Maagang nagising si Deanna. Hindi pa nag-aalarm pero nakatayo na siya at nagsimula ng maghanda para sa morning practice nila.
Napansin naman niyang mahimbing pa ang tulog ni Maddie sa kabilang kama. Kaya pumasok na lang sya sa restroom to do her morning routine.
Pagkalabas nya ay mahimbing pa din ang tulog ni Maddie. Nilapitan niya ito at pinagmasdan.
Ang ganda mo ate Mads. Ang swerte ni ate Bei sayo.
Hindi napigilan ni Deanna na umupo sa kama at lapitan pa si Maddie. Maingat nyang hinawi ang buhok nitong tumatakip sa pisngi ng dalaga.
Deanna smiled.
I don't know what happened before. Sabi mo may kasalanan ka pero I don't feel anything negative about you. You are so beautiful ate Mads. I really like you.
Papalapit na sana si Deanna pero naramdaman nyang gumalaw si Maddie at di nagtagal ay minulat ang mga mata nito. Ngumiti na lang si Deanna and said, "Good morning!"
Gumanti din ng ngiti si Maddie and said, "Good morning!"
Tumayo na si Deanna at nagpatuloy magready for their morning practice.
"I guess you had a good sleep..." Sabi ni Deanna habang tumatayo si Maddie.
"Yeah! I had a dream, and it was interesting pero nevermind. Anyway, how are you feeling?" Maddie said.
"I'm feeling better ate Mads. Don't worry about me." Deanna responded.
"That's good to hear. I better prepare na for the practice. Balik na ako sa kwarto ahhh?" Maddie asked.
Ngumiti lang si Deanna at tumango.
Timing namang may kumatok sa door and then after few seconds ay bumukas ito at syang pagpasok si Ponggay.
"Good morning guys!" Bati ni Ponggay sa dalawa.
"Good morning Pongs! Alis na ako." Sagot ni Maddie at lumabas na ng kwarto.
Tumango lang si Ponggay.
"How are you Deanns?" Ponggay asked.
"I'm feeling better." Sagot naman ni Deanna.
"Sure ka ba? Or gusto mo muna magpahinga?" Ponggay asked worriedly.
"Magbibihis na lang ako..." Deanna said while smiling and pointing to her clothes.
Napangiti na lang si Ponggay at pumasok na lang sa restroom. While si Deanna nagpalit na ng damit at nag ayos ng bag.
After mag-ayos ni Deanna ay may kumatok sa pinto kaya agad nyang binuksan ito.
"Hi Deanns!" Bati ni Jho.
"Ate Jho..." Nakangiting bati ni Deanna.
"Sabay tayo pumunta sa oval?" Aya ni Jho.
"Sige, paalam lang ako kay Pongs." Sagot ni Deanna.
Timing na lumabas na si Ponggay sa bathroom and said, "Una na kayo Deanns. Sunod na lang ako."
"Okay sige..." Sagot ni Deanna.
"Thanks Pongs!" Paalam naman ni Jho.
Magkasabay si Deanna at Jho na lumabas sa dorm at naglakad papunta sa oval.
"Kamusta ka Deanns?" Tanong ni Jho habang naglalakad sila.
Ngumiti naman si Deanna and said, "I'm feeling better ate Jho."
