Chapter 53

10.1K 241 43
                                    

"D.. Deanna.." Mahinang sabi ni Jema while trying to wake up Deanna.

"Hmmm.." Deanna responded as she moved her head and rub it against Jema's neck.

"Baby... Wake up na. Dito na tayo..." Jema continued while gently rubbing Deanna's back.

"I'm sleepy pa B... Few more minutes please.." Deanna responded while she hugged Jema.

Jema leaned closer to Deanna and whispered, "Bb, tayo na lang kasi sa bus eh.. Nakababa na lahat. Ilolock na ni manong yung bus.."

Napabalikwas naman si Deanna, "Huh?"

Natawa naman si Jema and replied, "Tara na!"

"Akala ko panaginip lang." Deanna said.

Ngumiti naman si Jema and took Deanna's hand at bumaba na sila sa bus.

Pagkababa nila sa bus ay sinalubong sila ni Jia at Jho.

"Akala ko di na kayo bababa eh!" Biro ni Jia.

Natawa lang si Jema.

"Jema, pwede ba ako sumabay sa inyo ni Deanna papunta kina Bea?" Tanong ni Jho.

"Sure!" Sagot naman ni Jema.

"Tara lagay na natin gamit sa kotse." Pagaaya ni Jema.

"Ahh Deanns, diba sabi mo may kukunin ka sa locker?" Jho said.

"Ako? Meron ba?" Deanna said cluelessly.

"Diba kanina bago yung game, sabi mo paalala ko na nilagay mo yung susi ng locker mo sa gilid ng bag mo." Jho explained then winked at Deanna.

Ano bang sinasabi ni ate Jho? Isip ni Deanna habang kinapa ang pocket ng bag nya.

"Ay oo nga pala! Saglit lang ako, wait for me na lang." Deanna said.

Tumango lang sina Jho and Jema at nakipagkwentuhan na kay Jia.

Naglakad naman papasok si Deanna sa gym papunta sa locker. Kinuha nya ang susi sa pocket at pumasok na sa locker room. Tiningnan muna nya kung may tao. Nangmasure na siya lang ang nanduon ay agad niyang sinubukang buksan ang locker na may number 15.

**Click**

Bumukas ang pad lock. Huminga ng malalalim si Deanna at dahan dahang binuksan ang locker.

Pagkabukas pa lang ng locker ay may picture na nakapost sa likod ng pinto nito. Picture nila ni Jema. Naka jersey ng #15 si Jema at may hawak itong trophy. Habang nakaakbay siya dito at ang isang kamay nya ay nakaturo sa trophy. Pinagmasdan nya ang picture.

"Parang ang saya saya natin dyan ahhh. Anong award mo?" Tanong ni Deanna.

"Rookie of the Year..."

Napalingon si Deanna kung saan nanggaling ang boses.

"Ay kayo po pala manong." Nahihiyang sabi ni Deanna.

"Nalaman ko ang nangyari sayo. Alam ko na wala naman akong karapatang magsalita pero hindi naman kayo iba sa akin dahil tinuring ko kayong lahat na para ko ng anak, lalo na si Jema sapagkat laging wala ang mga magulang nya." Kwento ng matanda.

"Pasensya po at binuksan ko." Deanna apologized.

"Madalas mo naman gawin yan dati pa. May susi ka nga diba? Sinagot ko lang naman ang tanong mo." Ani ng matanda.

"Madalas ko pong gawin ito?" Nagtatakang tanong ni Deanna.

"Hindi ka pa nag-aaral dito ay madalas ka na dito. Alam ko na matagal na, na dito ka din mag-aaral at maglalaro. Ikaw ang pinakaimportanteng tao kay Jema bukod sa mga magulang nya. Alam ko madami kang tanong kaya sana masagot na yan. Iha, wag kang matakot malaman ang nakaraan mo para mapalaya ka nito. Tandaan mo lang sana na lahat ng tao nagkakamali pero kayang kayang bumawi. Wag kang mabulag ng emosyon at laging pakinggan ang lahat ng angulo para mabatid mo ang tunay at katotohanan." Sabi ng matanda.

My FirstWhere stories live. Discover now