"Ate Madds, wait. Naiwan ko yung water bottle ko sa kotse ni Jema. Balikan ko lang baka di pa siya nakakaalis." Nagmamadaling paalam ni Deanna.
Pagkatango ni Maddie ay mabilis na tumakbo ito papalabas. Nakita ni Deanna na andun pa din ang kotse ni Jema kaya lumapit siya agad.
Since nakababa ang windows ng driver and passenger side, babatiin na sana nya sina Jema at Jia na nasa loob pa din ng kotse. Pero natigilan siya ng marealize na seryoso ang pinaguusapan ng dalawa.
Gumilid sya para hindi mapansin ng dalawa, at nakinig siya sa pinaguusapan ng mga ito.
"Don't get me wrong Jema. Naiintindihan kita. Pero hindi ba mas magiging better if maging part ka uli ng team? In that case mas madalas mo ng makakasama si Deanna. Imagine sa dorm ka everyday and if you want I can ask Ly na same room pa kayo. You can focus kay Deanns and beside, alam kong matagal mo ng pangarap na makalaro si Deanna diba? Diba gusto nyo ni Deanna maging champion? This will be our chance so please decide to come back na." Pahayag ni Jia.
So ate Jia wants Jema back sa team?
"I promised Deanna that I will never play volleyball again." Jema replied.
Bakit?
"That's B*&#$&% Jema! Deanna is definitely not in her right mind when she said that. You know very well na pag emotional ang tao, they tend to react and say things they will regret. Tsaka Deanna can't even remember kung ano nangyari before. So kalimutan na natin yon!" napataas na boses ni Jia.
"What if may magsabi kay Deanna? Paano pag naalala nya? Paano pag mainjured ako uli? Paano pag mawala uli sya sa akin?" Jema asked.
What do I need to know Jema? Anong pwede kong malaman for me to stay away from you?
"Ang dami mong what ifs Jema. Mahal mo pa din ba ang volleyball?" Jia asked aggressively.
"Syempre naman. First love ko ang volleyball!" Sagot ni Jema.
So totoo nga yung dream ko, she plays volleyball too. Pero bakit ka ba nagstop? Dahil sabi ko? Why will I stop you from ding what you love? Eh gusto ko din naman ang volleyball?
"Mahal mo ba si Deanna?" Jia asked boldly.
"Sobra!" Emotional na sagot ni Jema.
Nakakunot pa din ang noo ni Deanna habang nakikinig.
"May nararamdaman ka pa ba kay Maddie?" Jia asked in a low tone.
Natigilan naman si Jema and looked at Jia.
Deanna felt her heart beats faster, waiting for Jema to answer the question.Were you in love with ate Maddie too?
"Jia please, tapos na yun. Wag na nating pag-usapan." Sagot ni Jema.
Napabuntong hininga si Jia, "I don't know Jema ahhh. But I'm hoping you get things right this time. This is another chance for you. Kaibigan ko din si Deanna, kayong lahat. Ang dami nyong issue sa buhay! Simple lang naman sana eh. Ipagtapat ang katotohanan sa lahat ng involved and accept natin mga pagkakamali then move on."
"Jia, you don't understand. Hindi ganun kadali yon. I lost Deanna twice and I won't let it happen again. Maddie will always have a special place in my heart. Pero I'm sure na si Deanna ang pinipili ko." Jema said.
"Pinipili mo ba sya kasi alam mong wala ng pag-asa kay Maddie? O dahil pareho nating ramdam na iba na yung Deannang kasama natin? O dahil hangang ngayon, guilty ka pa din at sinisisi mo pa din ang sarili mo sa nangyari kay Deanna kaya pilit mong pinaparusahan ang sarili mo?" Jia asked.