Ilang kanto na din ang nalakad nila Jho at Deanna. Patuloy lang ang paghikbi ni Jho habang inaalalayan lang ito ni Deanna.
Ilang beses nag-attemp si Deanna na kausapin si Jho pero puro iyak lang ang sukli nito.
Ate Jho, I really wish I can help you or even make you feel better. Isip ni Deanna.
Maya-maya pa ay huminto sa paglalakad si Jho at umupo sa may sidewalk. Napatigil din si Deanna habang nakikita nyang binabaon ni Jho ang mukha nito sa mga palad nya at tuluyan ng umiyak. Agad na napaupo din si Deanna at hinimas ang likod ni Jho.
“Ate Jho, san ba ang bahay ni Jema?” Tanong ni Deanna.
Ngunit iyak lang din ang sagot ni Jho.
Hindi na matiis ni Deanna ang nangyayari kaya agad nyang kinuha sa bag nya ang cellphone.
Itetext ko ba or tatawagan ko? Tanong ni Deanna sa sarili.
Chineck ni Deanna ang oras.
10:00 PM na pala, baka tulog na si Jema. Kaso paano si ate Jho? Isip ni Deanna.
Bahala na! ito na lang ang nasabi ni Deanna bago tuluyang pindutin ang call button ng phone nya.
*****RING*****
*****RING*****
*****RING*****
Naku, mukang tulog na nga. Isip ni Deanna.
Ieend na sana nya ang call ng biglang may sumagot.
“Hello?”
“Jema?” Mahinang sabi ni Deanna.
“Deanna?” Gulat na sagot ni Jema.
"Sorry nagising kita" Nahihiyang sabi ni Deanna.
"Huy, okay lang. May problema ba? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Jema.
"Naku hindi! Si Ate Jho kasama ko kasi." Sagot ni Deanna.
"Anong nangyari kay Jho?" Tanong ni Jema.
"She wants to see you. Galing kami kina ate Bea and we walked few blocks na. I asked her saan yung bahay nyo but she keeps on crying lang. So I called you kasi naliligaw na ata kami." Deanna explained.
Napansin naman ni Deanna na bumukas ang ilaw sa isang kwarto ng bahay na nasa harap nila.
"Anong bahay ang nakikita mo?" Tanong ni Jema.
Maya pa ay dumungaw si Jema sa terrace ng bahay sa harap nila.
Napangiti si Deanna at kinawayan si Jema. Napansin naman ito ni Jema.
"Andyan na pala kayo. Wait! Baba ako." Sabi ni Jema.
"Okay." Sagot ni Deanna at binalik na sa bag ang phone at tumayo para salubungin si Jema.
Ito na naman tayo. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Lagi na lang ganito Jema. Isip ni Deanna.
Medyo inayos ni Deanna ang suot nya. Tumigil lang ito ng marinig nya ang pagbukas ng gate nila Jema. Dahan dahan nyang inangat ang kanyang muka para makita ang dalaga.
Napapatitig sya habang lumalakad ito papalapit sa kanya.
Ang ganda talaga ng ngiti mo. Isip ni Deanna.
Napansin nya na nakasuot ito ng super ikling shorts na parang panlaro ng volleyball at naka black spaghetti strap na top.
Sexy. Hot. Jema. Bakit ka ganyan?! Isip ni Deanna.
![](https://img.wattpad.com/cover/166766001-288-k540908.jpg)