Chapter 15

1.1K 33 0
                                    

Trigger Warning: self-harm, violence


Her POV


Tumatak talaga sa utak ko ang sinabi niyang 'yun. Tama naman kasi siya. Kadalasan talaga, nagkakaroon lang naman ng pakealam sa atin ang mga tao once na mawawala na tayo o kapag nawala na tayo.


Pero at the same time, naiintindihan ko kung bakit niya sinabi 'yun.


Sobrang naiintindihan ko siya at mas lalo lang akong nasaktan dahil ipinamukha niya sa akin ang katotohanan na 'yun.


Ang dami tuloy pumasok sa isipan ko. Ang daming tanong.


"Naiintindihan kita."


"No! Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo naman narana——"


"Naranasan ko, okay??" Emosyonal na sabi ko na ikinatigil niya. "Akala mo 'rin ba madali lang lahat sa akin?! Hindi madali! May mga pagkakataon na gusto ko na 'ring sumuko pero hindi ko ginagawa kasi natatakot ako! At kagaya ko, alam kong natatakot ka 'rin!"


"A-ano?"


"Naiinggit ako sayo, alam mo ba 'yun! Kasi kahit papaano nakakausap mo ng gano'n ang magulang mo. Ako, hindi. Kahit isang beses wala! Hindi ako tanggap ng nanay ko. Hindi niya ako kayang tanggapin sa hindi ko 'rin malaman na dahilan."


"That's impossible. Walang magulang ang gano'n."


Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. "But I have one. Hindi niya ako kayang tanggapin bilang anak niya. Ni hindi niya ako matingnan ng diretso. Wala 'rin akong karapatan na gawin ang mga gusto ko dahil gano'n ako pinalaki ni Mama." Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko at tumingin sa kaniya. "Hindi ko sinasabi 'to para malaman mo na pati ako ay may pinagdadaanan na ganito. Sinasabi ko sayo 'to para malaman mo na kahit anong mangyari sayo, hindi magandang choice ang tapusin ang buhay mo. Instead, fight for your life and live with it."


"How? Paano ko gagawin 'yun, Kyla?"


"Accept yourself. Wag mong taasan 'yung standard mo sa sarili mo. At minsan okay lang din na walang gawin kahit isang araw. Because you need rest. That's the important part."


"I'm sorry, Kyla. Pero sa mga oras na 'to. My mind is closed. Hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang mga sinasabi mo." Biglang nabuksan ang pintuan at nakita ko ang ilang professor na gulat na napatingin sa aming dalawa ni Athena.


Napatayo naman si Athena mula sa pagkakaupo at nagulat nalang ako nang makitang may hawak na siyang cutter.


W-wala naman siyang hawak kanina???


"Wag kayong lalapit!" Sigaw niya sa mga professor at ilang student council na nandito. "Kapag lumapit kayo, isasaksak ko 'to sa lalamunan ko!" Napatakip ako sa bibig nang ilapit niya talaga 'yun sa leeg niya.


No...


"Athena, I'm here. We'll fight for it." Pagpapakalma ko sa kaniya habang dahan-dahan na lumalapit. Hindi ko kayang makita na gawin na Athena 'yun sa sarili niya. Marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay niya. Magkakaroon pa siya ng sarili niyang pamilya.


"I'm too tired to fight, Kyla. Hindi ko na kayang lumaban kung alam ko naman na paulit-ulit ang nagiging resulta. Nakakapagod." umiiyak na sabi niya at sunod-sunod na umiling sa akin. Napansin ko 'rin sa braso niya ang ilang laslas. Gusto kong umiyak! Naiiyak ako!


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon