Chapter 8

12K 211 11
                                    

Matapos ang class ni Deanna at Ponggay, agad silang naglakad papunta sa Cafeteria.

"Hoy kanina ka pa malalim iniisip ahh?! About pa din ba sa stalker mo?" Tanong ni Ponggay.

Tiningnan lang ito ni Deanna na nakakunot ang noo.

Naiinis kasi ako eh, lowkey nga lang ako and I don't really like being in the spot light. Simple lang naman ako, just want to do the things that I love. I don't want a stalker, no, I don't need a stalker!

Tahimik pa din ang magkaibigan while getting some food and finding a seat sa cafeteria.

Napansin naman ni Deanna na busy si Ponggay sa kakatext.

"Busy ahh?!" Sabi ni Deanna kay Ponggay to break the silence.

"Mga friends ko lang dati nag-aaya sila sa weekend magswimming." Sagot ni Ponggay.

"Ahh ganun ba, sasama ka?" Deanna.

"Ahmm, not sure pa eh. Nga pala Deanns, wala akong phone number mo. Save mo dito dali." Sabi ni Ponggay habang inabot ang phone nya.

Kinuha naman ito Deanna and keyed in her CP number bago ibalik sa kaibigan.

"Wag mo akong itetext pag hindi importante ahh..." Natatatawang sabi ni Deanna.

"Ai bakit naman? Hindi ka unlimited text?!" Pabirong sabi nito.

"I just don't use it unless emergency. Mas feel ko pa din makipag-usap in person." Sabi ni Deanna.

"Seriously Deanns? Makabagong panahon na. Next thing we know we can see each other over the phone na. Ambilis kaya ng evolution ng technology." Sabi ni Ponggay.

"Well, let's wait for that to happen na lang. For now, I prefer talking in person kesa sa text. Tsaka hindi mo ba naiisip na sa text hindi mo totoong mafefeel yung sincerity and truthfulness ng kausap mo." Lahad ni Deanna.

"Old soul ka..." Natatawang sabi ni Ponggay.

Deanna smiked lang at tinuon ang pansin sa kinakain.

"Deanns, ayan na yung stalker mo." Bulong ni Ponggay sa kanya.

Na-alert naman si Deanna at pasimpleng tumingin sa paligid.

"Wala naman eh..." Sagot ni Deanna.

"Nasa harap na table!" Sabi ni Ponggay sabay nguso.

Napatingin naman si Deanna sa harap at nakita ang 3 babae. Nang nakita yung 3 na nakatingin sya, agad silang tumakbo papalabas ng cafeteria.

Napasmirk naman si Deanna.

"Naku Deanns, tinakot mo ata!" Natatawang sabi ni Ponggay.

Napangiti lang si Deanna.

"Teka bakit parang kanina, nadisappoint ka nung hindi mo agad nakita?" Nang-aasar na tanong ni Ponggay.

"Hindi ah!!! Ndi ko kasi mamukaan eh, kaya gusto ko makita para maiwasan ko." Depensa ni Deanna.

"Ai naku Wong, baka mamaya one day maging kayo pa!" Tuloy na pang-aasar ni Ponggay.

Napatingin naman si Deanna kay Ponggay at tinaasan ng kilay.

Sasagot sana si Deanna pero hinatak na sya ni Ponggay patayo.

"Tara na dali, baka malate tayo sa next subject." Aya ni Ponggay.



MAPEH ang next subject nila.

"Let's talk about one of the most common instruments. For this grading, focus tayo sa guitar." Paumpisa ni Ms. Gomez.

"Naku, hirap naman gitara pa." Malungkot na sabi ni Ponggay.

"Anyone here who knows how to play the guitar?" Ms. Gomez asked.

Walang nagtaas ng kamay. Nakayuko lang si Deanna.

"Ms. Wong? Care to play one song for us?" Sabi ni Ms. Gomez

Napatingin naman si Deanna sa teacher at walang nagawa kundi abutin ang gitara at umupo sa harap ng mga classmates.

"Pasensya na ahh, medyo nangangalawang na." Sabi ni Deanna bago magsimulang ang paggigitara.

🎶Plucking ng More Than Words🎶
🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸🎸

Nagpalakpakan ang mga classmate ni Deanna pagkatapos kaya umupo agad si Deanna after ibalik sa teacher ang gitara.

"Wow! Ang galing mo Wong! May hidden talent ka pala. Wala pang kanta yan ahh." Namamanghang sabi ni Ponggay.

Nakangiti lang si Deanna. Nakita naman nya na may nagtakbuhan sa labas ng classroom nila. Kaya madaling nawala sya sa mood.

Don't tell me kahit pati sa class, they are stalking me. Nakakainis na ah. If they want something bakit hindi na lang nila ako kausapin. Nakakaparanoid na.

"Homework: Draw a Guitar and label its parts. Bring a copy of the basic guitar cords and if may gitara kayo next meeting. Bye class!" Sabi ni Ms. Gomez before leaving the room.

"Deanns? Bakit alam ni Ms. Gomez na marunong kang maggitara?" Tanong ni Pongs habang nag-aayos sila ng gamit.

"Kasi isa sya sa mga nag-interview sa akin, when I enrolled here." Sagot ni Deanna.

"Ahh kaya pla. Baka may ibang talent ka pang hindi ko alam? Nakakashock eh. Remember bestfriend mo ako kaya dapat I know and maybe in the future ako na talent manager mo." Sabi ni Ponggay.

"Sira! Ahhmm... Wala na akong ibang alam." Natatawang sabi ni Deanna.

"Nga pala Deanns, sabi ni ate Therese, bukas iaannouce daw sa dorm yung room assignment kasi gusto ni Coach, settled na lahat by this week." Sabi ni Ponggay.

"Walang problema sa akin Pongs, dun na ako nagsstay eh, ikaw lang ang need magprep." Sagot ni Deanna.

"Sana tayo na lang roomie." Sabi ni Ponggay bago pa sila nakalabas sa building.

Nagpa-alam na si Ponggay at sumakay sa kotse ni Therese at naglakad naman si Deanna papunta sa dorm.

Habang naglalakad na pansin na naman nya yung 3 babae na sumusunod sa kanya. Binilisan nya ang lakad. At agad na pumasok sa loob ng dorm.

Hindi nyo ba talaga ako tatantanan?! 

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

I'm still building Deanna's character, after  you'll find out kung sino yung stalker. 😉

Let me know your thoughts, comment below. 😊

My FirstWhere stories live. Discover now