Nagising si Deanna sa bahagyang pag galaw ni Jema. Napangiti ito at agad na hinalikan ang ulo ng nobya. Binaon naman ni Jema ang mukha sa leeg ni Deanna. Dahan dahang kinulong ni Deanna ang kasintahan sa kanyang mga bisig.
"Good morning love!" Bati ni Deanna.
"Sleep pa Bb!" Sagot ni Jema.
Natawa naman si Deanna at muling hinalikan ang ulo ni Jema bago ito bumangon. Pero agad din siyang hinila ni Jema pabalik sa kama at yumakap ng mahigpit.
"Love, wait CR lang ako.." Paalam ni Deanna.
"Hmmmmnnnn" Sagot ni Jema.
"Bb, saglit lang promise! Hindi ko na kaya pigilin..." Natatawang sabi ni Deanna.
"Hmp!" Sabi ni Jema habang nakapikit pa din ang mga mata pero hinayaan nya si Deanna na tumayo.
Pagkalabas ni Deanna sa restroom ay agad nitong tinabihan si Jema.
"Bb, gising ka na, tara gala tayo..." Masayang sabi ni Deanna.
"Anong oras na ba?" Tanong ni Jema
"Hay naku babe, tamad nito! Bangon na para marami tayong mapuntahan." Sagot ni Deanna habang mahigpit na yinayakap si Jema.
Natawa naman si Jema, "Eh paano naman ako tatayo eh yakap mo pa ako!"
Natawa din si Deanna at binigyan si Jema ng maraming halik sa leeg.
"Love, nakakakiliti! Tama na!" Saway ni Jema.
"Sus! Gusto mo naman eh!" Biro ni Deanna at sinumulang kilitiin ang nobya.
Nagpatuloy pa ang asaran nila at harutan.
Naunang naligo si Deanna at nagpaalam na may aayusin lang.
"Bilisan mo magready love. Pagbalik ko dapat aalis na tayo ahhh." Sabi ni Deanna.
"Eh wait, ano ba need kong dalhin?" Tanong ni Jema.
"Maligo ka na, lalagay ko sa kama susuotin mo." Sagot ni Deanna habang tinutulak papasok si Jema sa bathroom.
"Okay..." Sagot ni Jema at pumasok na sa bathroom.
Mabilis namang prinepare ni Deanna ang susuotin ni Jema at lumabas na ito sa kwarto.
Nakita nyang nakaupo sa living room ang mga magulang nila.
"Good morning po sa inyong lahat!" Masayang bati ni Deanna bago inisa isang halikan sa pisngi at yakapin ang mga magulang nila.
"Oh anak, ready na kayo ni Jema?" Tanong ng papa ni Deanna.
"Yes dad, I'm just going to prepare my motorbike." Deanna replied.
"Anak, mag-ingat ha?" Bilin ng mama ni Jema bago siya lumabas ng bahay.
Tumango lang si Deanna at ngumiti.
Agad na dumiretso si Deanna sa garahe at chineck ang motorbike nya. Natigilan si Deanna ng biglang may tumawag sa kanya.
"Nak?" Tawag mama ni Deanna.
"Oh Ma?" Bati ni Deanna na nakangiti.
"Kamusta kayo ni Jema?" Tanong ng mama nya.
"Okay na po kami Ma. Masaya akong balik na kami sa normal. Ipapasyal ko nga po siya ehhh." Deanna replied.
"Mabuti naman. Kita naman namin na masaya kayo, lalo na ikaw anak." Sabi ng mama ni Deanna.