Her POV
Halata namang nagtatago siya pero bakit dito?? Bakit nagtatago siya??
"Tell me your name." Utos niya sa akin habang nakatingin pa 'rin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko kundi ayokong malaman niya ang pangalan ko.
Para saan?
"I'm talking to you." Napakunot agad ang noo ko dahil parang siya pa ang galit ngayon. Napairap nalang ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bahagyang tumingin sa labas bago nagbalik ng tingin sa kaniya na nakakunot pa 'rin ang noo hanggang ngayon.
"Alam ko. Anong ginagawa mo dito??" Ayokong sagutin ang tanong niya. Isa pa, kailangan ko na 'rin makabalik doon dahil baka hanapin ako ng professor namin. Kaso mukhang hindi ako paaalisin ng isang 'to.
"Hmm, you know me." Hindi tanong 'yun. Alam niyang kilala ko siya. Siguro ay napansin niya ang naging reaksiyon ko kanina.
"Sinong hindi makakakilala sayo?" Tama naman kasi ako. Walang tao sa paaralan na 'to ang hindi nakakakilala sa kaniya. Masiyadong kilala ang pamilya niya. Siguro nga ay kahit saan mo itanong, kilala ang pangalan ng isang 'to.
Pero sa kabilang banda, ayoko 'rin maging konektado sa kaniya. Base na 'rin sa mga narinig ko, hindi magandang maging parte ng buhay niya. Hindi ko na kailangan pang dagdagan ang problema ko dahil 'yung akin nga hindi ko na kinakaya minsan.
Pinagpagan ko ang sarili ko at tumingin ulit ng bahagya sa labas.
"Don't think of escaping. Hindi kita paaalisin dito." Taas-kilay na sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Ano bang problema ng isang 'to?
"Umamin ka nga sa akin, normal ka pa ba? Anong problema mo sa akin?" Hindi ko kasi makuha 'yung puntong ayaw niya akong paalisin dito. Kilala niya ba ako? Magkakilala ba kami? Sa pagkakaalala ko, ngayon ko lang siya nakita sa personal.
"I'm just confused. Bakit iba ang reaksiyon na ipinapakita mo sa ipinapakita ng ibang tao sa tuwing nasa harapan nila ako."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguluhan ako bigla sa sinabi niyang 'yun. May ideya naman ako pero nakuha ko pa 'ring magtanong. Gusto ko 'rin magtaka sa tapang ko magtanong dahil hindi naman ako ganito.
"Whenever someone looks at me, ramdam ko na agad na anak ako ng daddy ko. But when you looked at me, wala akong naramdamang gano'n. So, tell me. Why?" Naguguluhan na tanong niya kaya napaiwas agad ako ng tingin.
Dahil alam kong ayaw niya ng gano'ng pakiramdam. Isa pa, hindi ko naramdaman na mas mataas siya sa akin. He's just a teenager like me.
"Pumunta ka na doon. Maraming naghihintay sayo. Pinaghandaan 'to ng buong Maryland University kaya kahit konting appreciation mula sayo ay magiging masaya na sila." Hindi ko na naman sinagot ang tanong niya. Hindi ko alam kung anong sense na sabihin pa sa kaniya. Isa pa, may punto naman ako sa sinabi ko. For sure late na umuwi ang mga tao kagabi para paghandaan ito pero hindi man lang siya nagpakita. Naiisip ko palang ang disappointment na naramdaman ng karamihan ay nanghihinayang na ako.
Natawa naman agad siya sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao niya bago ako tiningnan ng masama. "Narinig mo ba ang usapan nung mga students na dumaan kanina dito? They are laughing at me. Kaya para saan pa 'yung appreciation na gagawin ko kung masaya lang naman sila kapag nasa harapan nila ako but when I turned my back, they are mocking me. And kahit ilang beses kong ipakita 'yung gusto nilang maging ako, parang balewala lang kasi doon sila sa mali nagfo-focus. I am a failure. Hindi ko kayang gawin 'yung nagagawa ni Daddy." Masama ang loob niyang sabi na ikinatahimik ko. So, aware siya doon. Alam niya na kaya lang naman mabait sa kaniya ang mga tao dahil sa pamilya na meron siya. Sa kaisipan niya na gano'n, nakalimutan niyang meron pa 'rin namang mga tao na nakaka-appreciate talaga sa kung ano siya. Hindi dahil sa anak siya ni mayor kundi dahil siya ay siya.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...