Chapter 7

12.8K 217 6
                                    


Hindi pa nag-aalarm ang clock pero gising na agad si Deanna.

Excitement ba to? Aga ko magising. Hindi ko naman feel na kulang ako sa tulog pero I really feel like need ko pumunta sa training ng extra aga. I guess, I just want to make sure I'm super ready later. This is it, after ng round 2 ng try-out. Hello AWVT!

Bumangon na si Deanna at nagshower, prep, then lumabas na ng dorm habang naglakad papuntang BEG.

Nang malapit na sya sa may BEG, may nakita syang 3 girls na naka P.E. uniform. Iniwasan lang ng tingin ni Deanna at daling naglakad papasok sa gym.

Ang aga naman ng mga yun. Baka maaga ang P.E. nila.

Pagkapasok ni Deanna sa Gym, may ilang ilaw ng nakabukas pero wala pang tao. Kumuha sya ng isang bola at nagstart magset.

Ng medyo nangawit sya. Nag warm-up sya. Napansin naman nya na pumasok yung tatlong naka P.E. uniform sa labas at umupo sa mataas na part. Medyo na awkwardan sya pero patuloy pa din sya sa warm-up.

May ilan ng mga pasok sa round 2 na dumating. Nakipagkamay lang sya pero nag practice set uli sya.

Feel ko may nakatitig na naman pero I need to focus.

Tama naman dumating si Ponggay at binati sya nito. Nagpasahan naman sila ng bola.

"Wong, ikaw yung tinitingnan nung mga naka P.E. uniform na andun oh." Sabi ni Ponggay habang nakanguso sa direction kung saan nakaupo yung mga naka P.E. uniform.

Tumingin naman si Deanna sa direction nito at nakita nya na nakatingin nga sa kanya but since malayo ito, hindi naman nya namukaan. Tapos nung nahalata na natingin sya, bilang umiwas sila ng tingin pero nag-gigiggle sila.

Napakunot noo naman ni Deanna.

What do you want? Weird.

"Tara Pongs, andyan na yung mga coach." Aya ni Deanna.

"Alright girls! Congratulations nga pala. So kayo na ang pasok sa final list ng rookies for this year. Ang aalamin na lang natin is kung sino sa Group A and Group B. So good luck!"

Nagkatinginan naman si Ponggay at Deanna and with those looks, mararamdaman na they are encouraging each other to do well.

Nagdrills sila then hinati sila sa 2 groups at sinali sa 2 group ng current ALE members.

Kateam ni Ponggay at Deanna sila Bea, Maddie, Kat at Therese.

Kalaban naman nila 2 rookie then si Jia, Aly, Amy at Jho.

Nagsimula na sila.

Mukanga ng lakas ng kabila, powerhouse! Pero Kakayanin namin.

"Deanns, kami ni Bea ang middle mo ahh, kaya ko magrunning, try namin sets mo then we'll let you know if need iadjust ah?" Sabi ni Maddie

"Kat and Pongs can be OH, as for me kaya ko naman magback row if need. If nasa position ako, kaya ko papalo. Hihingiin ko na lang bola." Sabi ni Therese

"Cge po mga ate. Tantsahin muna natin then sabihin nyo agad para makaadjust ako sa set." Sabi ni Deanna.

Tumango lahat.

Received by Ponggay then Won sets for Kat. Down the line hit!

"Liked the way you set it Deans. Ganun lang." Sabi ni Kat.

Mabuti na lang at maganda ang mga receive nila at gumagana ang mga blocks ni Maddie, Bea at Kat.

Score: 15-16. Down ng 1 point lang sila.

"Nakakatuwa kasi first time natin maglaro pero I can feel may connection naman tayong lahat." Sabi ni Bea.

"We are doing great! Galing mo Wong! Mas gagaling ka pa sa training ni coach Tai. Kaya win or lose tayo kina at Ly. I know you have a spot." Pangeencourage ni Maddie.

Final Score: 24-26

Dahil ito sa 2 aces ni Aly.

Talo kami pero masaya naman ako kasi dikit lang laban. Sana we can still get in.

Napansin naman ni Deanna na marami ng nanonood sa Gym.

"Alright girls! Again congrats! We'll post the team assignment mamaya. Nga pala, since part na kayong lahat ng team, need nyong magstay sa dorm. Other coaches will explain na lang sa inyo. For now, you can go. Wong, stay." Sabi ng assistant coach.

Kinabahan naman si Deanna pero agad syang sumunod sa coach.

"We know you can do so much and pag trinain ka pa naming you will be a great volleyball player. We see a lot of potential sayo even nung naglalaro ka pa sa dati mong team. So hindi ko na papatagalin. Offically part ka ng ng team group A. Your time will come but for now, we badly need a libero and we know that you can do it. So okay lang ba na libero ka muna for now?" Tanong ng coach.

Napanganga si Deanna.

"Ms. Wong?" tanong uli nito.

"Ahmmm. Sige po I accept the challenge. Train me well po so I can be effective po. I trust po that Ateneo can help me improve and become a good volleyball player." Sabi ni Deanna.

"You are already good. Need lang natin ipolish. About sa dorm, dun ka na nagsstay diba? Wait na lang sa room assignment." Masayang sabi ng coach.

"Okay po. Salamat po uli." Magalang na sabi ni Deanna.

Nagpaalam na ang coach sa kanya at pumunta na sya kung saan nya iniwan ang mga gamit nya. Sa narinig nya sobrang nakangiti sya at napansin ni Ponggay.

"Hoy Deans, nakangiti ka dyan? Ano daw group mo?" Pag-uusisa nito.

"Ahm, sabi ni coach group A daw, libero." Masayang sabi ni Deanna.

"Talaga!? Nice! Congrats Deans! Manlibre ka naman." Sabi ni Ponggay.

"Sige mayang lunch, bihis na tayo may class pa." Sabi ni Deanna.

Nagpunta na ang magkaibigan sa dug-out.

After magshower, fresh sila ni Ponggay na dumiretso sa room ng next class nila. Napansin ni Deanna na may sumusunod sa kanila pero di nya ito mamukaan. Biglang hinatak nya si Ponggay papasok sa isang bakanteng room.

"Deans?! Anong meron?!" Gulat na sabi ni Ponggay ng makapasok sila sa isang bakanteng room.

"Kasi Pongs, may sumusunod sa atin eh." Worried na pagkakasabi ni Deanna habang sumisipip sa door.

"Ang weird mo talaga. Baka hinahunting ka lang ng Basilisk. Alam mo na ba san yung chamber?!" Natatawang sabi nito.

"Ehh Pongs, not now. Seryoso ako. Feel ko talaga may sumusunod..." Napatigil ito.

Student 1: "Asan na? Nawala! Baka nahalata tayo."

Student 2: "Lakas kasi ng tama nitong kaibigan natin eh."

Student 3: "Guys, pagbigyan nyo na ako. I just can't help it!"

Student 2: "Nku J ahh, Malala na yan!"

Student 3: "Maya na lang baka nasa cafeteria sila."

Student 2: "Tara may class pa tayo!"

Narinig ni Deanna at Ponggay ang convo na yun sa labas mismo ng pinto. Narinig din nila na lumakad na ang mga ito papalayo.

Nang masecure ni Deanna na wala ng tao. Lumabas na sila ni Ponggay at nagtungo sa classroom nila.

"So totoo pala na may sumusunod sayo. Well, I think sila din yung nanonood kanina sa BEG eh." Sabi ni Ponggay habang naglalakad sila.

Nakakunot lang ang noo ni Deanna.

Ano ba gusto nila? Wait? Stalker ba sila? Eh bakit ako pa? Kabago bago ko dito. Eh baka naman pinagtritripan ako. Ambot!

Saktong pagdating nila sa classroom ay ang papasok na din ang teacher nila kaya umupo na agad sila sa bakanteng upuan.

My FirstWhere stories live. Discover now