Chapter 11

11K 186 11
                                    

Nagising si Deanna ng may marinig na katok mula sa pinto. Nilingon nya si Pongs at tulog na tulog ito.

"Deanna? Deanna?"  Sabi ng kumakatok.

Agad namang bumangon si Deanna at binuksan ang pinto.

"Ate Jia?" bungad ni Deanna.

"Hello! Naku sorry nagising ata kita." Jia said.

"Naku ate, okay lang. Bakit po pala?" Tanong ni Deanna.

"Ahhh. Yeah, may nagpapaabot sayo."  Sabi ni Jia habang inaabot ang isang bag na may label na Tori Chizu.

"Kanino galing ate?" Nagtatakang tanong ni Deanna.

"Hindi ko alam eh, inabot lang ng guard may nagpapabigay daw sayo. Nakita ko may papel tapos name mo." Sagot ni Jia.

Kinuha naman ito ni Deanna.

"Thanks ate."

"Enjoy!" sabi ni Jia at umalis na.

Nagtataka pa din si Deanna kung kanino galing, nilapag nya sa table at kinuha ang note.

To: Deanna Wong

Plinip nya yung part ng note na nakatupi to read the remaining message.

Hi! Enjoy the food. Sana talaga magustuhan mo.

Anyway, good luck sa training mo sa volleyball and hope to watch you compete with other schools soon.

You're #1 fan,

#15

Mixed emotions si Deanna pero napangiti pa din sya.

Kanino kaya to galing? Fan agad? Eh kakapasok ko pa lang sa team, wala pa nga kaming game eh. Pero mukang masarap yung food. Effort galing pang Tori Chizu. Iniisip ni Deanna habang binubuksan ang laman ng bag.

Oi, mainit pa mukang bago pa lang.

Pagkabukas nya nakita nya chicken.

Wow! Favorite! Lalo syang napangiti.

Chineck pa nya yung ibang laman. May pasta, cheese sauce at may rice pa.

Tuwang tuwang nilatag ni Deanna ang food na parang bata.

Ang dami naman, parang alam nung nagbigay mga paborito ko at malakas ako kumain. Natawang naisip nya.

"Ambango naman. Ano yan? Food! Penge!" Biglang sabi ni Ponggay habang bumabangon sa kama nya.

"Gising ka na pala, tara kain Pongs!" masayang aya ni Deanna.

"Nagpadeliver ka? Andami ahh!" Sabi ni Ponggay habang lumalapit kay Deanna.

"Hindi ako nagpadeliver." Masayang sabi nito habang sinusimulang kumain ng chichen.

"Eh kanino galing yan?!" Tinaasan ng kilay ni Ponggay si Deanna.

Napatigil naman si Deanna sa pagkain.

"Ahm, hindi ko nga alam eh. Pero may note nakapangalan sa akin. Sabi ni ate Jia may nagpaabot daw." Kwento ni Deanna.

"Eh pano kung may lason yan?!" Mataray na tanong ni Ponggay.

"Hindi naman siguro, mukang fresh naman from the restaurant eh." Sagot ni Deanna at pinatuloy ang pagkain.

Kinuha naman ni Ponggay ang note at binasa ito.

"Fan? Meron ka agad na fan?" Sabi ni Pongs habang tinitingnan si Deanna.

Tumango lang si Deanna.

"Wow! Ikaw na Deanna Wong! May fans agad wala pang laro!" Natatawang sabi ni Ponggay.

Napangiti na lang si Deanna at pinagsaluhan nila ang food na nakalatag sa harap nila.

Nagkwentuhan at nagtawanan lang sila habang iniisip pa din ni Deanna kung sino ang nagbigay ng food.

After eating, niligpit ni Ponggay ang pinagkainan nila. Nilabas nya yung mga basura at pumunta sa kitchen para itapon.

Nakasalubong ni Ponggay si Jia.

"Hi ate Jia!" Masayang bati nito.

"Oh bakit dala mo yan?" Jia asked.

"Ahhh tatapon ko na ubos na eh." Sagot ni Ponggay.

"Masarap ba?" Tanong uli ni Jia.

"Ay uu ate! Tuwang tuwa nga si Deanna eh. Favorite daw nya ang chicken eh." Natatawang kwento nito.

"Ahhh, buti naman." Sabi ni Jia.

"Alam mo ba kung sino nagbigay?" tanong ni Ponggay kay Jia.

"Wala ba sa note?" 

"Ahm, fan lang nakalagay pero walang name eh." Sabi ni Ponggay.

"Hello ate Jia!" Masayang bati ni Deanna.

Ngumiti lang si Jia at tinapon na ni Ponggay yung basura.

"Ate Jia, sana malaman ko na kung sino nagbigay para makapag thank you naman ako." Saad ni Deanna.

Natawa lang si Jia.

"Naku Deanns, malay mo magpakilala din yang #1 fan mo!" Panunukso ni Ponggay.

Dumating naman si Aly.

"Tara guys, nood tayo ng movie. Bonding na din." Aya ni Alyssa.

Sumunod naman ang 3 sa kanya sa common room.

Andun na ang ibang members ng ALE.

Umupo si Pongs sa tabi ng ate nya and since wala ng space umupo na lang sya sa sahig.

"Ai sorry!" sabi ng nakatama sa kanya.

Nilingon naman ito ni Deanna.

"Hi! I'm Jho! Pasensya na ahhh ang harot kasi ni Bei eh!" Nahihiyang bulong nito.

"Hi Deanns! Sabi na makakapasok ka sa team eh!" sabi naman ni Bea.

Ngumiti naman si Deanna sa dalawa. Napansin nya ang closeness ng dalawa.

Ang clingy nila. Siguro magbest friend. Isip nito bago ibalik ang focus sa pinapanood.

Medyo nadidistract si Deanna dahil sa giggle at harutan ng 2 katabi nya. Gusto man yang sawayin kaso hindi nya magawa.

"Hoy! Umayos kayo, ingay nyo!" Pabulong na sermon ng kung sino man yung nakaupo sa coach sa likod nila.

Nilingon ito ni Deanna at nakita nya si Maddie. Tiningnan naman sya nito and mouthed Sorry.

Napasmile lang si Deanna at tumango.

Nang matapos ang movie, nakipagbeso silang lahat bago pumasok sa kanya kanyang room.

Naprep naman agad si Deanna para makatulog na.

Pagkapikit ni Deanna, bigla nyang naalala yung nakita nyang babae sa labas ng dorm kanina.

Sino kaya yun?

At nakatulog na lang sya sa kakaisip.

My FirstWhere stories live. Discover now