Ilang araw na ang lumilipas ng makauwi si Deanna sa Cebu. Pinili nyang manahimik at sarilinin ang nararamdaman dahil sa mga narinig at nasaksihan nya simula ng lumuwas siya sa Maynila kasama ang ama. Sa kabila nito ay pinipilit nyang ipakita sa pamilya nya na okay lang siya.
Ilang araw na ding tumatawag at nagtetext si Jema sa kanya pero sinasadyan niyang hindi ito sagutin o kaya naman ay mas pinipili pa nyang patayin ang cellphone nya. Nabasa din ni Deanna ang ilang messages mula kay Maddie na nagsosorry ito at nanghihingi ng chance na makapagpaliwanag. Sa kabila ng pagsisikap ng mga kaibigan nyang makausap siya ay pinili ni Deanna manahimik at iignore ang mga ito.
Byernes ng umaga at maagang nagising si Deanna. Nakabihis na siya ng uniform nya at handa ng pumasok. Bumaba na siya mula sa kwarto nya at papunta na sa dining hall.
Nakita nyang andun ang mama nya at kapatid nya.
"Good morning anak! Halika't umupo na para makapag-agahan." Sabi ng mama nya.
Sumunod naman si Deanna at sumabay ng kumain sakanila.
"Asan si dad? Ma?" Tanong ni Deanna ng mapansin na wala ang papa nya.
"On the way sa airport si papa for a business meeting sa Manila." Sagot ng ate nya.
Tumango lang si Deanna at nagpatuloy sa pagkain.
"Ma, ako na po maghahatid kay Deanna sa school." Sabi ng kapatid nya.
"Sigurado ka ba?" Tanong ng mama nila.
"Kailangan po ni Deanna yun. Ayaw nating nagkakaganyan ang paborito natin." Masayang sabi ng kapatid nya.
Dahil walang gana si Deanna ay pinili nyang wag na lang umimik. Matapos nilang kumain ay Nagpaalam ito sa nanay nya. Niyakap siya ng mahigpit at sinabi, "Mag-ingat ka anak. Naniniwala kaming gagawin ko ang tama."
Medyo naguluhan si Deanna pero hinalikan nya lang sa pisngi ang ina at lumabas na sila ng ate nya. Pagkapasok nila sa kotse ay nagsimula ng paandarin ito ng ate nya.
Tulala pa din si Deanna habang nakaupo sa passenger seat. matapos ang ilang minuto ay inihinto na ng ate nya ang sasakyan. Nilingon ni Deanna ang paligid.
"Ate? Airport to eh..." Sabi ni Deanna.
Bumaba ang ate nya kaya sumunod ito. Hinarap siya ng ate nya at inabot ang ticket.
"I am supposed to go with dad but realized na you need the trip more than I do. Kahit hindi mo ikwento, alam kong may mali. Hinahanap ka sa akin ng mga kaibigan mo, halos isang linggo na silang sinusubukan kang kontakin. Palagi kang wala sa sarili at sobrang nag-aalala na ako. Kaya with the help of mom, we decided to let you go back to Manila and fix kung ano man yang gumugulo sa puso at isip mo. Tandaan mo na mahal ka namin and we will always support you. Wag ka na mag alala sa school, I already called them. Go Deanns! Update mo ko ha?" Sabi ng ate nya kaya napaluha na lang ito habang niyakap ito.
"Naku, ang iyakin mo talaga. Go na baka hindi ka pa makacheck-in." Biro ng ate nya.
Nagpaalam si Deanna sa kapatid at pumasok na sa airport. Nakaabot naman siya sa check-in time. Inihanda nya ang sarili para harapin ang problema nya.
Pagkalapag ng airport ay agad na tinawagan ni Deanna ang driver nila para magpasundo. Hindi nagtagal ay dumating na ito kaya agad na sumakay si Deanna.
"Saan po tayo?" Tanong ng driver.
"Kuya kina Jema po." Deanna replied.
"Aantayin ba kita?" Aniya ng driver pagkapasok nila sa subdivision.