"Dada di ba you promise me na hinding hindi mo ako iiwan ." wika ng isang batang umiiyak.
"Yes baby girl. . Promise sayo yan ni Dada ."may lungkot sa ngiti nitong tugon sa anak .
"Pero Dad bakit ngayon aalis ka, iiwan mo na ako ehh." Humagulgol na ng iyak ang Bata .
"Baby babalik din naman agad si Dada, meron lang akong kailangang gawing importante."
"Mas importante pa ba yon kesa sakin ? Dad please. . Sama mo nalang ako . ."
"Emoojiin makinig ka Muna sakin anak hah ."lumuhod ito para mapantayan ang anak .
"Kailangan nga muna kasing umalis ni Dada . . Pero promise ko sayo babalik agad ako ."mapait itong ngumiti sa anak .
Ilang sandali pa silang nagtitigan .
"Wag na ikaw iyak ha, babalik din agad si Dada."
"Basta balik ka kaagad Dada hah!"mahigpit nitong niyakap ang ama.
"Babalik agad si Dada ."
"Babalik agad si Dada."
"Babalik agad si Dada."
Unti unting naglalaho sa paningin ng Bata ang ama .
"Dada ?"pilit na inaabot ng Bata ang ama .
"Dada please !" muling umiyak ang bata .
Hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang imahe ng ama sa paningin ng Bata .
"Dada !" napabalikwas ng bangon ang dalaga dahil sa masamang panaginip na iyon .
"Fucking nightmare again ?" pumikit ng mariin ang dalaga .
Sampung taong wala na ang ama at sampung taon na rin siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon .
"Ten fucking years . . Dammit !" Padabog na tumayo sa kama at deri-deritsong bumaba sa bar counter ng bahay.
Pagkarating don ay nagsalin agad sya ng alak sa baso at ininom agad yon. . Napapikit pa sya sa lasa ng alak na nainum nya . . Pero hindi pa rin sya tumigil nagsalin ulit sya ng Isa pa hanggang sa mismong bote na sya ng alak umiinom.
Sa haba na nang panahong dinadalaw sya ng panaginip na iyon, nasanay na rin syang uminom ng alak hanggang sya ay makatulog ulit .
"Queen anak, umiinom ka na naman ." wika ng kanyang ina.
"Don't fucking call me that name Sofia!" singhal nya sa ina.
Ni hindi niya matingnan sa mga mata ang sariling ina . . Nakatanim na kasi sa kanyang isipan na ito ang dahilan kong bakit nawala sa kanya ang ama.
"Queen Remojiin ina mo pa rin ako." Malungkot nitong saad sa anak .
"Oo nga . . Ina lang kita ." At ikaw din ang dahilan kong bakit ilang taon na akong hindi tinatantanan ng pesting bangungot na yon!" hinagis nya sa sahig ang boteng hawak niya kanina kaya lumikha ito ng ingay .
Napahagulgol nalang ng iyak ang kanyang ina.
"I'm so sorry anak , I'm so sorry ." hahawakan sana nito ang anak ngunit nagpumiglas ang huli .
"Don't touch me . . Nandidiri ako sayo ." Puno ng galit na saad nito.
"Queen please an----
"Why can't you just leave me alone ? Bakit ba hindi kana lang umalis sa bahay nato, umalis sa buhay ko !"
"Queen----
"Ano ? Mag so-sorry ka na naman ? Bakit, maibabalik ba ng sorry mo si Dada sa akin ? Hindi di ba ! So please lang naman Sophia tumigil kana. . Pagod na pagod na ako sayo. ."
Unti unting tinalikuran nya ang ina at nagmamadaling bumalik ng kwarto .
At doon nya lang hinayaang tumulo ang masaganang luha na kanina niya pa pinipigilan sa harapan ng ina.
"Dada inaway ko na naman si Mama . . I'm sorry po kasi di ko na naman napigilan ang sarili ko ."
Pumikit muli sya at aasa na baka bukas maging okay na ang lahat .
_______________
Sobrang drama ni Remojiin 😁😁😁