Chapter 23-Friends Plan

2K 58 3
                                    

Someone's POV

"Bes babalik ka na sa pilipinas?"tanong ng kaibigan ko.

"Yes gusto ko nang makita si Clyde at magiging girlfriend niya na ako"sabi ko.

"Bunso wag kang mag-alala babalik at babalik tayo doon"sabi ni ate.

"Alam mo ate pagbalik na pagbalik ko doon kukunin ko kung ano yung dapat sa akin lang"sabi ko.

"Yan ang bestfriend ko"sabi ng kaibigan ko.

Maghintay lang kayo sa pagbabalik ng prinsesa ng kagandahan....(insert devil laugh).

-------------------------------------------

Samantha's POV

Imumulat ko na sana ang mga mata ko pero biglang may nagsalita.....

"Sam paggising mo patawarin mo na si ate ha hindi ko naman atraso na saktan ka,gusto ko lang kasi na palagi kang safe kaya dapat palagi kitang mamomonitor dahil ikaw nalang ang meron ako Sam,ikaw nalang ang kalakasan ko"sabi ni ate.

"Huwag ka sanang magka-amnesia Sam baka makalimutan mo ang maganda mong bespar"sabi ni Sophie.

"Ano ba Sophie tumigil ka nga sa pagloloko mo!"sabi ni ate.

"Sam sana hindi mo ko makakalimutan si Kurt ito"sabi ni Kurt.

"Clyde ito Sam tandaan mo kahit malimutan mo ako gagawin ko parin ang lahat para matandaan mo ako"sabi ni Clyde.

"Kami rin ni Kuya Clark,Sam ahhh  wag mo kaming kalimutan pati narin si Ivan"sabi ni Zake.

"Ivan andyan ang mommy mo pinapatawag kayo except kay Clyde"sabi ni Kuya Clark.

"Bakit daw?"tanong ni Ivan.

"Aba malay ko ako ba ang mommy mo para masagot yang tanong mo,puntahan mo nalang kaya at malaman mo kung bakit"sabi ni Kuya Clark.

"Pati ikaw Sophie ang matitira dito si Xandra lang at Clyde bibili lang ako ng maiinom"sabi niya.

Paglabas nilang lahat agad kong ginalaw ang daliri ko na ngayon hawak ni ate...

"Sam gising ka na!"tarantang sabi ni ate at agad na minulat ang mata ko.Mag-aact muna ako na may amnesia nagulat nga ako ehh dahil minsan lang mangyayari sa akin ito at nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi niya binalik ang sakit ko.

Pagkatapos akong tingnan ng doctor ay bigla agad akong nagulat dahil hahawakan sana ako ni ate at Clyde.

"S-sino k-kayo??"acting ko.

"Haistt sinasabi ko na nga ba at makakalimutan nga niya tayo"sabi ni ate.

"Ako to Sam si Clyde yung bestfriend mo"sabi ni Clyde.

"C-clyde sinong Clyde,saka nasaan ako?anong pangalan ko?"tanong ko.

"Magpahinga ka na muna para gumaan ang pakiramdam mo okay!"sabi ni ate.

"Ayoko gusto ko nang umuwi sa bahay namin sa Korea"sabi ko.

"Gising na si Sam!!"sigaw ni Sophie.

"Pero nagka-amnesia siya"sagot ni ate.

"Bakit kayo nandito sino kayo??"sabi ko na iiyak na sana kaya napayuko silang lahat kaya bigla nalang akong ngumisi.

"Hahahahahaha tinotoo niyo talaga okay lang ako wala akong amnesia hahahahahahahaha"tawa ko pero bigla nalang nila akong sinunggaban ng yakap as in silang lahat.

"H-HINDI AKO MAKAHINGA!!"sigaw ko kaya nagbalikwas sila.

"Papatayin niyo na ba ako,kakagising ko lang sana pala sumama na ako sa lalaking nakaputi sa panaginip ko"sabi ko.

My Bestfriend Turns To Be My Boyfriend || Completed✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon