Her POV
Kinuha ko na ang bag ko mula sa kwarto at nagsimula ng maglakad papunta sa Maryland dahil panibagong araw na naman ito para makipagsapalaran sa mga tao.
'Yung pag-uusap namin ni Andrei kagabi sa cellphone ay agad ko ng ibinaba nang tanungin niya kung ano ang meron sa amin ni Kenn. Ewan ko ba pero I find that question weird kasi wala lang naman sa akin 'yun. He's talking to me kaya kinakausap ko siya. Bukod doon, wala na. Hindi ko na 'rin pinansin 'yung nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Wala naman kasi akong panahon para doon.
Isa pa, hindi ko 'rin talaga gusto ang epekto nilang dalawa sa buhay ko. Simula ata nung dumating sila, nadagdagan na ng nadagdagan ang mga problema ko araw-araw.
Kung dati wala akong pakialam sa kung anong mangyayari sa akin dito sa Maryland since paulit-ulit lang naman na aral, recitation, activities or groupings. Ngayon, nag-iisip na ako kung ano na naman bang mangyayaring gulo na posibleng madamay na naman ako.
Napabuntong-hininga ako nang hindi na ako napangiti nang dumaan sa elementary dito. Hindi kasi maganda ang nangyari sa akin kaninang umaga. Maaga kasi ako gumising para sana magluto ng mababaon ko tuwing lunch kasi ang mahal talaga ng ulam kaso napagalitan ako.
Ano daw ang karapatan kong gawin 'yun??
Wala akong karapatan.
Balak pa ngang kunin ang cellphone ko dahil nagiging abala lang daw 'yun sa tuwing uutusan ko kaya umalis na agad ako. Pero hindi nila alam ito 'yung nagsisilbing escape ko sa mga bagay na 'yun.
Mababaw man, pero mahalaga talaga sa akin ang cellphone ko. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga bonding ng mga kaibigan since matagal na akong walang gano'n.
Nakarating na 'rin agad ako sa room kung saan nakita kong nandoon na si Kenn na agad na tumingin sa akin. Nakikita ko palang siya napapagod na ako.
"Tell m——"
"Wala akong sasabihin sayo." Pigil ko agad sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. "Kung may gusto kang itanong, kay Andrei mo itanong. Wag sa akin."
"Simple lang naman ang sasabihin mo, Kyla. Sasabihin mo lang kung anong pinag-usapan niyong dalawa. Pagkatapos nun, titigilan na kita." Napapikit agad ako nang sabihin niya 'yun. Bakit ba hindi niya maintindihan ang sinasabi ko? Kailangan ko pa bang isa-isahin sa kaniya??
"Pagod ako, okay? Wala akong lakas para magpaliwana——"
"Paano niya nakuha ang number mo?" Oh, god. Ano na naman ba 'to.
"Hindi ko alam."
"What?"
"Hindi ako. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa kaniya. Kailangan ko pa bang sabihin sayo 'to?" Nauubusan na pasensiya na tanong ko na ikinabuntong-hininga niya naman agad. Napatingin pa sa amin ang ibang classmate ko na maagang pumasok ngayon.
Binalewala ko nalang 'yun at inilapag ang cellphone ko sa lamesa dahil ilalagay ko sa upuan ko ang bag ko nang sabay kaming mapatingin ni Kenn doon dahil biglang tumawag si Andrei.
Napakaganda talaga ng timing...
"Don't answer the call." pagbabanta sa akin ni Kenn na ikinabuntong-hininga ko. Ibinaba ko na ng tuluyan ang bag ko at dinampot ang cellphone ko. Nagmadali pa akong pumunta sa labas para lang awayin si Andrei. Gusto ko siyang awayin dahil halatang sinasadya niyang gawin 'to!! Dinadamay niya ako sa kagustuhan niyang bawian si Kenn sa anumang naging problema nila dati.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...