Cloe's POV
Kasalukuyan na akong naglalakad pauwi sa bahay namin dahil late na 'rin ngayon. Hindi na 'rin naalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Andrei sa akin. Dahil tama siya. Tama ang lahat ng sinabi niya. Halos hindi ko man lang siya nasagot dahil kahit ako, alam kong tama lahat ng 'yun.
"What did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Ewan ko ba pero parang may konting kirot akong naramdaman sa mga binitawan niyang salita.
"Gaze is not capable of protecting someone." Diretso niyang sabi sa akin. "Base sa reaksiyon mo ngayon mukhang alam mo na ang nangyari kay Kyla. That day, wala si Gaze. Kyla believes na paniniwalaan siya ni Gaze because he promised, but end up ruining that stupid promise."
"And you think, magpapabiktima din ako?"
"Hindi pa ba?" Natatawang tanong niya sa akin. "You are falling, Cloe. Halatang-halata 'yun sa paraan ng pagtingin mo sa kaniya. Kaya hangga't maaga pa, sinasabihan na kita dahil ayokong pati ikaw maranasan ang naranasan ni Kyla."
"Well, kung ganiyan ang nasa isip mo, nagkakamali ka. I don't like him and never will be."
"Think what you wanted to believe. Hindi naman ako ang niloloko mo kundi ang sarili mo."
"Nakakainis ka." Nakasimangot na sabi ko kaya natawa na siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Just don't hurt yourself too much."
Unti-unti ko ng narerealize ang sinasabi ni Andrei. Tama siya. Tama siya sa mga sinasabi niya. Kailangan pa talagang ipamukha ang bagay na 'yun sa akin bago ko marealize ang katotohanan.
Sinundan ko ang naging payo ni Andrei pero sa mga araw din na nagdaan, hindi ko na nakita si Kenn sa hindi ko malaman na dahilan. Once ko siyang nakita pero nagmamadali naman siya. Kahit sila Pam ay gano'n sa hindi ko maintindihan na dahilan. Masiyadong busy din si Andrei kaya hindi ko siya nakausap.
Sabado na naman ngayon at pagkatapos kong gumawa ng activity sa isang cafe malapit sa Maryland, umuwi na ako dahil hindi maganda ang panahon ngayon. Actually, kanina pa madilim kaso hindi naman bumabagsak ang ulan kaya nakakapagtaka.
Naglakad na ako papasok sa bahay namin at aakyat na sana sa kwarto nang biglang lumabas si Kuya mula sa kusina na nakakuha ng atensiyon ko. Another week have passed and hindi niya pa 'rin ako kinakausap. Nawawalan na nga ako ng pag——
"Magbihis ka. Aalis tayo." Literal na napamaang ako sa sinabi niya. May tuwa sa dibdib ko pero mas lamang ang bigat dahil sa paraan niya ng pagsasalita. Halatang may kakaiba.
"Saan?"
"Basta. Magbihis ka. I'll wait you here." Seryosong sabi nito at tinalikuran na ako para makaupo siya sa kusina at doon naglaptop. Nagkatinginan pa kami ni Manang kaso nagkibit balikat lang siya kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Habang nagbibihis ay ilang possibilities pa ang inisip ko na pupuntahan namin kaso hindi naman siya naaayon sa emosyon na ipinakita ni Kuya sa akin kanina.
May problema kaya??
"Tara na." Natural na sabi ko kaya ibinaba na niya ang laptop at naunang maglakad palabas ng bahay.
"I'll drive."
"Bati na ba tayo?" May tuwa akong naramdaman ng maitanong sa kaniya 'yun kaso unti-unti 'rin siyang nawala nang hindi ako sagutin ni Kuya. Pero kahit gano'n ang nangyari, hindi nawala ang konting tuwa sa dibdib ko dahil sa wakas, kinakausap na niya ako.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
Romanzi rosa / ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...