Chapter 52

9.3K 210 27
                                    

Puwesto na ang first 6 sa loob ng court. Sumigaw si Aly, "Let's go girls!" Sabay palakpak.

Nagserve na ang kalaban at mabilis naman itong nareceive ni Jema at napasa ng maayos kay Deanna. Sinet ito ni Deanna para mapalo ni Alyssa.

"Ateneo got their first point!" sabi ng commentator.

"Nice one guys!" Commento ni Aly ng magregroup sila after ng puntos. Nagkatinginan naman sina Jema at Deanna. Agad naman ngumiti si Deanna sa dalaga.

Nagserve na si Deanna. Nakailang balik ang bola bago ito napatay ni Amy.

Score 2-0 ALE

Nagserve uli si Deanna pero mabilis na nagawan ng paraan ng kalaban para makuha nila unang puntos. 

Score 2-1 ALE

Habang naglalaro ay napapansin pa din ni Deanna si Jema.

Ang steady ng first ball ko kaya hindi mahirap iset kahit sa middles ko. Isip ni Deanna.

"De Leon scores! Ateneo leading 16-12." sabi ng commentator.

"Thanks sa B-quick Deanns!" Bati ni Bea kay Deanna ngmagregroup sila.

Technical Timeout

"Girls, we are doing great, good job Galanza sa first ball. Wong - try to vary yung pagbigay mo ng bola para maiwasang maanticipate ng kalaban. Jho - wag ka matakot pumalo because you're doing good." Sabi ng coach nila habang nagrerehydrate sila.

"Deanns, pag may chance, score on your own. Pag alanganin ka sa spikers mo ipush mo lang, basta wag kalimutang tumingin sa kabila para maiwas mo sa possible blockers or baka may coverage sila. You're doing great. I am proud of you!" Ani Jia.

Tumango lang si Deanna.

Grabe pala ang pressure ni ate Jia. Masaya ako because I'm playing with my original position kaya dapat galingan ko pa. Isip ni Deanna bago sya tumayo.

"Ateneo!" Sigaw ng coach nila.

"Heartstrong!" Sigaw ng mga players.

Magkatabi sina Deanna at Jema bago pumasok sa court.

"May need pa ba akong iadjust Deanna?" Tanong ni Jema.

Deanna smiled and replied, "Ang galing mo actually. Napapahanga mo ako!"

Napangiti naman si Jema at halatang kinilig. Pumito na ang referee hudyat na simula na uli ng laro.

"Focus girls! Let's do this!" Sigaw ni Aly.

Nagserve naman si Jho. Nakailang balik ang bola sa pagitan ng dalawang kopunan pero naipanalo ng lady Eagles ang unang set.

Tinapik ni Jia si Deanna pagkabalik nito sa bench at sinabi, "You're doing good Deanns. patuloy lang. Wag kang matakot magrisk. Alam ko you are also trying to give more chances kay Jho because it's her last game but don't forget your middles okay?"

Tumango naman si Deanna.

Maya maya pa ay nagsimula na ang 2nd set.

Nakuha ni Jema ang first ball pero alanganin kaya si Aly ang nagset at binigay kay Jho. Nablock ito ng kalaban pero nakuha agad ito ni Jema at pinasa kay Deanna. Sinet ni Deanna ang bola and Aly did a crosscourt hit.

"That's a perfect angle! Iba talaga si Valdez!" Sabi ng commentator.

Masayang ng regroup ang mga lady eagles.

Nagpatuloy namang ang laro sa pagitan ng dalawang team. Mas tumatagal din ang palitan ng bola at halatang gustong bumawi ng kalaban.

Score: 21-20 ALE.

My FirstWhere stories live. Discover now