Chapter 21

10.9K 213 13
                                    

"Hi everyone!" Masayang bati ni Jia sa lahat habang kumakain ang grupo nila Deanna at Jema sa cafeteria.

"Oh Jia! Tara kain." Aya ni Jema.

"I'm good. Kumain na kami nila Cy. Kakatapos lang naming iprepare yung mga booths para sa Club Prezi mamaya." Sagot ni Jia.

"Ate Jia, tuloy yung practice mamaya diba?" Tanong ni Ponggay.

"Yes Pongs, after ng club meeting tsaka pa practice since required lahat makapagsign-up sa mga clubs. So may naiisip na ba kayo na club?" Jia said.

"Interested ako sa club nyo ate, pero ito si Deanna parang ayaw." Sabi ni Ponggay sabay baling ke Deanna.

Nagulat naman si Deanna at nagpatitig kay Ponggay.

Lahat naman ay napatingin kay Deanna, waiting for her answer.

"Ahmm.. Ehhh.. Hindi naman sa ayaw ko, I'm just not sure if bagay ba ako doon kasi wala akong alam sa theatre eh...." Nahihiyang sabi ni Deanna sabay yuko.

"Okay lang yan. Visit our booth mamaya so you'll know more of what we do. Basta if you'll join our club, hindi mo pagsisisihan." Jema said while smiling.

Napangiti na lang si din si Deanna.

"So see you na lang mamaya okay? Samahan ko pa si Cy, kausapin namin si Ms. Santos." Pagpapaalam ni Jia.

"So hindi nyo pa nakausap si Ms. Santos?!" Gulat na tanong ni Jema.

"Ms. President, relax! We can handle it."  Depensa ni Jia.

"Naku, Jia ahhh, yung pinaka importante pa yung hinuli nyo." Authoritative na sinabi ni Jema.

"Sorry na madam president. Grabe ka talaga! Sunod na kayo sa booth after nyo kumain. Bye na guys at baka mahighblood tong presidente namin." Natatawang sabi ni Jia bago tuluyang umalis.



"Tutuloy ba talaga natin yung pakulo mo Jema?" Tanong ni Joy.

"Syempre naman no! Pinaghirapan natin yun eh tsaka buti nga willing tayong tulungan ng Music club eh." Sagot ni Jema.

"Eh kasi naman may gusto sayo yung president nila!" Bulyaw ni Mylene.

Nagkatitigan naman si Pongs at Deanna.

"Hoy hindi ahh! Si Cy parang kapatid ko na yan!" Depensa ni Jema.

"Buksan mo kasi mga mata mo ng makita mo yung totoo." Sagot ni Mylene.

"Kapatid na kaibigan nga lang talaga." Pahabol ni Jema.

"Muka naman okay si Cy eh..." Marahang sabi ni Deanna habang nakatiging sa kinkain nya.

Binaling agad ni Jema ang tingin kay Deanna, trying to catch her eyes. Pero minabuti ni Deanna na ituon ang pansin sa pagkain habang nag aantay ng sasabihin ni Jema.

"We've been friends for like forever, parang family na kami. And besides..." Explain ni Jema still trying to catch Deanna's eyes.

"Besides what?" Tanong ni Ponggay, dahilan para maangat ang tingin ni Deanna, waiting for Jema's answer.

And then finally Jema caught her eyes and the staring game begun.

"Kasi ano... Ano..." Nauutal na sabi ni Jema.

"Ano!?" Tanong ni Joy.

"May ano kasi... Alam naman nya na ano eh..." Nauutal na patuloy ni Jema still locked sa titigan nila ni Deanna.

My FirstWhere stories live. Discover now