Chapter 25

11.3K 229 29
                                    

"Deanna! Focus. Being a libero is a very big task lalo sa team natin okay. You got to be brave and give your all to ensure floor defense. Tomorrow, we'll have a session with Denden. I expect you to do better. Alright?" Sabi ng coach nila after ng drills and one set game with the other lady eagles.

"Yes Coach! I will do my best po." Deanna answered.

"Okay, see you all tomorrow. Same schedule, so no one should be late or miss our morning and afternoon sessions. Denden will be here so everyone get ready. It doesn't mean that we will all rely to our libero. Everyone should learn floor defense. You can now go!" Huling salita ng coach nila bago sila nagdisperse.

Lumapit si Maddie kay Deanna and tapped her back, "Hey Deanns! It's okay. I know you did your best kanina, but I know that that you can do better. Dito lang kami for you."

Napangiti si Deanna, "Thank you ate Madds."

Bigla namang umakbay si Bea kay Maddie, "Tara guys, sa bahay tayo magdinner." Masayang sabi nito.

Napatingin naman sina Deanna at Maddie kay Bea.

"All the Lady Eagles should come! Ate Aly, request ni mom to. She wants to meet the rookies din daw kasi eh." Sabi ni Bea.

"Are you sure it's okay?" Sabi ni Jia.

"Yes, ate Jia. Minsan lang to. Tsaka may surprise ako sa inyo, lalo kay ate Ly." Sagot ni Bea.

"Hoy Bea! Anong pakulo na naman yan ahh?" Usisa ni Aly.

"Basta ate Ly, wait till we get there." Sagot ni Bea.

"Pag yan kalokohan, lagot ka sa akin!" Patuloy ni Aly.

"Trust me ate, everyone will have fun!" Masayang announce ni Bea.

"Okay guys, palit na kayong lahat then sa sabay sabay na tayo kina Bea. Lahat ng may car, share your rides okay?!" Sabi ni Aly bago nagsitungo sa dug-out ang mga players.

Nauna na si Bea na nakaakbay pa din kay Maddie at nasundan na lang ito ng tingin ni Deanna.

"Bagay ba sila?" Tanong ni Jema kay Deanna.

"Huh?" Gulat na sagot nito.

"Wala!" Natawa na lang si Jema.

Binaling naman ni Deanna ang tingin kay Jema at ngumiti.

"Ayan! You look cute pag nakasmile ka." Puna ni Jema.

Napangiti lalo si Deanna.

"Sobrang seryoso mo kasi kanina sa practice nyo eh. Bakit ka ba naglalaro?" tanong ni Jema.

"Kasi gusto ko magvolleyball and dream ko makapaglaro sa UAAP." Sagot ni Deanna.

"So love mo yung sports diba? Eh di dapat happy ka sa ginagawa mo. Ano ba indication that you love what you are doing? Diba pag nagssmile ka!" Explain ni Jema.

Napangiti lang si Deanna, "Okay I will try kaso minsan kasi sa sobrang focus, tsaka seryoso kasi ako pag naglalaro."

"Try mo next time to enjoy the game. Kaya mo yan kahit na nagtatry ka magfocus." Pahabol ni Jema.



"Deanns!" Sigaw ni Ponggay habang papalapit kay Deanna at Jema.

"Hi Jema!" Bati ni Ponggay kay pagkaharap nito sa dalawa.

"Bakit di ka pa bihis? Aalis na. Sasabay ako kina ate then si ate Madds sasabay kina Bea. San ka ngaun sasabay nyan? Eh umalis na sila ate Aly." Ponggay said.

My FirstWhere stories live. Discover now