Her POV
"Hindi ba kayo nagugutom? Kanina pa tayo dito." reklamo ko sa kanila dahil kaninang-kanina pa kami palakad-lakad dito.
Kapag nakakita ng pogi, magpapacute sila Wendy. Talagang pogi nga ang hanap nila dito. Kapag naman may magandang shop, papasok kami para magtingin tingin pero hindi naman bibili. Feeling ko nga ay sinasamaan na kami ng tingin ng mga sales lady sa shop na napasukan namin eh.
"Seryoso. Hindi pa ako kumakain." Hindi pa naman kasi talaga ako nagmeryenda. Pero 6pm na ata at nandito pa kami. Wala man lang kaming ininom. Hindi ko alam kung nagtitipid ba sila o hindi lang talaga nakakaramdam ng gutom.
"Tiisin mo muna mamsh. Malay mo naman may lumapit na grasya sa atin ngayon. Edi ang saya-saya natin, hindi ba?" Nakangising sabi ni Wendy tapos inayos pa ng bahagya ang sapatos niya na natanggalan ng sintas. Sure na ako. Nagtitipid talaga sila. Sino naman kasing matinong tao ang walang pera na pupunta sa mall. Tsaka sila Kel? Wendy? Knowing their parents? Nako! Hindi naman siguro sila mag-aaral sa Maryland kung walang binatbat ang pamilya nila.
Pero bakit wala kaming kinakain ngayon???
"Uso pa ba ang gano'n? Hindi ba wala ng himala?" Bagot na tanong na 'rin ni Pam. Hindi lang pala ako ang nagugutom. Pati pala siya. Palihim nalang akong natawa sa reaksiyon niya.
Ginusto naman namin ang pagpunta dito pero ito kami ngayon at naiinis kasi walang pagkain. Hindi naman kasi ako nasabihan na gugutumin pala kami nito ni Wendy. Kung alam ko lang, hindi na ako sasama. Ayoko 'rin naman gastusin ang pera ni Ate Ses. Hay nako.
"Speaking of grasya. Nandiyan na siya kyaah." pare-pareho kaming napalingon sa sinabi ni Kel at may nakita kaming papalapit sa pwesto namin na mukhang artista! Seryoso! Mukha talaga siyang artista! Napaisip nga agad ako kung saan ko siya nakita. Is he a british actor? Mukha siyang taga-ibang bansa. At ang well-built ng body. Halatang nag-gy-gym. Pero parang medyo konti lang naman ang tanda niya sa amin.
Hindi lang mata ko ang nanlaki dahil konti nalang ay lumuwa na ang mga mata nila Wendy nang malaman na sa amin talaga naglakad palapit ang lalaking mukhang artista! Hala??? Bakit??? May nawala ba siyang gamit????
"Hello." nakangiti niyang bati sa akin. Sa akin!! What the hell???? Medyo may accent din ang pagsasalita niya pero bakit gano'n? Mas mukhang siya pa ang naiilang sa akin? Hindi ko talaga alam pero normally naman mawe-weirduhan ako kapag may lumapit ng ganito sa akin sa isang public place pero kapag siya, wala akong naramdaman. Parang safe na safe ako kapag nasa paligid siya.
Sino ba siya???
Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit siya lumapit sa amin pero hindi talaga ako makapagsalita at nakatingin lang ng diretso sa mga mata niya dahil parang may sinasabi siya sa akin.
Pero most of all, may napansin talaga ako.
May kamukha siya.
Hindi artista or what. Basta may kamukha siya na kilala ko. Familiar kasi 'yung ibang features niya.
"H-hello! May problema po ba?" Nahihiyang tanong ni Kel na mukhang natapos ng pagmasdan itong lalaking nasa harapan namin dahil maayos na ang pagkakatanong niya bukod sa medyo nauutal talaga siya.
"Uhm, ano pong kailangan mo? Do you speak tagalog? Or you want me to communicate with you in english? Choose me." Sabay-sabay kaming napatingin kay Wendy ng sabihin niya 'yun. Nahihiya ako para sa mga kaibigan ko! Parang if ever na may magtanong sa akin kung kasama ko sila, tatanggi ako. "I mean, choose which language."
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
ChickLitWater reminds me of loneliness, or it can also be described as being alone in a world full of darkness, broken hearts, tears, and questions. Someone says, "Be thankful because you're alive," but the truth is, I am no longer breathing. I am suffocati...