Chapter 4

14.1K 228 8
                                    

Nagising si Deanna sa katok galing sa pinto.

"Gising na Pongs and Deanns! Bawal malate!" Pag-gising ni Therese.

Agad naming napabangon si Deanna at tinapik si Ponggay.

"Pongs gising na daw sabi ni ate Therese." Nakailang tapik pa ito sa kaibigan.

"Hmmmnn..." Sabi ni Ponggay.

"Una na ako magshower." Sabi ni Deanna at dumiretso na sa bathroom.

Madali namang nashower si Deanna at nagbihis. Humarap ito sa salamin.

"Good luck self! For the love of volleyball!" Pag-eencourage ni Deanna sa sarili.

Paglabas nya sa bathroom nakahiga pa din si Ponggay. Kaya dali nya itong pinuntahan at tinapik tapik.

"Pongs, ready na ako. Gising na remember may try-out tayo." Sabi ni Deanna.

Bumagangon naman si Ponggay at kinuha ang towel at dumiretso sa bathroom.

Niligpit ni Deanna ang gamit nya at inayos and bag nya. Habang inaayos nya ang pinaghigaan nila ni Ponggay saktong pagpasok ng mama ng kaibigan.

"Good morning po tita. Naliligo pa po si Pongs." Magalang na bati nya.

"Good morning din. Naku, ikaw pa nag-ayos nyan. Halika na bumaba ka na. Dun mo na antayin si Ponggay." Sabi ng mama ni Ponggay.

Sumunod naman si Deanna dito.

"Good morning Deanna!" Bati ng papa ni Ponggay habang nagbabasa ito ng newspaper.

"Good morning din po tito." Umupo naman si Deanna sa katabing sofa.

"Good luck sa try-out nyo mamaya ahh. I'm sure you both can get in sa team. Next time dalaw ka uli dito ahh laro tayo ng basketball." Masayang sabi nito.

"Sige po tito. Nakakahiya po pero hindi naman ako kagalingan. Okay lang yan. Mag-eenjoy lang tayo." Sabi ng matanda.

"Tara na at kumain pababa na si Ponggay." Aya ng mama ng kaibigan.

Pumunta na sila sa dining at masayang nagkwentuhan at kumain.

Nagpaalam lang sila at sumakay na sa kotse ni Therese pagkatapos magbreakfast.

Nagdrive na si Therese pa-Ateneo.

"Naku, galingan nyo mamaya ahh. Lagot ka kay papa Pongs pag di ka nakasama sa team." Sabi ni Therese.

"I know ate. Kakayanin to. Nagmana ako sayo diba?!" Inasar ni Ponggay ang kapatid.

"Basta Deans ah, bigyan mo ako ng magandang set." Sabi niya kay Deanna.

Napangiti lang si Deanna at binaling ang tingin sa labas ng sasakyan.

Hindi naman sobrang layo ng itsura ng manila sa amin. Mas maraming lang talagang tao dito. Pero I guess, after few more years magiging ganito din ang hometown ko.

Namimiss ko din sila ate. Buti si Ponggay makakateammate nya ate nya.

Pagkapark ng car ni Therese, dali silang pumunta sa loob ng Blue Eagles Gym.

May iilan na ding mga magtatry-out. Kaya agad naman nilang binaba ang gamit. At pumunta sa court para magwarm up. Ginaya na din sila ng iba. Nagpasahan naman ng bola sina Deanna at ponggay after ng warm-up.

Ilang saglit pa at nagsidatingan naman ang mga coach at mga players. Isa-isa naman silang nagpakilala.

"So ladies, Tell us your name, nickname, position na nilaro nyo and last school attended." Sabi ng isang coach.

Isa-isa namang tumayo ang mga hopefuls. May from UST, FEU, from nearby towns like batangas, cavite, bulacan and some from Davao din.

Kinakabahan si Deanna. Hindi nya maintindihan kasi sa past school nya, kaya naman nyang ihandle pero siguro since need nya magtagalog instead of Cebuano kaya mas kinakabahan sya.

Mag-eenglish na lang siguro ako kasi baka magkamali ako pag nagtagalog ako.

Tumayo naman si Ponggay.

"Hi I'm Pauline Marie Monique Gaston, Ponggay is my nickname. Outside hitter from Poveda." Bumalik ito sa pagkakaupo at tinapik si Deanna.

Tumayo naman si Deanna, medyo kinakabahan sya.

Kaya ko to!

"Hi, I'm Ma. Deanna Izabella Wong from Saint Theresa's College of Cebu. I played as a libero and setter. Please call me Deanna."

Nawala ang kaba ni Deanna matapos na nagsalita. Sabay upo nito sa tabi ni Ponggay.

"Drills muna tayo girls! Sundan nyo lang mga ate nyo." Sabi nung isang coach.

Agad naman tumayo sila Deanna at sumunod.

This is it! I'm on my comfort zone.

Ganado at focus naman si Deanna sa mga drills. Good thing na aside sa volleyball nakapaglaro din sya ng ibang sports kaya mapapansin ang agility nya.

Maya maya pa ay pumito na ang isang coach. Hinati ang lahat ng hopefuls sa 2 group, buti at magkasama sa isang team sila Ponggay at Deanna.

Now, maglalaro tayo. Team A vs Team B.

"Dito namin malalaman how well you will all work as a team. Aly and Jia will handle Team A then Amy and Jho for Team B."

Lumapit naman si Deanna and Ponggay kina Aly at Jia.

"Guys, laro tayo kung saan kayo comfortable." Sabi ni Aly.

"Gaston - Outside hitter and ikaw Wong ang setter." Sabi ni Jia.

Napatango lang sila.

Nagbigay pa ng small talk si Aly at iilang reminders. Samantalang si Jia, may one-on-one kay Deanna.

"Lagi mong iisipin na lahat ng pasa mo sa mga kateam mo counts. After few sets matatantya mo din ang tamang bilis at taas ng bola. Always listen to your spikers kung panu nila gusto iset ang bola. Be smart too. Check mo lagi ang blockers, bigay mo ang bola sa libre. Okay?" Sabi nito.

"I will do my best po, ate Jia." Sabi ni Deanna.

Ngumiti lang ito sakanya at tinapik ang balikat nya.

Pumito na, hudyat na magsisimula na ang laban.

My FirstWhere stories live. Discover now