Chapter 41

10.9K 258 54
                                    

Inalalayan ko si Jema sa paglabas at pagsakay sa kotse. I don't know but I feel good taking care of her. I feel like nature ko na na alagaan siya. Hawak ko pa din ang kamay nya habang nagbyabyahe kami. Sinandal naman nya ang ulo nya sa balikat ko. Tahimik lang kami sa buong byahe.

Pagkarating ng sasakyan nila sa bahay ni Jema ay inalalayan ni Deanna na bumaba ito at magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay.

"Get some rest." Sabi ni Deanna pagkahiga ni Jema sa kama nya.

Tumango lang ang dalaga.

Umupo naman si Deanna sa tabi niya at malambing na hinawi ang buhok sa mukha ni Jema. Pareho silang napangiti.

"Do you want food?" Deanna asked.

"I'm not hungry pero baka gutom ka na?" Sagot ni Jema.

"Hindi pa ako gutom." Sabi ni Deanna.

"Do you want na humiga sa tabi ko?" Tanong ni Jema.

Tumango lang si Deanna at humiga na sila. Yumakap naman si Jema kay Deanna.

"How was I as a girlfriend before?" Deanna asked to end the silence.

"Mapagmahal and super caring. Malambing din and patient. Minsan pag masungit ako, napagtitiisan mo pa din ako." Masayang sabi ni Jema.

"What do you miss most na ginagawa ko for you?" Deanna asked.

"Ahm... Yung ganito. Yung hug mo and sweet kisses. Lagi mong gustong hawak ang kamay ko. I like it and it makes me feel safe." Sagot ni Jema.

"What was it like not having me?" Deanna asked.

"Halos gumuho yung mundo ko. Muntik na akong sumuko. Sobrang hirap na laging nadudurog yung puso ko. Pakiramdam ko nawawala ako and lost a part of myself. Pero when you woke up, nabuhayan ako ng loob pero nung nalaman kong hindi mo ako maalala, mas dumoble yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko talaga mawawala ka na sa akin. Pero pinangako ko sa sarili ko na hindi ako maggigive up kasi nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan kahit anong mangyari." Kwento ni Jema.

"Are you happy kasama mo ako ngayon?" Deanna asked.

"Sobra!" Matipid na sagot ni Jema pero hinigpitan pa nya ang yakap kay Deanna.

"I didn't mean to hurt you or for you to go through all these things. I wish I can just take all your sadness and tears away. Natakot ako when I saw you cry pero mas grabe yung nafeel ko nung nakita kitang nakaupo at may sugat sa ulo." Deanna said while she run her hand sa ulo ni Jema.

"I may not understand everything and marami pa akong confusion pero alam ng puso ko na ayaw kitang masaktan. A part of me thinks na hindi ako worthy kasi parang you are so perfect. Jema... I don't know what to do. Ayaw talaga kitang saktan pero I also feel the need to find myself." Patuloy ni Deanna.

Kumalas sa pagkakayakap si Jema at humarap kay Deanna. Napansin ni Deanna na may tumulong luha mula sa mata ni Jema.

"See, I really don't want to see you like that. Lagi na lang kitang nasasaktan." Deanna said.

"It's not your fault and this is not because nasasaktan mo ako. I understand your situation kaya nga sana ayaw kong madaliin ang lahat for you. I wanted it one step at a time. I want you to be happy and honestly I want you really recover and not just depend sa kung anong sinasabi ko or ng ibang tao." Jema explained.

Nagkatitigan sila.

"Then let me be.... I want to be sure about my feelings and uncover things on my own." Deanna said.

My FirstWhere stories live. Discover now