Samantha's POV
Andito ako ngayon sa kitchen,nagising kasi ako dahil nauuhaw ako pero hindi na ako inaantok kaya nagluto nalang ako ng umagahan namin and pinagluto ko rin ng spaghetti sila Kurt tutal 5:40 na naman eh kaya hindi ito lalamig.
Kilala ko na sila pati narin si Kuya Clark siya yung panganay kumbaga kung magkapatid sila kuya ang tawag ko sa kanya yun kasi gusto niya eh,Si Zake naman ang ang pangalawa sa pinakabunso nila at si Kurt naman ang pangalawa sa panganay at yung bunso nila hindi ko pa kilala eh kaya babalik ako ngayong umaga sa kanila para makilala ko na siya.Bale ganito ang pagkakasunod-sunod nila.
Kuya Clark-Kurt-Zake-???
Habang nagbibihis ako sa kwarto ko ay napansin ko ang suot kung kwintas na bigay sa akin ng mom ko.Miss na miss ko na siya,tama nga ang drama ko.
Bumaba na ako at diretsong lumabas papunta sa gate namin at nakita ko si Kuya Clark,Zake at Kurt na mukhang aalis.
"Kuya Clark san punta niyo?"tanong ko.
"Ahh sasamahan niya kami mag enroll sa university kung saan kami mag-aaral"sagot ni Zake.
"Akala ko ba hindi na mag-aaral si Kuya Clark?"tanong ko.
"Oo nga siya ang magpapa enroll sa bunso namin tulog pa kasi"sabi ni Kurt.
"Ah ano pala yang dala mo?"biglang tanong ni Kuya.
"Ah spaghetti kuya Clark ibibigay ko sana sa inyo kaso aalis kayo eh"sabi ko.
"Ah ipasok mo lang yan doon babalik naman kami agad eh"sabi ni Kurt.
"Okay ingat"sabi ko at pumasok na sa loob ng mansion nila pagdating ko sa kusina nagulat ako dahil may nakita akong lalaki.
"Who you?hinahanap mo ba sila Kuya Kurt,wala sila umalis kaya layas na"sabi niya.
"Ouch ang shakett ah ano pala name mo?"tanong ko.
"Its any of your business to know my name?"sabi niya.
"Bakit ba ganyan ka ang aga-aga ang init ng ulo mo,palibhasa badboy kasi"sabi ko.
"Ano sabi mo??pwede umalis ka na alis layas"sabi niya at tinulak ako papunta sa pinto.
Isasara niya sana ito ngunit hinarangan ko,mukhang lalabas na ata ang pagka badgirl ko but I try to control it.
"Sandali ako nga pala si Sam"sabi ko at nabukas ko nga ang pinto.
"Who cares????I didn't ask???"sabi niya.
"Kung ikaw kaya paalisin dito sa village ko"sabi ko at tiningnan siya sa mata.
"Bakit sa iyo ba ito,wag kang umasa bitch"sabi niya.
"Ano sabi mo bitch,FYI Mr.Badboy walang Dela Vega na bitch"sabi ko.
"Bakit Dela Vega ka ba?"tanong niya.
"Yes I'm Samantha Nathalie Dela Vega the owner of this village kaya pwede kitang paalisin dito"sabi ko.
Biglang nanlaki ang mata niya at nahulog pa niya ang baso na dala niya kaya nabasag ang careless.....
"Ano ka ba naman,bakit mo binasag nagsasayang ka lang ng gamit?"sabi ko at niligpit ang basag na baso.
Pero may nahawakan akong matulis kaya nasugatan ako.
"Naku,bakit mo kasi pinulot?"biglang sabi ng Badboy at pina upo ako sa sofa at tinapon niya yung basag na baso.
"Alangan naman na hahayaan ko lang diba"sabi ko.
"Kahit na tingnan mo tuloy na aksidente ka"sabi niya.Aba na goodboy ah ano ba utak nito parang climate change pa iba-iba.
"Anong nangyari sa iyo at bumait ka.Natakot ka noh na paalisin dito"sabi ko kaya napangiti siya.Ang gwapo guys parang si Kookie ang hubby ko yung nasa BTS.
"KYAHHHHH!!!!ngumiti siya para kang si Jungkookie"sabi ko.
"Ng BTS???"tanong niya.
"Kilala mo sila?"gulat kung tanong.
"Oo naman ako kaya si Jungkook"sabi niya habang ginagamot ang sugat ko.
"Ewwww nangangarap ng gising"sabi ko.
Nang matapos niya gamutin ang sigat ko ay magpapaalam na sana ako ngunit bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako.
"Miss na miss na kita Nathalie ko"sabi niya.
"Bitawan mo nga ako at anong miss ngayon pa nga lang tayo nagkita at pwede wag mo akong tawaging Nathalie naiinis ako at lastly hindi mo ako pag mamay-ari"sabi ko.
"Bakit ayaw mong maalala ang bestfriend mo?"tanong niya.
"B-bakit m-mo a-alam??"utal kong tanong pero niyakap na naman niy ako ulit.
"Sabi ng bitawan mo ako eh manyak ka ba,bakit ka yakap ng yakap sa akin at pwede ba wag kang FC dahil HINDI.KITA.KILALA.PERIOD,diyan ka na nga tseeeeee"sabi ko at tumakbo papuntang mansion namin.
Pagpasok ko nakita ko agad si Sophie na kumakain na.
"Ouh saan ka galing bakit bigla kang nawala?"tanong niya.
"Pumunta ako sa bahay nila Kurt pero wala sila kaya yung badboy na bunso nila ang naabutan ko"inis na sabi ko.
"So what happened??"tanong niya.
"Ayun manyak ata yun eh biglang nangyayakap saka mukhang baliw akala mo badboy pero nasugatan ako at naging goodboy parang climate change lang,tskkk"sabi ko.
"Sinabi mo naman name mo kaya ka niya nakilala"sabi niya at niligpit ang pinagkainan niya.
"Oo bakit masama bang makipagkilala?"sabi ko.
"Alam ko kung bakit ganoon siya,kilala ko na siya bes kagabi pero ikaw nalang kumilala sa kanya"sabi niya.
"Andaya mo tabi nga kakain ako"sabi ko at kumain.
Pagkatapos kung kumain ay nagbihis ako para mag-mall gala-gala pag may time.Ayaw sumama ni Sophie dahil masama daw pakiramdam.
"Bes una na ako ha babalik ako agad"sabi ko.
*MALL*
Pumunta muna ko sa bookstore para mamili ng mga babasahin kung wattpad na libro,ng makita ko na kukunin ko sana pero may nakahawak na nito.
"IKAW??!!?!!!?"sigaw ko kaya napatingin ang lahat ng tao sa amin or should I say sa akin lang.
"Give me that one ako ang unang nakakita niyan"sabi ko at hinablot ang libro.
"Okay sa iyo na yan pero pahiramin mo ako pag tapos ka na Natha--- i mean Sam"sabi niya at kiniss ako sa cheeks.
"Badboy nga manyak pa,asshole"sabi ko pero kinindatan niya lang ako.
Umuwi na ako at pumasok agad sa kwarto ko at sinubsob ang mukha ko sa kama ko.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako nang dahil sa kaiisip sa Badboy/Manyak na yun.
Clyde Chester Ashfortz on M.M
To be continued~
Free to vote and comment.😘
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Turns To Be My Boyfriend || Completed✔️
Teen FictionYour bestfriend turns to be your boyfriend ? Sana all HAHA ! Paano nga kung mahulog kayo sa isa't isa may magagawa ba para pigilan 'to ih si tadhana na nga ang kumilos ih , mapipilit ba ninyong ITAGO ang feelings niyo sa isa't isa at stick to friend...