"Deanna! Tara na dito at kumain ka na." Aya ng mama ni Bea ng makita nito si Deanna na kasama ni Ponggay. Inabutan sila ng plate.
"Thanks po tita." Magalang na sagot ni Deanna.
Sabay sila ni Ponggay na kumuha ng food sa kitchen at dinala ito sa dining hall. Magkatabi silang umupo kasama ng ibang Lady Eagles.
"Himala ata na konti lang food na kinuha mo Deanns." Puna ni Ponggay ng makaupo na sila ni Deanna.
Napangiti naman si Deanna, "Nakakahiya kaya!"
"Hey Deanns, bawal mahiya dito. Eat as you can lang!" Masayang sabi ni Bea.
"Sige ate Bei." Sagot ni Deanna habang nakangiti ito.
Nagsimula na silang kumain habang patuloy na nagkwekwento si Aly kay Den ng mga activities and plans ng Lady Eagles in preparation sa big games.
"So kamusta kayo ni Jema?" Nakangising tanong ni Ponggay kay Deanna.
"Okay naman." Matipid na sagot ni Deanna.
"Yun lang? Walang pakwento dyan?" Hirit ni Ponggay.
"Hinatid lang naman nya ako dito eh, ikaw kasi iniwan mo ako!" Sagot ni Deanna.
"Bakit hindi ka ba masaya na kasama mo si Jema? Ang hina mo kasi eh!" Tanong ni Ponggay.
"Masaya naman, kaso syempre nakakahiya dun sa tao. Baka sabihin inaabuso ko ang kabaitan." Formal na sagot ni Deanna.
"So friends lang ganun?" Tanong ni Ponggay.
"Oo naman! Are you expecting something else?" Deanna asked.
"Malay ko, that's why I'm asking." Nakangisi uling sagot ni Ponggay.
Napangiti lang si Deanna.
"So san kayo nagpunta at bigla kayong nawala sa club prezi?" Patuloy na tanong ni Ponggay.
"Lumabas lang kami then hinatid nya ako sa dorm. Diba nagpang-abot tayo non!" Depensang sagot ni Deanna.
"Yun lang talaga? Wala kayong ibang ginawa?" Pangungulit ni Ponggay.
"Wala nga! Tigilan mo nga ako Pongs!" Sigaw ni Deanna.
"Hala! Galit ka na nyan? Nagtatanong lang eh. Teka, galit ka ba dahil sa tanong ko or dahil wala kayong ibang ginawa?" Ponggay asked with a grin.
"Ewan ko sayo Pongs! Puro ka asar dyan eh. Friends lang kami okay?" Deanna said before she excused herself and went to the kitchen.
Hindi nya napansin na sinundan pala siya ni Bea.
Malalim na nag-iisip si Deanna while getting some food.
Jema... Lagi na lang Jema... Apart sa laging na syang naiisip ko, lahat pa ng tao siya bukang bibig. Why? Ano bang meron? "Bakit puro Jema?" She said out loud.
Tinapik naman ni Bea ang balikat nya and smiled at her.
"Ate Bei, ikaw pala. Sorry, hindi ko napigilan. I guess I was thinking out loud." Nahihiyang sabi ni Deanna.
"Hey Deanns, no need to be sorry. I understand naman eh. Tara sa garden!" Aya ni Bea.
Ngumiti si Deanna at sumunod kay Bea sa may garden.
"My mom loves roses. Siya nagtanim ng lahat ng yan. This is my favorite spot whenever I need space or time to think." Kwento ni Bea.
"It's nice here. Nakakarelax." Deanna said.