ko. Paano ko makakalimutan eh ang complicated nung situation niya. "Si Cloe 'yung bestfriend."
"What??" 'Yun na talaga ang nakakuha ng atensiyon ko. "Paano?"
"Hindi ba obvious? Parehong galing sa korea at pareho din ng profession. Hindi ko man lang napansin 'yun." Natatawang sabi ni Pam na ikinamaang ko dahil tama siya.
"So, anong gagawin mo?" Kunot-noong tanong ko.
"Naisip ko lang na baka pwede tayong tulungan ni Peter." What the? Anong ibig niyang sabihin? "I mean, hindi ba't bestfriend nila ang isa't-isa? Baka may alam si Peter doon sa nangyari kay Cloe dati."
"No." Seryoso kong sabi na nakakuha ng atensiyon nila.
"What?"
Napabuntong-hininga ako at tiningnan sila ng diretso sa mata. "Siguro mas okay kung sundin nalang natin 'yung sinabi ng kapatid ni Cloe."
"What do you mean?" Naguguluhan na tanong ni Kel.
"Matagal ng wala ang hinahanap natin. Matagal ng wala si Kyla. At dahil hindi natin matanggap ang bagay na 'yun, halos hindi na natin namalayan na may nasasaktan na pala tayong tao."
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...