Chapter 28

2.1K 33 2
                                    

Kenneth Gaze POV


7 years feels empty. It feels weird. Until now, nandito pa 'rin ako. Bumabalik pa 'rin ako sa lugar kung saan niya pinili na umalis at iwan kaming lahat.


Maganda ang panahon ngayon. Sa sobrang ganda ay nasasaktan pa 'rin ako sa tuwing naiisip ko na wala na talaga akong nagawa.


Nandoon ako nung burol niya pero hindi ako lumapit because I can't bear to see her inside the coffin.


That day, we proved her innocence. Wala siyang kasalanan. She's a victim of that incident.


Naparusahan din ang mga students na nanakit sa kaniya nung araw na 'yun. Pinaalis sila sa Maryland. And even got bullied online dahil sa ginawa nila.


That day, sobrang gulo.


Kaya hanggang ngayon talaga mabigat pa 'rin siya dahil hindi niya man lang nahintay ang napakagandang balita na napatunayan na namin na wala siyang kasalanan.


Wala siyang kasalanan.


Bumalik na ako sa sasakyan ko at sinagot ang tawag.


[Honey! You still have a class, right? Come home and get your things here.]


[Alright.]


[Take care. I love you!]


[I love you too.]



Napangiti ako ng magbaba ng tawag at nagdrive na paalis sa lugar na 'yun. I'm in a law school right now. Naipasa ko na ang pre-law ko. It took me four years. And after this year, I'll take the exam and hopefully, passed if I can.


Nakarating na ako sa bahay but then I saw a car na nandito 'rin. Hindi ko alam kung bakit may kotse dito. Pero pamily——


"Seriously?? What took you so long??? Late na ako sa class ko! Major ko 'yun!" Bumungad sa akin si Timothy na nakakunot noo habang dala-dala ang bag niya and his laptop. "Saan ka ba pumunta?"


"Sa tabi tabi lang." nakangiwing sagot ko at pumasok na sa loob. Sinalubong naman agad ako ni mommy. "Hey, mom. Sabay ka na 'rin sa akin?"


"No, honey. May kailangan pa kasi akong puntahan and please, visit me later, alright? Get your things na. Kanina ka pa hinihintay ni Timothy."


"Yeah. Thanks, mommy." Nakangiting sabi ko at naglakad na palabas. Umalis na kami kay Daddy. Kay Daddy na running for Vice President. Hindi na 'rin kasi magandang tingnan dahil pumupunta na sa bahay dati 'yung mistress niya.


Luckily, pumayag na 'rin si mommy na umalis and we bought a home. After three years is nabili na 'rin ni mommy ang Maryland. Yeah. That's ours now. Doon na nag-aaral si Timothy since may medical school din naman ang Maryland. Years by years lumalaki na ng lumalaki ang Maryland University. We even have a hospital now.


"Alam mo I don't know why you keep on coming here just to go to your classes. Baka nakakalimutan mo na hindi na ako sa Maryland nag-aaral." Reklamo ko sa kaniya at sumakay na sa sasakyan ko. Inilagay niya naman ang gamit niya sa back seat bago umupo dito sa passenger seat.



Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon