Samantha's POV
Nagulat ako nang may lumapit sa amin kaya napatingala ako si Luke pala.Siya ang son of owner sa unibersidad na ito.Hindi man lang siya nagsabi ang daya niya dibah.
"Hi Sam at Sophie pwede pasabay sa inyo?"tanong niya.
"Oo naman ano ka ba"sabi ko.
"So ikaw pala ang son of owner bakit hindi mo manlang sinabi"sabi ni Sophie.
"Oo nga Luke nakakatampo ka"sabi ko.
"Sorry na hindi ko kasi alam na gusto niyo pala malaman yun,tsaka last year palang pinatayo to eh"sabi niya.
"Eh kahit na"sabi ko.
"Bakit sinabi mo ba sa akin Sam na may pag-aari kang mall at ikaw pa ang may ari eh ako son of owner lang"sabi niya sabagay may point siya.
"Bakit napunta sa akin yung usapan?"tanong ko.
"Tskk tama na nga yang bangayan na yan baka saan pa mapunta yan"sabi ni Sophie.
After naming kumain may 30 minutes pang natira pero nauna na si Sophie dahil may gagawin daw sila ni Zoey at Daisy.Yes friends ko na rin sila.At ito naman si Luke hindi ako pinayagan sumama kay Sophie dahil gusto niya daw ako makasama.Dumadamoves ang lolo niyo hehehe sa totoo lang nanliligaw talaga si Luke sa kin noong grade 7 and grade 8 ako pero I'm not allowed pa eh pangako ko kasi sa parents ko na kung ga-graduate ako ng grade 10 doon na ako magbo-boyfriend.
"Ahh Sam may sasabihin sana ako sa iyo"sabi ni Ivan.
"Ano yun?"tanong ko.
"Wag ka sana mabibigla ahh"sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Sam I like you,sana sa puntong ito tanggapin mo na ako.Matagal kung hinintay na sagutin mo ako pero kung ayaw mo masasanay din ako na mahalin ang ibang babae.Sam last confession ko na ito sa iyo"sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit last confession mamatay ka na ba,may malubhang sakit ka ba,aalis ka ba sa ibang bansa ano?"tanong ko.
"Ang advance mo mag-isip,hindi ako mamatay never noh tsaka wala akong malubhang sakit never sa awa ng diyos wala and lastly hindi ako aalis.My point is last na to hindi na kita kukulitin"sabi niya.
Naguguilty ako dahil ilang beses ko na siyang nireject pero hindi parin pwede eh may golden rule kasi ako ag ito yun 'STUDY FIRST BEFORE YOU ENTER THE KINGDOM OF LOVE' yan chawottt.
"Sorry Luke pero hindi parin pwede eh kailan kasi gagraduate pa ako ng grade 10 bago yang relationship na yan"sabi ko kaya nalungkot siya sa sinabi kaya napayuko ako.
Nagulat nalang ako at ginulo niya ang buhok ko at tumawa.
"Hahahahaha wag ka ngang malungkot diyan Sam syempre okay lang yun may mahahanap rin ako katulad mo"sabi niya.
"Salamat sa pag-intindi ah kaya love kita eh as a friend"sabi ko.
"I love you too as a friend"sabi niya at nagtawanan lang kami hanggang makaabot kami sa room pero laking gulat namin na late na pala kami.
"Why are you two late?saan kayo nanggaling?ikaw Ms.Dela Vega bago ka pa nga lang late ka na agad"sabi nung teacher namin sa last subject namin.
"Excuse me maam ah wag na wag niyo pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko ah dahil pwede kita ipatanggal kahit na son of owner lang ako"sabi ni Luke kaya napahawak ako sa braso niya.
"Tama na Luke tama rin naman siya eh"sabi ko.
"Sorry Mr.Aliciano pwede na po kayong umupo"sabi ni maam.
Dumiretso si Luke sa upuan niya pero lumapit parin ako kay maam.
"Maam pasensya na po ah hindi na po mauulit"sabi ko.
"Okay lang yun Ms.Dela Vega nadala lang ako sa galit ko may problema kasi ako"sabi niya kaya tumango lang ako at dumiretso sa upuan ko.
At nagdiscuss na si maam hanggang sa mag uwian na nga.
"Ahh Sam una ka na umuwi may gagawin pa kasi ako eh"sabi ni Sophie.
"Saan ako sasakay,ayaw ko magcommute noh tsaka palalakarin mo ako pauwi hindi ko keri bes"sabi ko ano pa ba kasi gagawin nito.
"Hatid na lang kita Sam"biglang sulpot ni Luke na dala dala na ng bag niya.
"Ay wag na baka makaabala pa ako sa iyo"sabi ko.
"Sige na narinig ko kasi na hindi makakasabay si Sophie sa iyo so hatid na lang kita"sabi ni Luke.
"Oo nga bes sige na pasalamat ka pa nga may nag-alok sa iyo"sabi ni Sophie kaya napairap ako ng di oras.
Umalis na kami ni Luke at dumiretso sa sasakyan niya.Nababalot ng katahimikan sa loob ng kotse eh nabibingi na ako.Kaya binasag ko na ang katahimikan.
"Ah Luke matanong ko lang saan kukunin ang uniform namin?"tanong ko.
"Don't worry I will ask mom to deliver it in your house para masuot niyo na bukas"sabi niya nang nakangiti bakit masaya ata to.
"Okay bukas ko nalang babayaran"sabi ko.
"No hindi mo babayaran yun libre na yun para sa inyong dalawa ni Sophie"sabi niya.
"Hindi na Luke responsibilidad namin na bayaran yun student parin kami"sabi ko.
"Ah basta ikaw bahala pero tingnan mo lang kung tatanggapin yan ni Mommy"sabi niya.
"Okay"yan lang ang tanging sagot ko.
"Oh andito na tayo"sabi ni Luke.
"Walang tayo Luke ako lang okay"sabi ko.
"Sornaman bakit pa kasi ikaw pa yung nagustuhan ko eh"sabi niya at napakamot sa batok.
Bago ako bumaba ay tinap ko muna ang balikat niya.
"Wag kang mag-alala Luke,alam kung may darating sa iyong babae na mas deserving pa kaysa sa akin.Sorry kung nasaktan man kita pero hindi ko naman gustong saktan ka eh.Pero wag ka mag-alala hahanapan kita"sabi ko.
"Okay lang Sam basta friends parin tayo"sabi niya.
Bumaba na ako at kumaway sa kanya at umalis na siya kaya pumasok na rin ako at nagmano kay Manang Delia.
"Oh ija bakit ngayon ka lang kanina pa nandito si Sophie"sabi ni Manang na ikinagulat ko kaya pinuntahan ko agad si Sophie na naka upo sa sofa habang nanonood ng tv.
"Hoy akala ko may gagawin kayo"inis na sabi ko.
"Bes sorry pinagbigyan ko lang naman si Ivan eh gusto ka raw niya makasama sorry na please"sabi niya at nag peace sign pa.
"Sana sinabi mo papayag naman ako eh tskk tinago mo pa"sabi ko at dumiretso sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay.
Bakit ba ako pa yung nagustuhan ni Luke eh andaming babae sa mundo noh hindi sa assuming ako ah o feeler man.Patay na patay talaga siya sa akin may nakain ba siyang mali o hindi ko naman siya ginayuma ah.
Konsensya:Ang ibig sabihin nun totoong mahal ka niya nag-isip isip ka pa diyan.
Tumigil ka nga konsensya hindi ka nakakatulong.
Humiga muna ako ng maayos at kasabay nun ang pagdalaw sa akin ng antok kaya nakatulog na ako.
Ivan Luke Aliciano on M.M
To be continued~
Free to vote and comment.😘
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Turns To Be My Boyfriend || Completed✔️
Novela JuvenilYour bestfriend turns to be your boyfriend ? Sana all HAHA ! Paano nga kung mahulog kayo sa isa't isa may magagawa ba para pigilan 'to ih si tadhana na nga ang kumilos ih , mapipilit ba ninyong ITAGO ang feelings niyo sa isa't isa at stick to friend...