"Hey Deanns!" Pongay shouted while Deanna was startled.
"What are you looking at ba? Iniwan mo kami sa common room. Ate Mads was looking for you." Ponggay continued while approaching Deanna near the window.
Hindi naman inalis ni Deanna ang tingin sa babae na nasa labas kahit na may kasama na ito. Nagulat man sya sa sigaw ni Ponggay, but it did not stop her from gazing.
I don't know you yet but I have this feeling na gusto kitang makilala. Sino ka ba? And bakit ka laging nasa tapat ng dorm. Do you also stay here?
"Deanns! Naririnig mo ba ako? Sobrang lalim naman ata ng iniisip mo." Ponggay said habang inakbayan si Deanna at tumingin kung saan man ito nakatingin.
Tahimik pa din si Deanna.
"Is that the girl?" tanong ni Ponggay.
"What girl?" Tanong ni Deanna ng marealize na kinakausap pala sya ni Ponggay.
"You are too pre-occupied Deans. Sino ba yang tinitingnan mo?" Ponggay said.
"Hindi ko din kilala eh." Matipid na sagot ni Deanna.
Pinagmasdan lang nila ang babae and for the first time lumingon ito sa gilid at nasilaya ni Deanna ang ngiti nito.
Cute! Wait, tama ba iniisip ko? Cute smile! I need to see your face...
Nakita nilang umalis na ito kasama nung lalaki.
Tumalikod na si Deanna sa window at naglakad papunta sa kama nya para humiga. Sinundan naman sya ni Ponggay.
"You were saying something kanina Pongs?" Deanna asked.
"Natamaan ka noh?!" Panunukso ni Ponggay.
"Ano?!" Gulat na sagot ni Deanna.
Nagkatitigan sila.
"Sabi ko ate Mads was looking for you kanina, share nya daw sana sayo yung ice cream kaso nawala ka. So pinasasabi nya pinagtirhan ka daw nya ng ice cream nasa fridge." Kwento ni Ponggay.
"Ahh yun ba. Thanks Pongs! Mamaya ko na kainin. Pero nakakahiya naman, sa kanya yun dapat pero pinagtirhan pa ako." Deanna answered.
"Si ate Bea kasi eh gusto ubusin!" Natatawang sabi ni Ponggay.
Napangiti lang si Deanna.
Pareho na silang nakahiga sa sarili nilang mga kama. Tahimik lang silang pareho.
"Pongs?" mahinang sabi ni Deanna.
"Yeah?" sagot ni Ponggay.
"Can I trust you?" Deanna asked.
"You know you can." Seryosong sagot ni Ponggay.
Humarap si Deanna sa direction ni Ponggay.
"Pongs? I think there is something wrong with me." Deanna said seriously.
"What made you say that?" Ponggay asked.
"Pongs, nahihirapan akong magexplain because sarili ko din hindi ko maintindihan. But I hope you give me time. I just hope na you'll to be there for me while I try to figure it out. Diba bestfriend kita?" Deanna sincerely asked.
Tumayo si Ponggay sa kama nya at lumapit kay Deanna.
"Halika, let me hug you, maybe it will make you feel better." Ponggay said while hugging Deanna.
Yumakap din naman si Deanna kay Ponggay.
"Thank you Pongs." Mahinang sabi nito.
"Hey, cheer up. Things will get better. Wag ka na sad okay?" Nakangiting sabi nito.
"Tara na prep na tayo for our afternoon class." Aya ni Ponggay kay Deanna.
"Jema!" Sigaw ni Jia habang papalapit dito.
"Oh Jia! Dali magsstart na meeting natin." Sagot ni Jema.
Umupo na si Jia sa seat sa harap ng meeting room.
Lumakad naman si Jema papunta sa gitna para batiin ang lahat.
"Welcome guys to the Theater and Arts club! I'm this school year's president, Jema Galanza. It's an honor and I hope everyone will be help us with all of our projects this year. We'll also need to recruit freshmen who wants to share their talent and skills."
"This club isn't just about acting and stage plays. We also welcome aspiring writers and photographers. Good thing that we have strong connection with other clubs such as the Music club. Let's welcome their president and my good friend, Cy!"
Tumayo naman si Cy at kumaway sa mga nasa meeting.
"I'll give you copies of the list of our club's projects for this school year. Please run through it and I'll be glad to share more details with you later."
Pinapasa na ni Jema ang mga copies. Umupo naman ito sa tabi ni Jia.
"Nagustuhan ba nya yung pizza?" mahinang tanong kay Jia.
"Hindi ko masabi eh, kasi parang naka 2 slice lang sya, shinare nya sa buong team yung food." Kwento nito.
"Aiiii, ambait naman ng baby ko!" Kinikilig na sabi ni Jema.
"Ai! Baby agad! Eh hindi ka pa nga kilala?!" Asar ni Jia.
"Jia naman eh, wag ka mag-alala, soon magkakakilala din kami." Nakangiting sabi nito.
"Ang effort mo naman kasi. Pero dahan dahan lang ahhh. Baka mahalata ako ni Deanna and Ponggay. Mahirap na." Sabi ni Jia.
"Basta help me lang, hindi naman kita ilalaglag." Pagassure ni Jema.
"Tama nga sila Mylene and Joy, ang lakas ng tama mo kay Deanna!" Sabi ni Jia.
"Shhhhsss! Wag ka magname drop! Baka may makarinig." Saway ni Jema.
"Ai sorry naman!" Natawang sabi ni Jia.
"Nga pala Jema, may game kami mamaya, kalaban naming former lady eagles. Maglalaro si D as libero namin." Jia said.
"Bakit libero? Eh diba setter sya?" Nagtatakang sabi ni Jema.
"So pagpapalit mo na talaga ako sakanya!" seryosong sabi ni Jia.
"Hindi naman sa ganun! Alam mo namang matagal ko ng sinusubaybayan ang volleyball carreer nya diba?" sagot ni Jema.
"Yeah I know. And thanks to you kasi, kung hindi mo pinakita kina coach yung mga vids mo ng game nya, they won't even list her." Sabi ni Jia.
"Grabe ka naman. Magaling naman sya. Kahit natalo sila nung sa try-out, makikita mo naman na sinabayan ka nya." Saad ni Jema.
"Makes sense. May laro naman talaga si D pero mas magaling ako diba friend?" Natatawang sabi ni Jia.
"Syempre magaling ka pero mahal ko sya." Jema answered.
Nagtawanan naman sila.
Tumayo na si Jema at pinagpatuloy and club meeting nila.