Parang ang bilis ng oras at natapos na agad ang class nila Deanna at Ponggay.
"Deans, tara na sa gym, para makapagwarm-up tayo." Aya ni Ponggay.
Tumango lang si Deanna at kinuha ang mga gamit nya at nilagay sa backpack. Sinukbit nya ito sa likod at dahan dahang lumabas sa classroom nila.
"Pongs..." Mahinang sabi ni Deanna.
"Yes Deans?" tanong ni Ponggay.
"Kinakabahan ako. Tingin mo kaya ko?" Malungkot na sabi ni Deanna.
Nilingon ito ni Ponggay at hinarangan kaya napatigil si Deanna sa paglalakad.
"Hey! Yung nakilala kong Deanna, matapang at hindi madaling sumuko. Kaya mo Deans! Believe in yourself. I believe in you and lagi akong nasa likod mo. Para sa dream mo to!" Paalala ni Ponggay.
Napangiti lang si Deanna.
"C'mon! Tangalin natin yang kaba na yan!" Sabi ni Ponggay habang hinawakan ang kamay ni Deanna at hinila.
Napangiti lang uli si Deanna.
I'm lucky to have such a good friend. I miss my sisters, andyan kasi sila for me when I was with them. Good thing I have Pongs here. Indeed a sister from another mother!
Nang makarating na sila sa Gym, dali namang pumunta sila sa dugout para magpalit.
Pagpunta nila sa court, mas kinabahan si Deanna ng makitang medyo marami ang manonood ang game.
Hindi ako sanay sa maraming nanonood pag practice game. Jitters!!!
Sinundan lang ni Deanna si Ponggay papunta sa mga kateam nila.
"Deanns! Wag ka kabahan ahhh. Chill lang tayo. Basta receive well lang okay?" Bati ni Aly sa kanya.
"Yes po Cap!" sagot ni Deanna.
"Deanns, ate Ly na lang please." Palambing na sabi ni Aly.
Tumango lang si Deanna.
Nagulat naman si Deanna ng biglang may tumapik sa kanya kaya agad nya itong nilingon.
"Good luck Deans! Galingan mo ahh?!" Nakangiting sabi ni Maddie.
OMG!!!! Kinikilig ako! Uu, sure ako, ito nga yung kilig!!!! Gagalingan ko para sayo ate Mads!
Ngumiti lang si Deanna, trying to keep her emotions.
"Thanks ate Mads!" mahinahong sabi ni Deanna.
"Aww!" Sabi ni Mads.
Nagulat si Deanna bigla kasing sumulpot is Bea at kiniliti nito sa tagiliran si Maddie.
"Hey kid! Galingan mo ahh!" Bati ni Bea kay Deanna habang nakipag apir ito.
"I will do my best po!" Sagot naman ni Deanna.
Panira moment naman tong si ate Bea. Tsaka bakit ganun, kung hindi si ate Jho, eh si ate Mads naman hinaharot. Hoy Deanna, kelan ka pa natutong gamitin ang harot na word??
Pumito ang coach nila at pinalapit sila matapos nilang magwarm-up.
"Alright team, most of you kilala na sila but let's all say thank you to these Legendary Lady Eagles."
"Ferrer, Gervacio, Ho, Cainglet, Lazaro, Tan, and Nacachi."
Kumaway naman ang mga ito sa mga bagong Lady Eagles.
"Thank you Legends for finding time for you little sisters. Hope everyone will learn from all of you. Let's start the game!" Masayang announce ng coach.