Cloe's POV
Nagkatinginan agad kaming tatlo pero lumapit na 'rin si Lay sa girlfriend niya at bahagyang ngumiti. Sana all po.
"Magkakilala kayo ni Ate Clo? How?" Nakangiting tanong ni Cy sa kaniyang boyfriend.
"Well, kaibigan ko kasi ang kapatid niya. You know common friends."
"Yes and you know what, Cy? She looks like my sister."
"Ate Kyla?"
"Yes."
Tumingin naman sa akin si Cy at agad na napamaang. "Oh my god! Oo nga! Sabi ko na at pamilyar talaga ang mukha ni Ate Kyla eh."
"You know Kyla?" Tanong ko kay Cy na tumango naman agad. Ibig sabihin ba, nagkukwento sa kaniya si Lay?
"Yeah. Naaksidente siya, right? Sayang naman." Napunta agad ang atensiyon ko kay Lay na napaiwas ng tingin sa akin. She didn't know. Hindi sinabi ni Lay. Bakit?
Kahit anong reason ni Lay, siguro ay ginawa niya lang 'yun para na 'rin kay Cy. Sa ngayon, hindi nalang muna ako makikialam sa mga desisyon na ginawa nila.
"Alam niyo, ang cute niyo tingnan. Bagay na bagay kayo." Totoo naman kasi talaga. Maganda at gwapo ang dalawang ito. Wala na akong masabi. Isa pa, nagkakasundo ang ugali nila which is interesting kasi opposite. Cy is loud, literal. While Lay, he's a quite person kaya I wonder how did they like each other?
Napatingin agad ako sa phone ko nang makitang tumatawag si manang sa bahay kaya sinagot ko kaagad 'yun.
[Why po?]
[Iha, hindi daw uuwi ang kapatid mo ngayon.] napabuntong hininga agad ako sa sinabi ni manang.
[Bakit daw po?]
[Madami daw siyang gagawin sa opisina eh. Ipagluluto pa ba kita?]
[Hindi na po. Salamat po.] Gusto ko na namang maiyak. Talagang dumating na si Kuya sa punto na ayaw na niya akong makita.
"What's wrong, Ate Clo?" Nag-aalalang tanong ni Cy nang makita ang itsura ko.
"May emergency lang ako. I ordered foods na and you can have it. Enjoy your date, okay? And please, keep safe. Mauna na ako." Nakangiting sabi ko bago naglakad papaalis.
Dumiretso na ako sa parking lot pero napatigil din agad nang mapansin ang isang lalaki na kakababa lang ng sasakyan niya. He's wearing his usual outfit na parang kakagaling niya lang sa law firm at naisipan bigla magshopping.
Ang gwapo niya talaga. Actually, pwede nga siya maging artista eh. I mean, sa mukha niya? Mukha talaga siyang artista. May gano'n siyang ambiance.
"What are you doing here?" Kunot noong tanong niya kaya napatingin agad ako sa likuran ko at wala namang tao doon. "I'm talking to you, Cloe. What are you doing here?"
"Bawal na ba ako mag-mall?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman gustong maging sarkastiko pero 'yun ata ang naging dating sa kaniya.
"Tss. Hindi talaga kita makausap ng maayos 'no?"
"Ha? Pinagsasasabi mo? Ang ayos ng sagot ko." Wala naman kasi akong nakitang mali doon. Magpasalamat nga siya at sumagot pa ako eh.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...