Pagkapasok ng sasakyan nila sa gate ay humigpit ang pagkapit ni Jema kay Deanna. Napansin naman ito agad ni Deanna so she said, "Hey, it'll be okay..." Tumango lang si Jema as a response.
Hininto sila sa harap ng main door ng bahay ng mga Wong. Mabilis na lumabas si Deanna tsaka inalalayan ang kasintahan palabas ng kotse. Kumapit si Jema kay Deanna habang naglakad sila papasok sa bahay.
Ramdam naman ang kaba ni Jema so Deanna squeezed her hand to give her assurance. Jema tried to smile. Before Deanna opened the door, she turned to Jema at hinawi ang buhok nito.
"Love, trust me okay. Just listen well. I love you. Always!" Deanna said then kissed Jema on the lips. Jema hugged her after.
Deanna opened the door and saw their parents sitting on the couch. Deanna went to her parents first and payed respect then kissed them. She did the same to Jema's parents. Jema followed her and did the same to her parents then to Deanna's parents.
The couple sat in front of their parents.
"We're glad andito na kayo." Bati ng mama ni Deanna.
"May dinaanan lang kami Ma. Sorry to keep you waiting po." Deanna said.
"Kamusta ang flight nyo?" Tanong naman ng papa ni Deanna.
Tumingin naman si Deanna kay Jema kaya si Jema na ang sumagot.
"Okay naman po tito. Maganda din naman po ang panahon eh." Jema said.
"Mabuti naman kung ganun." Sabi ng mama ni Jema.
"Kailan pa po kayo nakauwi ng Pilipinas ma?" Tanong ni Jema sa ina.
"Kakarating lang namin nung isang araw. May mga inasikaso lang kami ng papa mo tsaka sabi din naman ni Deanna na dadalaw kayo dito kaya hindi na kami pumunta sa Manila." Sagot ng mama nya.
"Deanna, sigurado ka bang itutuloy mo ang pagvovolleyball mo? Kasi magmemerge na ang company namin ng papa mo. Darating ang panahon na ikaw na din ang magmamanage ng companya natin." Tanong ng papa ni Jema.
"Yes po tito. Lulubusin ko na po muna ang paglalaro habang kaya pa. Tutuparin ko naman po ang pangako ko sa inyo ni Dad na pagdating ng panahon, ako po ang mamamahala. I'm sure magiging okay po yun kasi magaling po ang dalawa kong mentor ko." Masayang sagot ni Deanna looking at her and Jema's dad.
"Sabi ko sayo pare eh. Deanna is goal oriented. Good thing mukang okay na sila uli ng anak mo." Deanna's dad said.
"Teka, totoo ba ang nakikita namin? Naibigay mo na uli ang singsing kay Jema?" Tanong ng mama ni Deanna.
Ngumiti si Deanna at hinawakan ang kamay ni Jema kung saan nakasuot ang singsing at itinaas ito ng bahagya. Jema just gave an awkward smile na parang nahihiya din.
"Eh wala na naman pala tayong kailangang pag-usapan. Tuloy na tuloy na ang pagmemerge ng Wong and Galanza Industries" Masayang sabi ng papa ni Jema.
"Halika na at ng makapag tanghalian na tayo." Aya ng mama ni Deanna.
Lumapit naman si Deanna sa mama nya at yinakap ito and said, "Thank you Ma." bago ito tumabi uli kay Jema.
Pagdating nila sa dining hall ay agad na inalalayan umupo ni Deanna si Jema sa tabi nya. After nilang magdasal ay nagsimula na silang kumain. Inasikaso naman ni Jema si Deanna sa pamamagitan ng pag lalagay ng pagkain sa plate nito.
"Masaya namang pagmasdan ang mga anak natin..." Sabi ng Papa ni Jema kaya natigil si Jema at Deanna at napatingin dito.
Ngumiti naman ang papa ni Deanna and said, "Jema, iha, alam kong isa ako sa mga nakapagpahirap sa inyo and I want to apologize. Tanggap ko na naman ikaw talaga ang mahal ng anak ko. Sana ay mapatawad mo ako sa mga ginagawa ko para mapaghiwalay kayo. Nadamay ko pa ang kaibigan nyong si Maddie. Ginamit ko ang kahinayaan nya para mapapayag sa mga plano ko."