Chapter 32-Apology

1.7K 45 0
                                    

Samantha's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa maganda kong pagmumukha.Sa pagkakaalala ko sinirado ko naman yung bintana ahh.

Nang tatayo na sana ako may naramdaman akong kamay na pumulupot sa baywang ko kaya napatingin ako kung sino yun.

"Good Morning"sabi niya.

"Pano ka nakapasok!?"tanong ko sa kanya.

"Hmmmm di mo kasi nilock tsaka kakagising ko lang kaya naparito ako para gisingin ka pero ang himbing ng tulog mo eh parang ayaw mo nang gumising"sabi niya.

"Seryoso?Yun lang ba talaga pinunta mo dito?"tanong ko at umupo siya kaya umupo din ako at titig na titig ako sakanya.

How can he be so handsome like this kahit kakagising lang.

"Tapos mo na ba akong pagpantasyahan mhie?"tanong niya kaya nabalik ako sa huwisyo at sinampal ang braso niya.

"Lika ka na,nagluto nako ng breakfast"sabi niya.Oo siya nagluto pina uwi ko muna si Manang Delia sa kanila kasi ilang taon na siyang nagtatrabaho dito wala na siyang time makasama ang pamilya niya and so as Sophie siya sana magluluto araw araw kaso heartbroken ehh kaya di natin masisisi.

"Una ka na sa baba maghihilamos lang ako"sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako.

Pumasok nako sa bathroom at naghilamos mamaya nako maliligo kasi tinatamad ako ih.

Paglabas ko ng bathroom tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.Bakit sakin nahulog si Clyde ang dugyot ko kaya para akong batang ini-----

Hindi ko natuloy ang muni ko kasi biglang may nagmessage sa phone ko.
Tiningnan ko ito and kumukulo ang dugo ko ng makita ko ang name ng lalaking toh.

From:Zake Jerk

Sam alam ko mahirap paniwalaan ang mga nangyayari sorry I made this apology para naman maintindihan niyo na message ko na din si Sophie tungkol dito kaya Ikaw naman ang hihingan ko ng tawad.I'm sorry sa nagawa ko kay Sophie alam ko Sam babaero ako pero never kong niloko ng ganun si Sophie.Monique is just a daughter of my mommy's friend na may malaking shares sa kompanya namin.Sam senyong tatlo ko, sayo ko lang nasabi to.Na arrange marriage ako kay Monique kaya nasabi niyang fiancee ko siya pero Sam tinanggihan ko yung contract na yun para kay Sophie kasi mahal na mahal ko siya.Sam sana maniwala ka sakin at this time nasa States na ako sorry di ako nakapag paalam ng personal sa inyo alam ko kasi malaki pa ang galit niyo sakin kaya idadaan ko nalang sa message.Sam sana maniwala kayo hindi ko kayang mawala si Sophie sakin kaya please forgive me pero kung di mo na talaga ako mapapatawad it's okay I understand concern ka lang talaga sa bestfriend mo dito nalang muna ako ingat kayo ni Sophie diyan si Clyde na bahala sa inyo bilin ko sakanya diyan na muna siya sa mansion niyo para naman may makabantay sa inyo sige Sam hinihintay ko lang yung sagot mo kung handa mo na ba akong patawarin.

Napa buntong hininga ako sa sinabi ni Zake at naniniwala naman ako sakanya pero di ko alam kung papaniwalaan siya ni Sophie.

To:Zake Jerk

Okay na Zake pinapatawad na kita alam ko mahirap ang pinagdadaan mo ngayon and sorry sa mga nasabi ko sayo just forget about it.Mag ingat ka diyan sa States aalagaan namin si Sophie don't worry , balik ka ha!

Bumaba ako para pumunta sa dining area at nakita ko na naka kunot ang noo ni Clyde.

"Anong tingin yan Cly?"sabi ko at umupo na sa tabi niya.

"Bakit ang tagal mo tas sinilip kita ngumiti ka pang nakatangin sa cellphone mo"sabi niya.

"Ahhh ganun bah wala yun don't mind it"sabi ko.

"Bahala ka nga!"sabi niya at nauna ng kumain.

Pinulupot ko ang braso ko sa braso niya at sinandal ang ulo sa balikat niya.

"Wag ka nga magselos dhie its just Zake humihingi lang ng tawad and sinabi niya lahat ng tungkol sa malanding hipon na si Monique na yun"sabi ko kaya tumingin lang siya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Siguraduhin mo lang mhie kasi pag nalaman ko kung sino yun di mo magugustuhan ang magagawa ko sa ka text mo"sabi niya.

"Kahit babae?"tanong ko at kinuha ang kamay niya.

"Except for girls na kaibigan mo pero pag lalaki kahit kaibigan o kaklase mo pa that's a different story"sabi niya at kumain na kami.

Sa kalagitnaan ng pag uusap at tawanan namin ni Clyde habang kumakain napatingin kami sa harap namin na andoon si Sophie nakabihis ng maayos,basa ang buhok at may ngiti sa mga labi niya.Pero para nga lang siyang panda sa laki ng eyebags niya.

"Makatingin kayo parang tutanawin niyo na ako ah"sabi niya at kumuha ng pagkain pero nakatingin pa din ako sakanya pero si Clyde hindi na.

"Mhie kain na lalamig yung pagkain mo"sabi ni Clyde.

"Sam!okay ka lang ba parang ikaw yung may pinagdadaan ah!"sabi niya at tumawa.Hinawakan ko ang kamay niya.

"Oh bakit?"tanong niya.

"Yan gusto ko makita palagi Soph yung ngumingiti at tumatawa ka kahit mukha ka nang panda dahil sa kakaiyak"sabi ko at napakunot naman ang noo niya.

"Eh kung kutusan kaya kita okay na sana yun eh pinansin mo pa yung eyebags ko"sabi niya.

"Syempre joke lang Sophie maganda ka parin kahit ganyan mana ka kaya sakin"sabi ko at nag wink.

"Hay nako ang hangin"sabi ni Clyde.

"Mas mabuti na yun para di mainit tskkk"sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Nagpresenta kami ni Sophie na maghugas ng pinggan kasi si Clyde na naman ang nagluto kami na ang maghuhugas para makausap ko na din siya.Tumaas na si Clyde para maligo.

"So Sophie okay.na.ba kayo?"di ko tinuloy tuloy yung tanong ko baka kasi mag emote na naman.

"Oo okay na kami Sam pinatawad ko na siya di ko matiis eh mahal ko kaya wala akong magagawa"sabi niya.

"Ahhh mabuti naman kung ganun Sophie I'm happy for the both of you"pagkasabi ko nun ay pumunta kami sa sala kasi natapos namin ang hugasin.

"Ahhh Sam matanong ko lang ba't di ko na nakikita si Kurt?"tanong niya.

"Ahhh ano kasi Sophie kasi ano"sabi ko hindi ko pwedeng sabihin kasi ako lang ang nakakaalam nito maliban kay Kuya Clark at Kay Clyde.

"Ano pati si Marga asan ba yung magkapatid?"tanong niya ulit.

"Ano kasi Sophie-"di ko natuloy kasi nagsalita agad siya.

"Ano nga Sam?"tanong niya.

"Umuwi si Kurt sa probinsiya nila kasama si Marga tas sa linggo pa sila uuwi di ba siya nagpaalam sayo?"painosente kong tanong.

"Bakit kailan sila pumunta dun?"tanong niya.

"Kahapon di ka na namin inabala emote ka pa kasi eh"sabi ko.

"Anong dahilan?"tanong niya.

Di ko pwede sabihin toh masasaktan na naman ako pag binanggit ko pa ang pangalan niya.







~To be continued

Feel free to vote and comment.ILYSM🌸

My Bestfriend Turns To Be My Boyfriend || Completed✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon