Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang pagpito. Sh** first game ko to dito. Hindi ko pa masyadong kilala mga teammates ko, baka di ko matantsa ang pagset ko.
Pero andito na ako, ngayon pa ba ako susuko. Buti nga pinayagan ako ng parents ko to pursue my dream in Volleyball so dapat galingan ko. Go Deanna! Kaya mo yan. Andyan si Jia oh, diba idol mo yun? Then galingan mo.
"Team, usap kayo okay? Isang magandang receive and you'll be fine.!" Sigaw ni Ly sa team nila.
Ayan na ang bola.
Walang nagreceive.
Napanga-nga si Deanna.
"Guys, receive tayo." Sabi nito sa mga kasama.
Service na uli ng kabila, feel ni Deanna walang kukuha kaya last minute dig ang ginawa nya na nakuha naman ni Ponggay at naibalik sa kabilang court.
Papalo na ang spiker sa kabila, tumakbo si Deanna at Ponggay then Block.
Score: 1 all!
Napa-apir naman sina Deanna at Ponggay.
"Guys, need ko ng magandang receive para makapalo kayo." Sabi ni Deanna.
Mapapansin ang leadership skills nya.
Service ni Deanna.
Ace!
Score: 2-1 Team A leading.
Service uli ni Deanna, this time nareceive pero free ball ang bigay sa kanila. Nareceive naman ito ng maayos ng team nila at sinet ni Deanna to Ponggay then crosscourt hit!
Napangiti na si Deanna.
Okay gets ko na set ko for you Pongs!
"Nice set Deanns, ganun lang." Sabi ni Ponggay. Nakipagkamay naman sila sa mga kasama.
Nakailang palitan pa ng palo.
Score: 16-10 Team A leading pa din.
Technical timeout.
"You are doing fine guys, pero wag complacent okay? Alam ko kinakapa nyo pa ang isa't isa. Wong, bigyan mo yung iba." Sabi ni Ly
"Wong? Try to score on your own." Sabi ni Jia habang tinapik si Deanna.
Tumango lang ito bago pumasok sa court.
Medyo maingay na silang magkakateam sa loob ng court, nag-uusap usap na sila.
Nice! Ganito nga dapat guys. Tapusin natin to!
Nagpalitan pa uli ng ilang puntos.
Score: 20-14 Team A leading pa din.
Received by Ponggay passing it to Wong and Wong with a 1-2 play.
Masayang nagbatian naman ang Team A sa unexpected na point from Deanna.
Kaya ko naman pala eh.
Nakailang dig din si Deanna kakasave ng bola pag hindi mahandle ng mga kateammate nya, pero halatang nageenjoy siya sa ginagawa nya. Minsan ay napapangiti ito, cute pa din kahit madalas game mode on.
Nakaisa pa uling 1-2 play si Deanna na siyang tumapos sa laro.
Final Score: 25-16
"Congrats guys! Ang galing nyo!!!" Bati ni Ly sa mga hopefuls.
Pumito naman ang isa sa mga coach para ihuddle sila.
"Girls, we'll post the schedule ng part 2 ng try-outs and kung sino ang makakapasok sa second round. Good luck." Sabi ng coach.
Lumapit naman si Therese kina Ponggay at Deanna na kasama ang iibang mga players.
Pinakilala ni Therese si Ponggay at Deanna kina Bea, Maddie at Kat.
"Nice to meet you po." Bati ni Deanna.
"Galing mo nga eh!" Sabi ni Bea.
"Maddie, dapat ivote nating tong dalawang to. Pwede silang future ng team natin." Sabi ni Therese.
"I can naman they are doing well." Sabi naman ni Kat.
Nagpaalam na si Ponggay at Deanna dahil magprep pa sila for their class.
"Galing mo nga!" Sabi ni Ponggay.
"Hindi naman. Just did what I need to do. Syempre, I want to win and be part of the team." Sagot ni Deanna.
Pumasok na sila sa dug-out para makapag-ayos.
"Pongs, dali na baka malate tayo sa next subj." Sigaw nito kay Ponggay.
"Ito na po." Tugon ng kaibigan.
"Ay naku Ponggs, bagal eh." Pahabol ni Deanna.
Naglakad na sila papunta sa building kung saan ang next subject nila.
Paakyat sila ng hagdan ng may makitang mga Juniors na nakatambay sa steps ng hagdan. Tawa ng tawa ang mga ito.
Hindi na lang pinansin ni Deanna at sumunod kay Ponggay.
Nakaupo na sila sa loob ng classroom pero malalim ang iniisip ni Deanna.
Parang may nakatitig kasi sa akin nung dumaan ako dun sa mga Juniors eh. Weird naman ng feeling. Napakunot noo sya.
"Hoy Wong, tapos na ang klase wala ka pa din dito sa earth." Sabi ni Ponggay habang tinatapik sya sa balikat.
Tama ito, wala na nga ang teacher nila.
"Tara lunch, baka gutom lang." Aya nito kay Ponggay.
Magkasabay naman silang pumunta sa cafeteria para kumain.
Nagkwentuhan sila about the game kanina.
"Deanns, maya na after ng last class natin tingnan ang result ah.." Sabi ni Ponggay.
"Sure! Pero tara sa next subject natin." Aya nito sa kasama ng makitang tapos na ito kumain.
Pagkarating nila sa classroom, hindi pa tapos yung unang class.
"Nagmadali tayo, may class pa pala." Sabi ni Ponggay.
"Matatapos na din yan, ilang minutes na lang, hintay na lang tayo dito." Tugon ni Deanna.
Napatingin lang si Deanna sa mga puno sa campus.
"Tara Deanns, pasok na tayo, lumabas na yung last class." Sabi ni Ponggay.
Nauna naman si Deanna na pumasok sa door but out of nowhere biglang may sumulpot na babae at nagkabangaan sila. Nahulog ang dala nitong ilang notebooks and pens.
Mabilis namang dinampot ni Deanna ang mga gamit habang natigilan lang ang nasa harap nya.
Nagsorry ito kay Deanna, pero sobrang focus si Deanna sa pag-abot ng mga gamit kaya di na nya nakita ang muka nito.
"Walang problema." Yan lang ang nasabi ni Deanna at tuluyan na syang pumasok sa silid.
Umupo na sila ni Ponggay.
"Ui, sungit mo naman." Sabi ni Ponggay.
Napataas lang ang kilay ni Deanna.
"Yung babaeng nakabungo sayo di mo man lang pinansin." Patuloy ni Ponggay.
Saktong dumating na ang teacher nila kaya binaling na lang ni Deanna ang tingin sa teacher at binuksan ang libro nya.
In fairness, ang bango nung nakabunggo ko, pero hindi naman ako interesado.