Trigger Warning: harm
Cloe's POV
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kaniya. Gusto ko ring sabihin ang nararamdaman ko pero parang hindi tama. Maling panahon na naman.
Kailan ba magiging tama?
Naglakad na ako papunta sa pintuan kaso pagkabukas ko doon ay bumungad si Mika na umiiyak rin. Mukhang narinig lahat ng pinag-usapan namin ni Kenn.
Base sa itsura niya ay kakauwi niya lang galing sa Maryland University at mukhang manghihingi din ng consent kay Kenn.
"Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong ko sa kaniya. Siya ang pinaka-ayaw kong makita ngayon. Hindi ko talaga siya kayang makita dahil siya ang pinaka-sinisisi ko sa lahat. Kung hindi niya ginawa sa akin 'yun, hindi magiging madamot ang mundo. Hindi ako magagalit at masasaktan ng ganito.
"Bumalik na ang mga ala-ala mo?" Nagugulat niyang tanong sa akin.
"Oo." Napamaang siya sa isinagot ko. Base sa reaksiyon niya mukhang alam na niya kung sino ako. Hindi na nakakapagtaka ang bagay na 'yun dahil kung alam nila Pam, malamang sa malamang alam na alam na rin niya dahil parte siya ng grupo nila. Hindi ba't nakakatawa? Naging magkakaibigan sila matapos ng ginawa nila sa akin. Nakuha pa nilang maging maayos. Hindi talaga ako makapaniwala sa kapal ng mukha nilang lahat. "Natatakot ka ba na baka sabihin ko ang totoong nangyari 7 years ago?"
"Alam na nila." Diretso niyang sagot. "That's why I already got my punishment. But it's not enough, right? Hindi pa sapat lahat sayo 'yun? Hindi pa sapat lahat ng pinagdaanan ko diyan sa galit na nararamdaman mo. Hanggang kailan ba magiging sapat?"
Wow. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Naglakad ako papalapit sa kaniya at agad siyang sinampal. Galit na galit ako. Halos gusto ko siyang sunod sunod na sampalin sa mga narinig ko ngayon mula sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa Mika na nasa harapan ko. "Para 'yan sa ginawa mo sa akin 7 years ago." Sabi ko at sinampal ulit siya. "Ang kapal ng mukha mo, Mika!"
Kita ko ang paghawak niya sa pisngi niya dahil sa ginawa ko. Naikuyom niya pa ang kabilang kamao niya bago emosyonal na tumingin sa akin. "Kulang pa ba, Cloe?"
"Kulang pa??? Nagpapatawa ka ba?"
"Cloe,"
"Oo!! Kulang na kulang pa! Kulang na kulang pa ang mga ginagawa mo sa akin, Mika!! Kahit ikaw alam mo 'yun!! Kahit sa sarili mo, alam mong kulang lahat 'to! Hindi ka ba nahihiya sa akin, ha, Mika????! Wala akong kasalanan sayo pero sinira mo ang buhay ko just because naiinggit ka sa akin!! Nang dahil diyan sa inggit mo, nasira ang buhay ko!! Nasira ang buhay naming lahat!!" Hindi lang naman ang akin ang naapektuhan sa ginawa niya kundi buhay ng mga taong nasa paligid ko. Naghirap ang mga kapatid ko. Nagdusa sila sa isang bagay na wala naman silang kinalaman. Nagkagulo ang pamilya ko at ang mga tao na naging malapit sa akin ay unti-unting nawala dahil doon sa ginawa niya.
"But that was 7 years ago!!!! Ang tagal na tagal na, Cloe!!"
"Putcha kahit sampung taon pa 'yan!! Hindi ko makakalimutan ang kagaguhan mo!! Tao ka pa ba, ha???!" Hinawakan ko ang braso niya at bahagya siyang itinulak. Umawat naman si Kenn pero itinulak ko siya. "Sa pitong taon na 'yun, halos hindi ako pinatulog nung ginawa mo! Paulit-ulit akong dinadala sa hospital at paulit-ulit ko 'ring pinag-aalala ang pamilya ko!!"
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ЧиклитWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...