I'm glad that Jema and I are okay. I was able to tell her naman how I feel and how I want things to happen. Sobrang pinahanga nya ako and sobrang nafeel ko how much she loves me. I admit, ang sarap sa pakiramdam and if gugustuhin ko I can just go on with it. Pero marami pa ding questions sa isip ko. She deserves a better version of me, hindi yung walang alam sa nakaraan. I really want to know what happened before, lalo na't alam ko na I need to be careful because someone is threatening me. Obviously, kilala nya kami ni Jema so I need to protect Jema din. And I think that the only way I can do that is if malaman ko kung ano yung totoo.
Matapos kumain ni Jema at Deanna ay saglit silang tumambay sa garden. Umupo si Deanna sa tabi ng pool at binabad ang paa nito sa tubig. Tumabi naman si Jema sa kanya.
"You used to that. Everytime na nagsstay ka dito sa bahay, after kumain or if you want na tumambay, you always go to this spot." Masayang kwento ni Jema.
Napangiti naman si Deanna and said, "I guess the body remembers..."
"Look at the floor on your right, may nakasulat." Sabi ni Jema.
Deanna curiously checked out and may naka engrave nga that says, '143 always JEMA - DW'
"Ginawa ko talaga to?!" Natatawang sabi ni Deanna.
"Oo, pinagalitan ka pa nga ni Manang nun eh! Pero sabi ko naman okay lang. Ngayon naman di na masyadong halata." Sabi ni Jema.
"I wonder what I was thinking that time but I know I won't do something if I don't mean it." Deanna said before glancing at Jema. Napansin naman nya ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Jema, kaya napangiti na din ito.
Crush mo din ba ako Jema? Natatawang isip ni Deanna.
"Tara sa room mo?" Aya ni Jema.
Tumango lang si Deanna at inalalayang tumayo si Jema. Hindi naman binitawan ni Deanna ang kamay ni Jema. Magkahawak kamay silang pumasok sa bahay at nagtungo sa 2nd floor.
Mula sa kwarto ni Jema ay ilang hakbang lang ang pagitan ng isang pinto na may nakasulat na DW.
"So this should be my room?" Deanna asked.
Tumango lang si Jema at hinayaan nitong buksan ni Deanna ang pinto.
Habang papasok sila, nagsalita si Jema, "Nothing was changed. This is how it is na. Everything in place, the way you left it."
"Thank you." Deanna replied.
Deanna looked around and saw how neat her room was.
This is how I am expecting it. Isip ni Deanna.
She saw na sa isang side ng room ay puno ng mga libro kaya napangiti ito at lumapit dito. She saw a complete set ng Harry Potter books, Nancy Drew Mystery stories at madami pang iba.
"I own this?" Gulat na tanong ni Deanna.
"Yeah, check mo lahat yan may nakasulat." Sabi ni Jema.
"Woah! For sure Pongs will be jealous!" Deanna said excitely as she grabbed a book.
Harry Potter and the Goblet of Fire ang napili ni Deanna at agad niya itong binuksan. Nakita nyang may dedication ito.
To Deanna Wong,
"Understanding is the first step to acceptance, and only with acceptance can there be recovery." - JK Rowling
You know that whatever happens, I'll always be there for you.
Enjoy reading!
- JG