"Jho, let's just talk about it. Hindi alak ang solution." Jema answered Jho's request.
"Jema please. I just really need it." Jho begged.
Nagkatinginan uli si Deanna at Jema.
"Please Jema and Deanns. Just for tonight. I will explain everything." Jho begged again with tears in her eyes.
Nagkibit balikat si Deanna dahilan para kumunot ang noo ni Jema.
"Okay fine! I'll check what we have but we need to stay sa room. Cool?" Jema announced.
Tumango lang si Jho at Deanna.
Jema went back to the kitchen to check kung meron silang alak.
"Ate Jho? I really wish I can help you." Deanna said to break the silence while waiting for Jema.
"Thank you Deanns. I know we haven't talk that much tapos ang first convo pa natin is about sa heart aches ko. So I am really grateful to you for staying by my side." Jho replied.
"Close ba talaga kayo ni Jema?" Deanna asked.
"Hindi man halata but among all the other Lady Eagles, kami ni Jema ang unang magkakilala. We met before sa junior league and we became good friends since." Jho explained.
"Ahhh so parang you decided to enroll sa same school?" Deanna asked.
"Not really, our school offered a scholarship to Jema. She's really good kasi eh. Ako naman, I decided to follow her." Jho answered.
"Sabagay, I think she's really smart and talented." Deanna commented.
"Sinabi mo pa! Lahat na ata ng clubs nasalihan nyan eh. Very versatile and ang daming alam." Napapangiti na sabi ni Jho.
Natawa naman ng bahagya si Deanna.
"Ako ba pinag-uusapang nyo?" Nakangiting tanong ni Jema pagkabalik nito at may bitbit na, na isang bottle ng whisky.
Sumagot lang ng ngiti si Deanna, while Jho stood up and grabbed the bottle na dala ni Jema.
"Hey! Uhaw?!" Sigaw ni Jema habang lumakad papalayo si Jho at paakyat sa kwarto ni Jema.
"Do you want more milk Deanns? Or anything bago tayo umakyat?" Jema asked.
"No, thanks!" Nakangiting sagot ni Deanna.
Tumango lang si Jema at sumunod na silang naglakad pabalik sa kwarto ni Jema.
Agad na umupo sa sahig si Jho at sinandal nito ang likod sa gilid ng kama ni Jema. Umupo naman si Jema sa tabi nito habang si Deanna at nag Indian seat sa harap nila.
Ngumiti si Jho at binuksan ang bote tapos ay tinungga ito. Agad naman siyang pinigil ni Jema ng makilang lagok na ito.
"Hey! Not too much! Hindi naman yan pag isang shot lang! Bote yan noh! Dahan dahan lang." Saway ni Jema.
"I missed you Jema ko!" Sabi ni Jho.
"Namiss? Eh nagkikita naman tayo sa school ahh? Ano yan lasing agad, nakakaisa ka pa lang." Natatawang sagot ni Jema.
"Bakit di mo ba ako miss? Wala na ako laging kadamay. Wala na akong katabi na makakausap ko about sa mga kilig moments ko kay Bei!" Patuloy ni Jho.
Lumagok muli si Jho ng alak.
Napangiti lang si Jema habang nakikinig at pinapanood lang sila ni Deanna.