Maagang nagising si Deanna mga 4:00AM pa lang. Nagstretching sya konti bago nagshower at nagready para sa training nila.
Exactly 5AM ng umalis si Deanna sa dorm at nagjog ito papunta sa BEG.
Buti na lang mukang walang stalker. Pero for now on, I will ignore them or even entertain the thought na may stalker. Bahala sila. If they want to talk to me, they need to make the first move. Wala naman sense na magworry or pag-aksayahan ko sila ng panahon.
Pagpasok ni Deanna sa BEG agad naman nitong kinuha ang isang bola after ibaba ang mga gamit.
Nagwalling si Deanna.
Since libero naman ang magiging role ko might as well work on my receives and digs. Basic lang to pero sa totoo lang excited na ako maging excellent na libero. If this is my ticket to UAAP and the national team, well, I have to start early.
"Seryoso naman!" Asar ni Ponggay.
Napangiti lang si Deanna at tinigil ang ginagawa.
"Walang pang training pero pawis ka na. Mukang competitive ka ahh..." Sabi ni Ponggay sabay kindat kay Deanna.
Natawa lang si Deanna.
"Tara drills na daw tayo sabi ni ate Aly." Aya ni Ponggay.
Sumama na nga sila Deanna and Ponggay sa ibang members ng ALE at nagsimula na ang mga drills.
"I like your never say die attitude Deanna! Need namin sa team yan. After Denise, feel ko, we really have a good chance with you. Patuloy lang ang hardwork and training, for sure it will pay off. Work on your eye and foot work. It will really help you. No doubt naman na focus ka kaya konting polish na lang." Sabi ng coach.
"Thanks coach! I will do my best po." Tugon ni Deanna.
"Nice one Deanns. Mukang happy sila sa performance mo ah." Sabi ni Pongs.
"Thanks Pongs, I really need to focus eh. Ang pagiging setter kasi talaga ang aim ko pero baka may plan si Lord why ang pagiging libero ang binigay sa akin. Anyway who can top ate Jia naman db?" Deanna's response.
"Sabagay, everything happens for a reason nga daw. Malay mo, pag grumaduate na si ate Jia, ikaw na papalit." Nakangiting sabi Ponggay.
Ngumiti lang si Deanna.
Sana. Sana kayanin ko. But for now, embrace ko muna tong pagiging libero. I may not give them points but I can prevent the other team na makapuntos. It's not that bad afterall.
After ng practice, dumiretso na sila Deanna sa classroom nila.
"Algebra na naman! Waaaaa, pwede bang wag na lang pumasok?" Sabi ni Ponggay kay Deanna pagka-upo nila sa classroom.
Natawa lang si Deanna kay Ponggay.
Mahirap naman talaga ang algebra pero if nakaya nga yan ng iba, syempre we can do it too. I'm sure we'll figure out a way para mapasa tong subject na to.
After class, dimiretso na sila ni Ponggay sa cafeteria. Masaya silang nagkwentuhan.
"Pongs! Nakasalubong ko si ate Jia kanina, sabi nya tayo daw magkasama sa room. Ayaw daw kasi ni ate Therese ikaw kasama kaya ako na lang daw." Excited na sabi ni Deanna.
"Buti naman! Para maiba naman at lagi na lang kami magkasama nun ni ate." Huminga ng maluwag si Ponggay.
"So mamaya ayusin mo na gamit mo." sabi ni Deanna.
"Si ate na daw bahala. Nasa car na nya kanina mga gamit ko eh." Sagot ni Ponggay.
"At least may makakasama na ako. Hirap kaya mag-isa." Natutuwang sabi ni Deanna.
Naglakad na si Deanna and Ponggay papunta sa next subject. Kwentuhan sila about sa Nancy Drew mystery stories. Natigilan si Ponggay na maglakad dahil may isang babae sa harap nila. Napansin ito ni Deanna kaya iniwasan nya lang ito at pumasok sa loob ng room nila.
Umupo lang si Deanna na nakangiti pa din at binuksan ang libro. Napakunot noo naman si Ponggay kasi parang walang pakialam si Deanna.
"Hoy J! Natulala ka na dyan. Tara na!" Sabi ni Joy.
Hinatak naman si J ni Mylene.
"Ang cute kasi nya eh!" Sabi ni J
"Hay naku, sobra na yang pagkacrush mo dyan ahh." Sabi ni Mylene.
"Astig nya kasi eh, galing magvolleyball tapos sobrang ganda pa. Nakikita mo ba yung ngiti nya tuwing hahawiin nya yung buhok nya then isang matamis na ngiti! Waaaaaaa!" Kilig na sabi ni J.
Binatukan naman ni Joy si J.
"Aray!" sabi ni J
"Wake up kasi girl! Tingin ko straight yung crush mo eh." Sabi ni Joy.
"Pano mo naman nasabi?" J asked.
"Feel ko lang. Mukang walang interest sa babae din!" sagot ni Joy.
"Bakit ba kasi sa dami ng may crush sayo J, eh sa babae ka pa nagkagusto?" Tanong ni Mylene.
"Eh sa mas attracted ako sa girls eh. Tsaka iba ang dating ni Deanna Wong! Yung puso ko sobrang bilis everytime na nakikita ko sya." Kwento ni J.
"Lakas talaga ng tama mo!" Sabi ni Joy.
"So anong balak mo?" Mylene asked.
"Well, I'm thinking of... Ahm... wala! Basta for now, masaya naman na ako na Makita sya from a distance. Siguro if magkalakas ako ng loob, I will approach her one day and asked her to be my girl." J said.
"Wow! To be your girl agad! Iba din!" sabi ni Joy.
Nagtawanan naman silang 3 at pumunta na sa classroom nila.