Bago tuluyang pumasok sa common room, biglang huminto si Maddie dahilan para mapatigil si Deanna. Humarap si Maddie kay Deanna.
"Are you feeling better?" Nagaalalang tanong nito.
"I'm okay ate Mads, wag ka na magworry." Sagot ni Deanna.
"Next time, unahin mo yung safety mo kesa sa bola. Mas mahalaga ka kesa sa puntos okay?" Sabi ni Maddie habang tinapik ang braso ni Deanna.
Tumango lang si Deanna na nakangiti.
Tumalikod naman agad si Maddie at umupo sa tabi ni Jho at Bea sa sofa sa common room.
"Kamusta Deanns?" Masayang bati ni Ponggay.
"I'm okay naman na. I want to rest muna." Sagot ni Deanna at dumiretso na ito sa kwarto nila.
Pagkapasok ni Deanna sa kwarto, agad naman nitong kinuha nag cellphone sa drawer. Inenter and number na binigay ni Cy at pinangalanan ito ng J.
Dali syang humiga sa kama habang tinititigan ang contact number.
Should I text you now or what? Ano naman sasabihin ko? Hi Kamusta ka? Wait pangit naman. Hello, I'm Deanna. Formal naman! Hi, My name is Deanna, I'm sorry about earlier. Hope you are feeling better.
"Hoy Wong! Tawag ka nila ate Aly sa labas." Sigaw ni Ponggay.
Agad naman tumayo si Deanna at lumabas.
Dali itong lumapit kay Aly na kumakain kasama ang ibang mga ALE.
"Oh Deanns, andito ka na pala. Halika upo ka dito." Sabi ni Aly habang pinalapit si Deanna.
"So guys, the game earlier was great. Lalo yung first set! Deanns, good job! Galing mo and natutuwa kami, I'm sure and even the coaches said na polishing pa you'll even be as better than Denise." Masayang sabi ni Aly.
"Kaso lang, we can't afford to lose you sa team! We appreciate your effort pero as always safety first. Buti na lang at okay ka at walang masamang nangyari sayo. Si Jema naman konting bruise lang but she's okay." Patuloy ni Aly.
"Ahh so Jema po pala name nung nabunggo ko kanina..." Biglang sabi ni Deanna.
"Ai, hindi mo pa ba kilala?" Tanong ni Bea.
"Hindi eh, sino ba sya?" inosenteng tanong ni Deanna.
"Si Jema lang naman ang current president ng Theatre and Arts club, student council vice-president, youth councilor, muse ng basketball team at marami pang iba." May pagmamalaking sabi ni Jho.
"Andaming alam!" Asar ni Bea.
"Well, sino ba naming hindi makakakilala sa isang napakaganda at matalinong si Jema Galanza." Sabat uli ni Jho.
"So crush mo na?!" Sarkastikong tanong ni Bea.
"Ay selos ka?" Natatawang sabi ni Maddie.
"Hoy! Hoy! Magsitigil nga kayo." Saway ni Aly.
"Enough of Jema. Basta ang mahalaga pareho silang okay ni Deanna. Next time Deanns, wag na masyadong habulin ang bola lalo pag alanganin na. Para san pa ang galing diba kung maiinjury naman?" Paglalahad ni Jia.
"Tama naman po kayo ate Jia. Huwag po kayong mag-alala, sa susunod mas mag-iingat po ako." Sabi ni Deanna.
"Okay, cge guys, pahinga na tayo. Alam kong may training at pasok pa bukas." Sabi ni Alybago nagkipagbeso sa ibang mga players at kanya kanya na silang tumungo sa mga kwarto nila.
"Deanns?!" Tawag ni Jia.
"Yes po ate Jia?" Sagot nito pagkalingon kay Jia.
"Namessage mo na ba si Jema?" Tanong ni Jia.
"Hindi pa nga eh. Hindi ko alam pano sisimulan." Napakamot si Deanna habang sinasabi ito.
Natawa lang si Jia.
"Alright, good luck! Let me know if you need anything okay?" Sabi ni Jia bago iniwan si Deanna.
Pagpasok ni Deanna nakita nya si Gaston na nakahiga sa kama nya at hawak nito ang cellphone nya. Dali naman itong tumakbo at inagaw ang cellphone.
"Hoy Gaston! Wag yung phone ko!" Sayaw ni Deanna.
"Ikaw ahhh, nakuha mo na pala number ni Jema. So anon a next?" Nang-aasar na sabi ni Ponggay.
Umupo naman si Deanna sa tabi ni Ponggay.
"Hindi ko nga alam eh, gusto kong magtext pero nahihiya ako." Pag-aalangan na sabi ni Deanna.
"Hai naku! Ako na nga magmemessage, magsosorry lang naman diba?" Sabi ni Ponggay.
"Hey! Wag I should do it!" Sigaw ni Deanna.
"Eh hindi mo nga kaya eh. Simple lang naman!" Sagot ni Ponggay.
Lumapit naman si Deanna at tuluyang inagaw ang cellphone sa kamay ni Ponggay. Lumipat naman si Ponggay sa kama nya habang tuluyan ng humiga si Deanna at nagtry magcompose ng message.
To: J
Hi, This is Deanna Wong. Is this Ms. Jema Galanza?
Sent!