After class tumakbo si Deanna and Ponggay papunta sa BEG.
"Dali Pongs! Ayaw ko malate!" Sigaw ni Deanna.
Nakita nila na may mga players na kaya nagpalit agad sila ng damit.
Pumito ang Coach para ihuddle sila.
"We'll have some drills for our afternoon practice. But starting tomorrow, we will have stretching and warm-up exercises to help you all get fit sa umaga. Every afternoon naman, we will have our drills and games. We'll announce if may magiging changes sa schedule." Sabi ng Coach.
Tumango naman ang mga players.
"So now, seniors, kayo na bahala mag introduce ng drills." Utos ng Coach.
"Kami na po bahala Coach!" sabi ni Aly.
Nagstart na magdrills ang mga players lead by the seniors.
Pawis na pawis na si Deanna pero patuloy pa din sya kasi masaya sya sa ginagawa.
Sa di kalayuan sa loob ng BEG.
"Hoy J! Ano hangang titig ka na lang?" sabi ni Joy.
"Naku Joy, laging day dreaming itong si J. Takot naman humarap kay Wong!" Sabi ni Mylene bago hampasin si J sa balikat.
"Aray!" Nagulat na sabi nito.
"Ano ng balak mo, lalapitan mo ba?" tanong ni Joy.
"Ahhh Ehhhh, hindi ko sure if kaya ko na eh." Nauutal na tugon ni J.
"Alam mo J, madali lang naman eh, pakilala ka lang sa kanya para at least alam nya na you exist." Sabi ni Mylene.
"Nagiipon pa ako ng lakas ng loob eh." Nalungkot na sabi ni J.
Napailing lang si Joy.
Pumito naman ang coach nila Deanna.
"Alright girls! That's it for today. I am expecting everyone tomorrow at 6AM dito. Do not be late. Make sure din matapos nyo na ang room assignment. Captain ikaw na bahala." Sabi ng Coach bago iwan ang mga players.
"Girls, shower na kayo see you all sa dorm." Aly said.
Magkasabay na lumabas sa BEG si Ponggay at Deanna at pinag-uusapan ang mga drills na ginawa nila kanina.
"So from now on we will do those things everyday? Grabe, nakakapagod." Reklamo ni Ponggay.
"Well, if it's what it takes then we have to do it." Sabi ni Deanna.
Napansin ni Deanna na may mga students na nakatambay sa labas ng BEG. Pero hindi nya ito pinansin at patuloy lang sila naglakad ni Ponggay hangang makarating sa dorm.
"Gets ba ang room assignments?" Tanong ni Aly sa mga rookies.
"Yes po!" sagot ng mga ito.
"Halika na Pongs, let me help you." Sabay kuha sa ilang gamit ni Ponggay at nagtungo sila sa room nila.
Pagkapasok ay agad namang humiga si Ponggay sa kama.
"I think we'll have a great time." Nakangiting sabi nito.
"I hope so too!" Sagot ni Deanna at humiga na din ito sa kama nya.
Maya maya pa ay nagsimula ng mag-ayos ng gamit si Ponggay. Tinitingnan lang naman siya ni Deanna.
"Ang bagal mong kumilos Pongs!"
"Eh kung tulungan mo na lang ako?" sagot ni Ponggay.
"Eh malay ko ba sa gamit mo. Tsaka bakit kasi ang dami, parang dala mo lahat ng nasa kwarto mo!" Natatawang sabi ni Deanna.
"Hai naku Wong! Teka, ito pala yung Harry Potter books. Sole mo na lang pag tapos mo na gang book 4 yan!" Sabi ni Ponggay sabay abot ng mga libro.
Parang bata namang inabot ito ni Deanna at sinimulang icheck ang mga libro.
"Authentic! Thanks Pongs, babasahin ko uli from Book 1!" Masayang saad ni Deanna.
"Walang anuman, anyway tapos ko na din naman basahin yan." Nakangiting sabi nito.
Nilagay ni Deanna ang mga libro sa may desk nya malapit sa bintana.
Hindi nya naman mapigil na usisain ng makita ang isang babae na medyo maikli ang buhok na parang may hinihintay sa baba ng Dorm.
Sino kaya yun. Mukang kanina pa sya may hinihintay at di mapakali.
Maya maya pa ay may dumating na lalaki at kinausap ang babae.
Ayan naman pala yung hinihintay.
Ibabaling na sana nya ang tingin pabalik sa kwarto ng makita nyang umakbay ang lalaki sa babae at naglakad ang dalawa papalayo sa dorm nila.
"Hoy Deanna! Anong tinitingnan tingnan mo dyan?" Saway ni Ponggay.
"Wala may magjowa lang." Matipid sa sagot nito.
"So gusto mo na din magkajowa?" Natatawang sabat ni Ponggay.
"Hindi no. Hindi ko kailangan non!" Sagot ni Deanna.
"Bakit nagkarelasyon ka na ba?" Tanong ni Ponggay.
"Ako? Wala pa. Hindi ko naman iniisip eh." Nahihiyang sabi ni Deanna.
"Eh crush? Sino crush mo?" Pag-uusisa ni Ponggay.
"Crush, ahm, kahit sino basta magaling sa mga bagay bagay." Nagmamadaling sagot ni Deanna.
"Nakakatawa ka Wong! Crush lang pinag-uusapan napakadefensive mo." Sabi ni Ponggay.
"I don't know Pongs, I guess hindi pa ako na-inlove." Seryosong sabi ni Deanna.
"You know what Deanns, one day you'll feel it. And when that happens, always remember that I am here your sister from another mother okay?!" Ponggay said.
"Thanks Pongs! Pero sa ngayon talaga, I want to focus lang sa studies and volleyball. Gusto ko talaga makalaro sa UAAP and maybe be part of the national team." Lahad ni Deanna.
"Kaya mo yan Deanns. Just one step at a time. Basta pag sikat ka na wag mo akong kakalimutan ha?!" Nakangiting sabi ni Ponggay.
"Of course, ikaw pa ba?!" Deanna said then winked at Ponggay.