"Deanns!! Gising Deans!!" Sigaw ni Ponggay habang ginigising sya nito.
Naalimpungatan naman si Deanna at binuksan ang isang mata.
"Tayo na Deans, malalate tayo sa morning practice! 30mins na lang!" Sabi ni Ponggay.
Nabigla naman si Deanna kaya dali itong bumangon kinuha ang towel at dumiretso sa bathroom.
"Deans, wash up ka lang, ayaw ko ng extra laps! Dali na dyan!" sabi ni Ponggay habang kinakatok ang pinto.
Agad namang tinapos ang pagprep ni Deanna at kinuha ang bag nya at pahabol na sinusundan si Ponggay palabas ng dorm nila.
"Takbo na tayo Deanns, 5 minutes na lang!" Sigaw ni Ponggay at nagsimula ng tumakbo.
S*** bakit ba kasi hindi ako nagising ng maaga, ayaw ko talaga ng naghahabol eh.
Tumakbo na din si Deanna kasunod ni Ponggay.
Papasok na sila sa oval ng biglang may napansin si Deanna na kumaway sa kanya kaya triny nyang lingunin pero may nakabangga sya dahilan para mapahiga sya.
"Deanns, okay ka lang?" tanong ni Ponggay habang tinutulungan sya nitong tumayo.
Agad naman inayos ni Deanna ang sarili at tumango kay Ponggay.
Hinanap ng mata ni Deanna kung sino nabanga nya.
"Sorry ahh!" Nahihiyang sabi ni Deanna sa kaharap nya.
"Wala yun, ingat ka na lang next time." Sabi ni Maddie.
Deanna forced a smile while Maddie walked away papunta sa mga Lady Eagles.
Ang ganda naman nya. First time ko syang nakitang nakalugay ang mahabang buhok. Inisip ni Deanna habang sinundan ng tingin si Maddie.
"Hoy! Ano tatayo na lang tayo dito? Or hindi mo na mapigilan kasi sobrang ganda nya?" Natatawang saway ni Ponggay.
Tinaasan na lang ng kilay ni Deanna si Ponggay at lumakad na sila para sumama sa huddle ng Lady Eagles.
Pinag stretching sila tapos pinatakbo ng ilang laps sa oval.
Habang tumatakbo.
"Pongs?" Mahinang sabi ni Deanna.
"Oh?" sagot ni Ponggay.
"Si ate Maddie ba sinong karoommate?" Tanong ni Deanna.
"Si ate Jho ang alam kong roommate nya? Bakit?" Sagot ni Ponggay
"Wala naman... Magkayear ba si ate Jho and ate Maddie?" tanong uli ni Deanna.
"Yes, magkakasama sila nila ate and Bea." Sagot ni Ponggay.
"Bestfriends ba si ate Jho and ate Bea?" Tanong uli ni Deanna.
"Ahm, siguro..." Natawang sagot nito.
"So juniors sila then sila ate Ly , ate Jia and ate Amy mga seniors?" tanong uli ni Deanna.
"Yes! Pero teka bakit angdami mong tanong?" Ponggay asked with a questioning look.
"No-nothing... I just want to know them kasi diba teammates natin sila." Deanna explained.
Ngumiti lang si Ponggay.
"Pongs?" Deanna said.
"Yep?" Ponggay responded.
"Someone was waiving kanina kaya ko nabunggo si ate Maddie. And I feel guilty so I want to make some bawi." Deanna exclaim.